Chapter 11
Nagising ako ng maramdaman kong gumaan bigla ang pakiramdam ko. Madilim pa sa labas.. Nilingon ko ang katabi ko at ngumiti.
"Nagising ba kita?" marahang tanong nito.
Tumango ako at saka sumiksik palapit sakanya. "Bakit ka nagising? Hindi ka kumportable?"
"Nope. Nakasanayan ko na kasing gumising ng ganito kapag katabi kita para sana panoorin kang matulog."
Ngumisi ako sa sinabi nya. "It's rude to watch someone while they are sleeping just so you know.."
"Nagising ka this time kaya hindi ako naging rude ngayon." biro nito sakin.
"Bigla mo kasing inalis iyong yakap mo sakin.. Naramdaman ko, kaya nagising ako."
Ngumiti na naman ito. Tapos tumingala sa kisame.
"Bakit ka na naman nangiti?"
"Palagi akong napapangiti kapag napapansin mo kahit iyong mga simpleng bagay na ginagawa ko."
"You're weird." pinitik ko iyong ilong nya at saka yumakap sakanya.
"Kumportable ka bang ganito tayo?" halos hindi ko na marinig iyong tanong nya.
"Na nakayakap ako sayo?" tiningala ko sya at saka sya tumango. "Yes. I never felt uncomfortable whenever I'm with you.."
Huminga sya ng malalim at hindi na nagsalita. Parang ang lalim ng iniisip nya and it made me curious.
"Anong iniisip mo?"
"Nothing.. You should go back to sleep, D."
"Sige na. I want to know what's inside your head."
Naramdaman ko iyong paghaplos ng kamay nya sa buhok ko kaya napapikit ako.
"I was thinking of you and your suitor.."
"Me and Kiethly? Why would you think about us?"
"He's serious on pursuing you. I know he'll take good care of you. I hope he'll take care of you."
Ramdam ko ang lungkot sa boses nya.. Parang bigla na lang may bumara sa lalamunan ko at biglang nanikip ang dibdib ko.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomancePride Series #1 My first GxG Romance Novel. --- When will you realize that you already fell for that WRONG person whom you thought was ever the RIGHT for you? --- Kahit man lang sana dito sa Wattpad matupad iyong pinapangarap kong 'Ikaw at Ako'... '...