35

3.1K 66 0
                                    

Chapter 35




"Ariessana? Can I disturb you for awhile?"



Lumapit ito sa babaeng busy na nakaharap sa kanyang mamahaling laptop sa kanilang pool area. Tinapunan lamang sya ng malamig na tingin at saka tumango.


"I just want to ask if your gown fits you? Dad asked me to check it kasi.."



The girl smiled at her, "Yes. Tell dad that he has nothing to worry."



Sa tatlong linggong preparasyon ay casual lang naman silang nag-uusap. Hindi sila gaanong close pero di rin naman sila aloof sa isa't isa. Si Alessana talaga ang napalapit kay Nins. Iyong apat na guestrooms sa kanilang bahay, tatlo dito ang pinaayos para maging kwarto ni Ales at Ayesa, tapos iyong isa nama'y kwarto ng kanyang dad at mommy Divina. Ayaw ng daddy nya na mawalan ng espasyo sa bahay nila ang yumaong asawa. Iyon din naman ang gusto ni Divina.



"Would you check Ales' gown? I think there's a little problem about hers. Busy kasi talaga ako ngayon. I want to finish all my works sa office para naman makapag-relax na ako for our parents' wedding."




"Sure. Papunta na rin naman ako sa kwarto nya.. Ako rin, I am kinda busy rin sa business ni dad but I already finished some kaya pahinga na ako. You want me to help you?"




"Nah. I'm fine here. Thanks, by the way."

"No problem. Sige, iwan na muna kita.."




"Wait.. Ah, napansin ko wala ka pang dinalang mga kaibigan simula nang dumating kami, sorry to be so nosy pero madalas kasing naikukwento ni Dad that you have alot of friends at lagi silang nandito."



"Ah. Naging busy kasi ako these past few weeks kaya ayon, don't worry they'll be here night before the wedding."


"Dahil ba nandito kami kaya dumalang?"


Agad na nanlaki ang mga mata nya at umiling. "No. No. Of course, not! Ano ka ba? Just really busy. Don't think about that.."



"Sorry. Di ko lang mapigilang mag-isip ng ganoon. Atsaka, di rin kasi tayo nakakapag-usap kaya akala ko ganoon ang nangyari."


"Yung mga kaibigan ko, kusang pumupunta ang mga iyon may pasabi man o wala. Kaya don't overthink. Besides you already are my family too."



"Really?" manghang tanong ni Ayesa.



Sa unang pagkakataon ay nawala ang takot ni Niña kay Ayesa. Biglang nawala iyong walls between sa kanila, nawala rin iyong tila malamig na awra.





"Yeah. If you want we can hangout later in my room.. You want to see what's inside?" ngiting tanong nya. Iyon ang inalok nya dahil ang dad nya lang ang nakakapasok sa kwarto at si Nana Santa or iyong mga kasambahay nilang maglilinis dito samantalang sya ay nakapasok na sa halos lahat ng kwarto, nakita na rin nya ang kwarto ng magkapatid.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon