25

2.9K 77 0
                                    

Chapter 25




While waiting for my flight, tahimik lang si Sarah sa gilid ko. "Oh? Napagod ka sa photoshoot?"



I was trying to lift up the mood. Kasi kinuhanan nya ako ng pictures kanina.. puro stolen. Gustong-gusto nya 'yon, e. Di natatalbugan ang ganda nya.



"Hindi mo talaga ako iimikan, ano? Ganito ba ipapabaon mo sa akin sa pag-alis ko? Grabe ka.."



Unti-unti naman nya akong nilingon. She was pouting.. I find it cute.



"So cute naman this girl who likes girl.."


"Tse.. Talagang iiwan mo na ako? Kami."



I crinckled my nose. "Pwede naman kayong dumalaw sakin doon anytime. Ano na lang silbi ng passports at pera nyo, di ba?"



"Kami talaga? Hindi ba pwedeng ikaw na lang iyong umuwi-uwi?"



I heaved a sigh. "Alam mo namang.."



"Totoo naman kasi iyong sinabi nila, Nini. Iyong relasyon nyo lang ni George iyong tinapos mo, hindi iyong pagkakaibigan natin."


"Alam ko. Pero I need to be whole again before I could face them.. I don't want to feel weak everytime I am with you, guys."



"Oo na. Oo na. Basta mag-ingat doon. Yung promise mo. Everyday mo akong babalitaan."


"Of course. Basta, ingatan mo rin sarili mo para ma-ingatan mo rin ang tropa. Ikaw na ang bahala sa kanila.."



Hindi pa rin kasi nila alam na aalis na ako ngayon.. I told Sarah last night while I was packing na bahala na syang magpaliwanag at magsabi sa mga kabigan namin na umalis na ako. Na doon ko na tatapusin ang paga-aral ko.


"Tell them that I am going to be okay.. At kapag handa na akong bumalik, haharapin ko rin sila. You guys became so important to me. You taught me so many things and you loved me."



"Basta mag-aral ka lang doon. Wag mo kaming isipin dito. Hayaan mo na lang na kami ang mag-isip sayo."



Tinawag na iyong flight ko kaya kinailangan ko ng pumasok.. Tumayo na ako maging si Sarah. Naiiyak pa sya na humarap sa akin.



"Hey, Nini. Mami-miss talaga kita."



"Haay. Sasa, pinapahirapan mo ako. Bumibigat ang loob ko.."



Then we shared a great and long hug. "Kung super nami-miss mo na ako you are free to visit our house. Kung pati sila ma-miss ako bigla.. punta lang kayo. Binilinan ko na iyong mga katulong at sila Nanay Sanat pati si kuya Abel about dito.. Araw-araw ay expected visitors kayo."


She smiled widely. Binuksan ko iyong pouch ko at binigay ang susi ng kwarto ko sakanya. "Take care of my clothes and stuffs, alright? Ikaw na ang bahala."



"Oo naman. Oo naman.. Magtatayo kami ng ukayan para hindi masayang iyong mga gamit mo." pagbibiro nito.



Tinanguan ko na lang sya at saka hinila na iyong maleta ko.. Bago ako pumasok nilingon ko pa sya..



My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon