Epilogue

6.7K 107 38
                                    

EPILOGUE






"Babalik ako.. Babalik ako,"





Ang tanging huling narinig ko sa kanya bago sya umalis patungong Amerika. I convinced her to take the operation na in-offer sa kanya ng parents ni Ezra na gaganapin next month sa Amerika. I wasn't able to make it on time nung flight nila.. Gustuhin ko mang sumunod ay hindi pu-pwede. May trabaho akong hinahawakan.. May dad's counting on me and I can't fail him.






It has been two months since the operation pero hindi pa rin sya gumigising.. Palagi naman akong updated sa kalagayan niya dahil gabi-gabi sila sa akin nagvi-videocall.






"Iuuwi nyo na po sya? Bakit, tita Ash?"




Hindi pa tapos ang mga pinipirmahan kong papeles na inuwi ko galing opisina. Nataranta ako dahil sa tawag ngayon, iuuwi na raw si Georgina kahit hindi pa sya nagigising! They can't do that!




"Tita, kailangan nyang maobserbahan pa. Hindi nyo sya pwedeng iuwi ng hindi pa sya nagigising! They have the best facilities there than what they have here!"




She sighed.. I know what she's thinking.. "Tita, please don't give her up. It has been just a couple of month.."




"I am not, hija.. But I want her to rest from all of the pain that these machines are giving her."

Umalis si tita Ash sa harap ng camera at saka iniharap ito sa natutulog pang si Georgina. Ngayong gabi ay awtomatikong bumuhos ang mga luha ko.



"Sige na, Niña. Magpahinga ka na. Kakausapin ko ng maigi si mama sa gusto nyang mangyari.. Wag kang mag-alala, okay? Hindi ko pababayaan ang kapatid ko." Dylan smiled at me, he's assuring me..





Pagkatapos ng tawag ay hindi ko na nakayang pagtuonan pa ng pansin ang mga papeles na nasa harap ko.




I could've been with her at pinakiusapan ko na muna sana si Dad.. Kailangan ako ni G pero hindi ko na alam ang gagawin ko!




"If you want to go and see her.. Go."

Nilingon ko iyong nagsalita, nakahalukipkip lang sya sa akin habang mataman akong tinitignan.




"Marami akong trabaho, Ayesa.. Alam mo yan." ibinalik ko ang tingin ko sa harap ng laptop ko, hindi alam ang gagawin.




"Then would you rather wait every news here from them instead of you taking care of her there? Hindi ba dapat nasa tabi ka nya ngayon? Dapat nga sumama ka na noon sa kanya sa Amerika! Hindi ko alam kung ano bang takbo ng isip mo, e!"




Lito lang akong pinapakinggan sya. "Ikaw lang naman ang hinihintay ni Papa na magsabi sa kanya, e! He even told you na sundan sya doon before yung operasyon nya pero umayaw ka dahil may convention kang pupuntahan? The fvck? Mas mahalaga ba ang mga yan kesa makita mo mismo si Georgina'ng humihinga? What if--"




"S-stop right there. Ayokong.. Ayokong marinig."






"Minsan hindi na kita maintindihan.. Sinasabi mong mahal mo sya pero sa mga pinapakita mo parang hindi naman."





My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon