38

3.1K 65 1
                                    

Chapter 38







She burried herself in completing all her paperworks after that lunch happened four days ago. Bukas na iyong kasal at nasa labas sya ng kwarto ng kanyang ama. Kakatok pa lamang sana sya ay bumukas na ito at iniluwa ang tita Divina nya.



"You're here for your Dad?" her sweet voice made her smile and nod. Divina gave way to her as she enters his father's room.



"Daddy,"



Nakangiting nilingon sya ng ama at saka binitawan ang binabasa nitong libro..




"Did I interrupt you?"



"Oh, no, princess. Come here.."



Humiga ito sa tabi ng kanyang ama. "I was reading this book about understanding and handling a child like you."





Nilingon nya ang librong tinutukoy ng kanyang ama at nagkunot ng noo. "Why, dad? Are--"



"And I tried to make Divina understand her daughter as how I tried to understand and accepted you.."




Nanatiling tahimik ito dahil nais pa nyang marinig ang idurugtong ng ama, niyakap sya nito at hinalikan sa buhok.



"Hindi madali. Siguro matatagalan pa bago nito maintindihan si Ayesa but I'm still hoping na darating ang araw na iyon. Gulat lamang siguro si Divina dahil hindi nya inaasahan ito, tulad ko noong malaman kong ganyan ka. Noong una'y hindi ko maintindihan kung bakit.. Ilang beses kong tinanong sa sarili ko kung napalaki ba kita ng tama?"





"Of course, dad!"





"I know, I did.. Noong naglakas-loob kang ipakilala sya sa amin ng mama mo. Noong makita ko sa mga mata mo kung gaano ka kahandang lumaban para sa pagmamahal mo sa kanya? Noong makita ko na sobrang nasasaktan ka dahil totoong mahal mo sya.. Alam kong napalaki kita ng maayos. Hindi man lalake ang minahal mo ngunit who are we to judge kung sino ang mamahalin mo, di ba?"






Unti-unting bumuhos ang luha ng anak. Siguro nga'y ito ang ikalawang pagkakataon na pag-uusap nila tungkol sa pagkatao nya.






"As long as wala kang natatapakang tao at totoo ang nilalaman nito." itinuro nito ang puso ng anak at saka pinawi ang mga luha na bumabakas ng maraming salita.





"Anak kita at kung may unang tao mang susuporta sayo higit sa Kanya ay narito ako. Anak kita at tatanggapin kita ng paulit-ulit dahil mahal kita.. Hindi kasarian mo ang magpapabago ng pagmamahal ko sa iyo, aking prinsesa."





"Dad," basag na ang boses nya dahil sa pilit nyang pagpipigil ng iyak. "Thank you.. For being my dad. For loving me."





I hope tita Divine would soon understand Ayesa.





Narinig ni Divina at Art ang komosyong nangyari sa hapag kung kayat nalaman ng ina ni Ayesa ang matagal na nitong itinatago ng anak sa kanya.






"Dad, I love you. I am happy that you are finally marrying your first love." bukal iyon sa loob nya at totoong masaya ito para sa kanyang ama.






"Masaya rin ako na minsan ay ikinasal ako sa great love ko.. iyon ang mommy mo. Hindi man natin sya nakasama ng matagal ay alam kong masaya sya para sa ating dalawa, anak."






Iniwan na nito ang kanyang ama matapos ang kanilang pag-uusap upang makapagpahinga na ito. Pumasok sya sa master's bedroom upang dalawin ang memorya ng kanya yumaong ina.






"Mommy, I still wonder if you truly are happy with what I chose to be.. Kung totoo kayang matatanggap mo ako kung nabubuhay ka pa? Kung magiging masaya ka ba para sakin at susuportahan ako tulad ni Daddy?" she smiled at her mother's portrait.






"Kung sakaling hindi mo man ako matatanggap at hindi ako susuportahan ay tingin ko'y ipaglalaban ko pa rin kung anong nararamdaman ko. Pipiliin ko pa ring mahalin sya, mommy. Tanggap mo man o hindi. Ngunit kung tulad ni daddy ay matatanggap mo ako, I would be the happiest daughter ever." she giggled.







"I miss you, mom.."






Bago ito lumabas ng kwarto ay nilingon nyang muli ang litrato ng ina.




"Don't worry about dad. I'm still here.. Tita Divina loves him so much. Mas rumami ang mag-aalaga at magmamahal sa aming dalawa. Mapanatag ka na, mommy. Masaya na ulit si daddy. I love you, mom."






Sa private resort na pagmamay-ari nila Georgina napiling ilipat ng kanyang ama ang venue.. Nagkaroon pala ng problema sa resort na unang kinontrata ng daddy nya kaya agad inilipat ito sa resort ni Georgina.





Pastel color ang bumuo sa mga tao na naroon na sa tabing-dagat kung saan gaganapin ang kasal ng kanyang ama at tita Divina. Halos kumpleto na ang lahat. Ang bridal car na lang na lulan si Divina ang hinihintay. Naroon din ang mga kaibigan nya at piling mga panauhin at kaibigan lamang ng ikakasal ang imbitado. Kumaway muna sya sa mga kaibigang nakangiti sa kanya, agad ring nanatili ang titig nya sa napakagandang babaeng sa likod ng maputlang mukha nito at tila nanghihinang aura ay isang ngiti ang pumapawi nito. Ngumiti rin ito sa kanya at saka kumaway.







Nang dumating ang bride ay agad na inumpisahan ang seremonya.. Naunang naglakad ang mag-ama papuntang harap ng altar na inayos sa dalampasigan.







"Dad, this is it. I love you so much.."






Then her dad started crying when Divina and her two daughters walked down the aisle.. Until they heard the two exchanged their 'I do's' and their vows to each other.






Nang natapos sa halik ang kanyang nga magulang ay nagpalakpakan ang mga ito at agad na nagtungo sa lugar na inihanda para sa dinner..






"Nagulat talaga ako nang ikwento sa akin ni daddy na hindi si mommy ang first love nya.. Pero nang makilala ko ang unang babae na inibig ng daddy ko ay napanatag ang loob ko at alam kong ganoon din si mommy. My daddy worked all his life just for me to have a better future, it would always because of me kaya sinikap nyang magtrabaho at kung bakit palagi syang wala sa tabi ko. Lahat ng ginawa nya ay para sa akin. He's a man full of love and understanding. Mahal na mahal ako ni dad ng sobra to which point that he accepted the whole me, to what I am today. Kaya noong sinabi nyang papakasalan nya si tita--Mama Divina ay pumayag ako. Sino ba naman ako para ipagkait ang natatanging bagay na magpapasaya sa dad ko, hindi ba? E, buong buhay nya ay ginugol nya mapasaya lang ako. Kaya ngayon, I want to dedicate this toast for their love that has found each other for the second time. Welcome to the family, Mama Divina.. and to my two beautiful sisters, Ales and Ayesa."




Matapos ang toast na iyon ay agad hinanap ng mga mata nya si Georgina. Kailangan nilang mag-usap! At sa puntong ito ay susundin na nya ang puso nya. Babawiin na nya si Georgina sa tadhana.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon