Everything went back to normal after umalis si Rain. 2 weeks na siyang wala, Finally tumahimik din ang buhay ko."Tara, anong sasalihan mong activity bukas? " tanong sa akin ni Dom habang kumakain ng ube icecream.
Nandito kami ngayon sa isang icecream parlor malapit sa school. Nagsimula na ngayong araw yung university week namin kaya tinatanong niyo ako kung ano daw ang sasalihan kong activity bukas.
"Hmm..wala pa ako naiisip. May masasuggest ka ba? "
Actually, wala naman akong alam na activities na gaganapin bukas. Gusto ko nga sanang huwag pumasok since wala namang attendance.
"May basketball game ako bukas." Ohh ngayon ko lang nalaman na marunong pala siyang magbasketball
"Basketball player ka pala e hahaha" tukso ko sakanya "Naglaro ka ba last yr?"
Hindi pa kasi kami masyadong close last yr. Yung buddy ko kasi nung freshman pa ako is lumipat sa ibang school so si Dom naman ang pumalit sa pwesto niya.
"Yup. Kaso first runner-up lang ang college of medicine"
Tumango naman ako sa sinabi niya. Madami din naman kasing magagaling sa ibang colleges.
"Bakit hindi ka sumali ng cheerdance competition? Magaling ka naman sumayaw diba?" Tanong niya ulit sa akin
Hindi naman sa magaling pero marunong, ayoko lang sumali, hindi ko feel at wala din naman akong kakilala masyado sa college namin.
"Marunong lang, di magaling"
"Sus pahumble pa sya oh!" Kinurot niya nanaman yung pisngi ko
"Hobby no na talaga kurutin pisngi ko no?" Kunwaring pagtataray ko sakanya
"Hahahaha! Ang lambot kasi! " tapos nagpeace sign siya sa akin.
"Hindi ko feel sumali ng cheerdance."
"Kasi maaarte yung mga kasali? Sus e mas malayong mas maganda ka naman sa kanila."
"Oy ang judgemental mo ha. Paano mo naman nasabing maarte sila?" Unless kilala niya talaga sila.
"Alam mo Tara hindi mo kasi pinapansin mga tao sa paligid mo kaya hindi mo sila nakikilala, galaw palang alam ko nang maaarte sila mga famewhore!"
Well, tama siya. Wala akong pakealam sa mga tao na nasa paligid ko. Hindi ako friendly at may pagka anti-social.
"Galit na galit?" Pabiro kong sinabi sakanya
"Hindi naman, nakakairita lang kasi "
Hindi ko alam at wala din akong balak alamin kung bakit niya nasabing maarte yung mga kasali sa cheer dance as what I say kanina wala naman akong pake sakanila.
Bakit ko naman papakelaman buhay ng ibang tao e wala naman silang pake sa buhay ko. Hindi ko sila kilala kaya hindi ako maniniwala sa sinabi ni Dom na maaarte sila.
*RIIIIIIIINGGGGG*
My phone is ringing,agad ko naman kinuha sa bag ko.
Mommy calling...
"Hello My?"
"Hello baby, where are you?"
Himala at napatawag siya
"School palang po. Why?"
"Im on my way to your condo, may class ka pa ba? "
Isa ding himala kasi dadalaw siya sa akin. Lagi kasi siyang busy and like Dad once in a blue moon lang din siya bumisita sa akin.