Last Chapter

4.6K 59 0
                                    

Filler Chapter; Untold Part




Noong unang beses kong narinig ang pangalan nya ay tingin kong hindi kami agad mapagkakasundo ng mga kaibigan namin. Tumira sya sa ibang bansa at tiyak na hindi nya lubos na maiintindihan ang mundo namin. Iba kami kumpara sa mga nakakasalamuha nya.. Iba ang gusto namin sa gusto nya. Kahit na sinabi na ni Jana sa amin na maayos naman nilang nakausap ang kaibigan nilang si Niña Dennise ay napapailing pa rin ako.

"Tawagan mo nga si Jana,"


"Wala akong pantawag." sagot ni Sarah kay Brave.


Umirap ako sa kanila. Hampas-lupa talaga 'tong mga 'to. May pang-inom at pang-gas tapos walang pang-load?


"Ako na lang tatawag.."


Hanggang sa ibang tao ang sumagot sa tawag na iyon. Akala ko nga yung isnatcher iyong nakasagot sa tawag ko, e, marami kasing ganoon dito. Hindi mawawalan nyan sa lungsod. Nang dumating sila at ipinakilala ang bagong dating nilang kaibigan ay hindi ko talaga sya nagustuhan pero iyong mga kasama ko ay enjoy na enjoy makipag-usap sa kanya. Hanggang sa nagkayayaan na kaming pumasok sa bar, hanggang sa nagkausap na kami..

Hindi naman pala sya tulad ng iniisip ko.. Agad naman akong humingi ng sorry sa kanya. Nauna nga rin kaming umuwi.. Napangisi na nga lang ako dahil tama ang hinala kong mayaman ito. Halata kasi sa pananamit at kilos nya. Agad din akong namangha sa pool area nila. I always wanted to have our house a pool area.


Hanggang sa palagi na kaming nagkakasama na dalawa, minsan kasama ng mga tropa, minsan naman ay kaming dalawa lang talaga. Then I started doubting my feelings for my girlfriend.. Mahal ko si Ezra, e, pero bakit ganito? Nagugustuhan ko na yata si Nins.


"Sarah, I think I like her."

Tamad nya akong nilingon. "Alam ko."

"Pero kasi.."



"Hiwalayan mo na. Ikaw na lang talaga nagpapaka---Bahala ka."


Iwinaksi ko iyon sa isipan ko. Baka nagkakamali lang kasi ako.. Baka nagkakaroon ako ng ganitong pakiramdam dahil hindi na kami maayos ni Ezra?


Si Nins lang ang nakinig sa akin nang humingi ako ng tulong para sa anniversary namin ni Ezra. Alam ko namang hindi na sang-ayon ang tropa sa amin ni Ezra pero kasi nangako ako, nangako kami sa isa't isa na sya lang ang pakikinggan ko.. Na pagkakatiwalaan namin ang isa't isa anoman ang mangyari.



Nang matapos ko ang kanta ay lumuhod ako sa harap ni Ezra. "Yes, Ezra.. Kahit anumang sabihin nila tungkol sayo, be it good or bad, luluhuran pa rin kita. I know enough that I fail your expectations sometimes.. It's not because I don't love you but because I'm still not used to it na tayo na. Na iyong ultimate crush ko sya pa itong naging first girlfriend ko, feeling ko nagloloading pa lang ito sakin. It's been a year now since you said 'yes' to be my girl. Now I ask you to be my girl forever and not to leave me no matter what.. Because a girl like you is impossible to find. Ez, you're impossible to find."


She was about to speak, to say something but Dylan appeared! What now, kuya?!



"Ezra, please. Spare my sister!" iyon lang ang sinabi ng kuya ko nang bitawan ni Ezra iyong bulaklak at saka lumuhod din at nagumpisang umiyak sa harap ko.



My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon