16

3.7K 83 0
                                    

Chapter 16




"Ano 'yon, Nins? Pakiulit nga?"

"Basta! Alam na ni dad and he wants to meet Georgina formally."



"Oh my! We should come!" si Shae.

"Ano ba, Shae, give this to them. This is a good sign.. Sana magtuloy-tuloy."


"It will. Thanks, Jana."

"For sure alam na nila Prey ito ngayon.. And for sure sabay-sabay silang pupunta dito."

"Kinakabahan ako. Pero si George, hindi man lang kinakabahan!"

"Duh? Hindi talaga 'yon kakabahan.. Baka excited pa nga 'yon! Gustong-gusto kaya nyang maging legal na kayo both sides nung last week pa."


"But I'm shaking.."


"Who wouldn't, right? But you need to relax.. Let George handle this. It's even her first time to get introduced to, ever. She was never introduced by Ezra."


I shrugged. I don't care about her. She's out of our lives now.


Sa paguusap pa naming iyon ay may huminto sa tapat naming sasakyan. I started to get more nervous and they just smirked.

"Baby,"


"Kinakabahan ako.." pag-amin ko sakanya habag papalapit at payakap ako sakanya.


"Nins, okay lang yan. Dapat nga si George pa ang kinakabahan dito, e." tumawa pa si Nath.



"I just can't help it." I shrug.


"Ano.. Mauuna na kami. Ayokong ma-late!" hinatak nya ako papunta sa frontseat. Nagkantyawan naman ang mga kaibigan ko sabay harurot ng sasakyan.


"Baby, pwede bang kumalma ka?"


Marahas ko syang nilingon pero diretso lang ang tingin nito sa daan at nakangisi pa!


"Why are you smiling?"


"I'm meeting your dad."


Seriously.. kagabi pa nya ito paulit-ulit na sinasabi. Pero imbes na mainis ay natuwa pa ako.. She's really excited, huh?

Pagkapark nito ng sasakyan ay agad syang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Nakangiti itong humawak sa kamay ko..


Pagkapasok ng bahay ay agad naming nakita si Nanay Santa, nakangiti ito sa aming dalawa kaya kahit papaano ay naibsan ang kaba ko.


"Si dad po?"

"Nasa garden ng mommy mo, anak."


Tumango ako at hinila si George.. Hindi pa nya ito napupuntahan.. Sina Jana, Gerda at Shae pa lang ang nadadala ko roon.. Garden iyon ni mommy, mahilig sya sa mga bulaklak at butterflies kaya ganoon. Si Nanay Santa na ang nag-aalaga ng garden mula nang mamatay si mommy sa aksidente when I was 3 years old.


"Saan 'to?"


"Sa garden ni mommy tayo gustong mameet ni dad.."

"E di ba nasa malapit sa pool area nyo iyong garden? Bakit dito---"

Pagkabukas ko ng pintuan ay agad syang namangha.. Halos mapapikit pa ito dahil sa ganda ng mga bulaklak at may mga paru-paro pang malayang lumilipad dito.

Pumasok kami sa isang kulob na espasyo.. Daan ito papuntang tea garden, itong dinaraanan namin ay nakukuluban ng net para hindi makalabas ang mga paru-paro.. Karamihan nito ay kulay asul. Paborito kasi ni mommy ang kulay asul na paru-paro na hindi ko na matandaan kung anong tawag don.


"Ang ganda dito.."


Nakangiti lang akong naglalakad hanggang sa makalabas kami sa mismong garden at agad kong natanaw si daddy na kinakausap ang frame ni mommy. Sa lamesa ay maayos ng nakalagay ang mga kubyertos.



"..masaya ako na alam ng anak natin kung ano ang gusto nya kahit na may pangamba ako. Pero hahayaan ko sya dahil dito sya masaya at matututo, mahal.. Gabayan natin sya."




Huminga ako ng maluwag atsaka marahang tinawag si daddy.


"Anak.. nandito na kayo. And Georgina."


"Magandang tanghali po, tito. Kamusta po?"



Ngumiti si daddy sa akin at inilipat ang kanyang mga mata sa aking katabi.


"Magandang tanghali rin, Georgina. Maayos ako.. maayos. Halikayo, umupo na tayo para makakain na."

Ipinaghila naman ako ni G ng upuan bago sya umupo sa tabi ko. Bakit ba mukhang walang kakaba-kaba itong girlfriend ko?! Tahimik lang kaming kumain at pagkatapos non ay masaya lamang silang nagkukwentuhan. Nagpakwento rin si dad kay G kung paano naging kami. Masaya naman ako na maayos ang naging lunch namin pero, heck, parang hindi ako nage-exist ah?! So ano 'to, sila-sila na lang?


"Basta ang gusto ko lang, ingatan mong mabuti ang anak ko. At alagaan since I'm not always gonna be on her side.. To protect her dahil alam naman natin na hindi lahat ng tao ay may matinong pag-iisip. Georgina, ito ang unang beses na makakaranas ng ganitong pagmamahal si Niña kaya ikaw na ang bahala sakanya.. Ibinibigay ko ang buong tiwala ko sayo.. sainyong dalawa."


"Opo, tito. Makakaasa po kayo. Alam kong prinsesa ang turing nyo sakanya and I'll treat her my queen. Ako na po ang bahala sakanya, tito.. I will protect her, will take good care of her, will trust her, and will always love her."


Hindi ko namalayan na naiiyak na pala ako sa harap nilang dalawa.. Ang sarap sa pakiramdam na naririnig ko ang ganitong usapan sa pagitan nilang dalawa, sa pagitan ng dalawang importanteng tao sa buhay ko.


"Niña, I know you are now old enough to take good care of this relationship. I am happy to know that you've loved someone like you are."


Palabas na kami ng bahay at handa na kaming bumalik sa campus.. I kissed dad bago kami umalis. At habang nasa daan kami ay pansin kong hindi maalis ang ngiti sa labi ni George.


"Hindi ka nakapasok sa isang klase mo pero ganyan ka pa rin makangiti? May pagka-abnormal ka rin, ha?"


"Yung isang araw na pag-absent ko sa class, mahahabol ko pa. Iyong meeting natin with your dad? I can't let the chance to slip."


Pinagbuksan nya ako ng pinto at sabay kaming naglakad papuntang field para kitain ang nga kaibigan namin..


Lahat sila ay nakatitig sa amin.. Hindi ko maiwasang mapasimangot dahil sa init at dahil sa kamamadali ni George tinamad na syang ilabas iyong payong.



"What's with your face? Anong nangyari?" si Jana.



"Kasi naman---"


"It didn't turned out that well?"

Kumunot naman ang noo ng katabi ko dahil sa tanong ni Shae.


"It did. Hindi ko kasi nilabas iyong payong kaya nainitan sya habang papunta kami dito kaya nakasimangot yan." pag-explain naman ni George.


Binato kami ng jacket nila Nath kaya natawa kaming dalawa atsaka umupo na sa tabi nila.


"Kinabahan pa ako sainyo! Pakshet! Umalis nga kayo dito sa harapan ko!" paninigaw ni Nath.



"Tumigil ka nga. Wag kang mainggit.. Soon magiging legal din 'yang illegal na relasyon nyong dalawa ni Jana.." pang-aasar ni George.


"Shut up."

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon