22

2.9K 72 0
                                    

Chapter 22






"Nini!"



"What? Please naman, busy ako. May ginagawa akong requirement."



Mag-isa ko lang kanina dito sa Ice cream parlour na tinatambayan namin madalas ni Sasa kapag inaaya ko sya at ewan ko kung bakit sya nandito ngayong araw.



"Sige na, tinatanong mo ako kagabi, di ba? Kung ano yung mga nagpasaya sayo kasama sya. Then I'm gonna tell you."



"Hindi na kailangan, Sasa. Busy ako ngayon. I don't need another pain in the ass, okay? I'm trying to divert my own thoughts. At pinapaalala mo lang sakin lahat ngayong nandito ka."



"Wow, ha? Nini! Kelan pa ako naging reminder mo sa mga heartaches?"


Tinignan ko na sya ng masama. Natawa naman ako sa hitsura nyang inosenteng nag-iisip. "Kasi kaibigan ka namin pareho."



"So pati kami iiwasan mo? Pati ako? Hello, bukod sa tatlo mong super friends, ako na kaya dumagdag sa list mo ng best friends. Remember?"



"Ang kulit mo. Umupo ka na nga! Mag-order ka na don."


Hindi sya gumalaw sa kinatatayuan nya kaya nilingon ko ulit sya at tinaasan ng kilay.


"Hindi naman iyan ang kadalasang inoorder mo, di ba? Bakit? Ginagaya mo ba ako?"



I shrug. "Sabi mo kasi, di ba, na kaya hindi ko napapansin yung iba kasi may talagang gusto na ako. Ngayon, I am trying to open my eyes to bigger world.. Hindi yung sa iisa lang ako naka-focus. Nakakamatay 'yon."



She smiled bago ako tinalikuran at nag-order sa counter.



Nagsimula syang kumain sa harap ko habang ako nagtitipa sa laptop na nasa harapan ko.




"Mas okay ka pala tignan kapag naka-salamin ka.. Para kang genius."



Hindi ko sya pinansin, itinuloy ko lang iyong ginagawa ko.



"Mahina ba talaga iyang mata mo? Or para sa radiation lang?"




"Mahina na talaga sya. Hindi mo ba napansin noong una akong ipinakilala aa barkada? I was wearing eyeglasses din."




"Ah, oo. Noong time na sinungitan ka ni George tapos naging close kayo."




Unti-unti ko syang tinignan.. She awkwardly smiled.. "Oops. Ano.. Nadulas? Yung ice cream kasi."




"Sasa?"



"Yes, Nini?"




"Shut up."




"Okay." hindi na rin naman sya umimik.




Natapos ko iyong ginagawa ko tapos inayos ko rin iyong gamit ko. Napansin ko naman na hindi ko gaanong naubos iyong order ko, ni hindi nga nakalahati, e.



My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon