Chapter 10

6 1 0
                                    

Nandito kami ngayon sa main shop ni Mommy for dress rehearsal. Bukas na kasi yung fashion show niya.

Kasama ko sina Selena, Jackie, at Dom. Nakulangan kasi si Mommy ng isang lalakeng model. Tinanong ko naman si Dom kung gusto niya at pumayag naman siya kaagad. Makisig naman ang pangangatawan niya at may itsura naman siya. Diba ilang beses ko na siyang sinabihan ng cute? Haha

Friday ngayon at dito na kami dumiretso ni Dom after ng class namin.

"Bakit ang tahimik niyang friend mo? " bulong sa akin ni Selena.

"Ganyan talaga yan sa una, try mo kayang kausapin" sagot ko sakanya

Turn kasi ni Jackie magdress rehearsal, nauna si Selena. Si Dom naman ang sunod kay Jack at ako ang huli.

After dress rehearsal, paparampahin kami. Siguro kaya tahimik si Dom dahil first time niyang magmodel hahahaha. Kanina pa kasi siya pinagpapawisan at hindi umiimik.

Nilapitan siya ni Selena at kumuha ng tissue para punasan ang takas na pawis ni Dom. Ang landi talaga nito.

"Ahh...thank you." Ngumiti si Dom sakanya at ngumiti din si Selena.

"Seems nervous huh?" Nakangising tanong sakanya ni Selena.

"Hehe di naman" napakamot tuloy ng buhok si Dom

"Ano? Natatae lang? " sarcastic na tanong ni Selena.

Napatawa naman kaming dalawa ni Dom sa tanong niya.

"Hahaha hindi no. First time ko kasi " sagot sakanya ni Dom

"E di kinakabahan ka nga? " tanong nanaman ni Selena

"Medyo...baka kasi mali mali yung gagawin ko."

Tumawa naman yung isang lalaking model sa tabi namin.

Terrence ata name niya. Matagal na siyang model ni Mommy. Nagsisimula palang si Mommy noon kasali na siya sa list of models niya. Part time niya ang pagmomodel, para din daw may pangtustos siya sa pag-aaral niya. Unti-unti na rin siyang nadidiscover,actually meron na siyang isang advertisement.

"Normal lang yan dude,ganyan din ako nung simula" sabi sakanya ni Terrence

Bumalik na si Jackie sa pwesto namin.

"Dom ikaw na daw''

Agad namang tumayo si Dom at pumunta sa isang room.

Nakipagkwentuhan din kami sa ibang models ni Mommy which is sila Romeo, Divine, Carla, at Jessa. Like Terrence part time nila ang pagmomodel. Actually hindi sila kinuha ni Mommy sa isang model agency. Nagpa-audition lang si Mommy dati kaya sila ang nakuha.

"May sakit kasi ngayon si Nate kaya hindi siya makakapunta." Sabi ni Jessa

Si Nate yung pinalitan ni Dom. Tumango naman kami sakanya.

"Ang tagal naman ata matapos ni Dom" sabi ni Selena sabay tingin sa orasan niya.

Magtethirty minutes na siya doon sa loob.

"Baka sinasanay lang siya doon" sagot naman ni Romeo.

Sabagay first time niya, matatagalan talaga siya. Siguro tinuturuan siya kung paano suotin at paano idala yung mga designs ni Mommy.

After ilang minuto, lumabas na siya na nakatawa.

"Tara your turn na " nakangiti niyang sinabi

Pumasok na ako sa loob ng room, nandoon si Mommy na nakangiti sa akin at ang kanyang baklang assistant na si Jomay at ang fashion blogger niya na si Lia.

TiaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon