Chapter 14
Umabot kami hanggang 1am sa labas dahil napag-usapan namin na magcecelebrate kami sa isang kilalang bar dito. Tumawag ako kay Daddy para ipaalam ang plano at pumayag naman sya kaya tinawagan at tinext na nila iyong nga iimbitahin ng kinagabihan.
Pagbukas ko ng kwarto at pagsindi ng ilaw ay may nakakuha na agad ng atensyon ko.. No. May MGA nakakuha agad ng atensyon ko! Bukod sa mga blue balloons na pumuno yata sa kwarto ko ay may MGA iba pa! Napasigaw agad ako at tumakbo palapit sa gilid ng sliding door ng veranda ko! I got too excited! Nakaayos ang mga ito sa lapag! May malalaki at maliliit! Mga stitch na stuffed toys!
"Oh my gosh! Stitches!"
Lumapit silang lahat. "Happy Birthday.. Promise, ito na talaga iyong pinakahuli na surprise ngayong birthday mo. Si George kasi." si Prey.
Napakamot naman sya sa batok nya. Paulit-ulit akong nag-pasalamat lalo na kay Georgina.
"Nineteen Stitches for my prettiest letter."
"Thanks! You're sweet. This is too much.. Really.."
"For you. Only for you, Niña."
Hindi ko alam pero dinampot ko iyong pinakamalaking Stitch at niyakap iyon, yakap ko rin si Georgina.
"You picked my letter. Kunin natin para katabi nating matulog?"
"Huh? Letter?" confused kong tanong.
"Each toy kasi may mga nakataling rolled-letter.. Here's mine. Wag mo munang basahin. 'Tsaka na pagkatapos ng birthday mo. Ihuli mo rin."
Paulit-ulit akong tumango.. Pagkatapos naming mag-ayos ay agad ng umayos ng higa ang mga kaibigan ko. Wala sa kama si Georgina, nakita ko sya sa may veranda.
"Hindi ka pa inaantok?"
"Hindi ako makatulog, e.."
"Pagod ka.. Kaya magpahinga ka na. Alam kong pinagpawisan mo, ninyo lahat 'to."
Hindi sya agad umimik kaya tinabihan ko sya at umupo. Nilalaro lang nya iyong phone sa kamay nya pero nanatili lang akong nakatitig sa kanya.
"That kiss. And that ring on your finger."
Nagulat ako sa sinabi nya! Nakita nya? Iyong gulat ko ay napalitan ng kaba.. Pakiramdam ko parang niloko ko sya kahit hindi naman!
"Nakita mo?" I stuttered.
"Yes. Nandito ako sa mismo sa veranda nung hinatid ka nya. Habang sinusuot nya iyong singsing sa daliri mo ay nandito ako. Nang halikan ka nya ay nandito ako at pinapanood kayo. Ang sakit.. Hindi ko alam kung pano ko nagawa ng maayos iyong pagkanta ko para sayo kanina, e. Ganito ba iyong naramdaman mo noong kami pa ni Ezra? Or mas masakit ba?"
Ramdam na ramdam ko iyong sakit sa mga sinasabi nya. Garalgal ang boses nya, alam kong pinipigilan nyang umiyak. Hinarap ko sya at ngumiti.. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomancePride Series #1 My first GxG Romance Novel. --- When will you realize that you already fell for that WRONG person whom you thought was ever the RIGHT for you? --- Kahit man lang sana dito sa Wattpad matupad iyong pinapangarap kong 'Ikaw at Ako'... '...