Nagsimula na kong mag ayos niligpit ko na lahat ng gamit ko. Inayos ko na yung Maleta ko para bukas okay na .."Nakakainis naman.. San naman Kaya ako ngayon? Pinoproblema ko pa nga si Ate at Yanna tapos.. "
Napaluha na lang ako sa sobrang bigat ng dinadala ko. Bakit ba nagsabay sabay kayo ? Pwede bang isa isa Lang ? Ang duduwag niyo naman .. Pinagkakaisahan niyo ko..
Naisipan kong tawagan si Izon para humingi ng tulong..
"Hello baks...*sub.."
"Oh ? Girl anong nangyari ? Bat umiiyak ka ?"
"Ka.. Kase..."
"Ano? Sabihin mo na "
"Kase.. Ano... Ano.. Kase.."
"Ano nga! Bwesit ka kase eh!"
"Baks.. Kase .. Pinapaalis na ko .. Di..dito.."
"HA? BAKIT ? NAGBABAYAD KA NAMAN NG TAMA AH ?"
"Kase.."
"NAKU! SUSUGUDIN KO TALAGA YANG MAY ARI !!!"
"Hindi.. Kase .. Binenta niya na to. Kaya pinapaalis na Kami.."
"EH WALANG HIYA PA DIN SIYA! DAPAT MATAGAL NA NIYANG SINABI! KAKALBUHIN KO TALAGA YAN BUKAS!!"
"Grabe ka talaga... Favor naman "
"Sige na.. Sunduin kita Bukas .. Hiramin ko muna Car ni Papa."
"Wala pa nga ko sinasabi eh..Pero Salamat .. Best friend talaga kita.."
"Naku.. 5 yrs na tayo magBestie! Naalala ko pa nung una tayong nagkakilala sa College talagang Walang Wala ka.. Awang awa talaga ako sayo nun.. Tapos simula nun ng nagkausap tayo tinuring kapatid na kita. "
"Naku. Ngayon ka pa ba mageemote ?"
"HAHAHAHHAHA.. Sige na girl.. Bukas ng 8AM andyan na ko sa labas."
"Salamat .."
"Osige na Good night "
"Good night"
*end call
===
Nagising na ko 6AM na pala.
Nag ayos na ko ..
Inisip ko kung paano tong mga gamit ko. Konti lang naman to yung Kama ko maliit lang naman .. Yung lagayan ko ng damit maliit lang din naman.. So hindi na mahirap sakin.
Narinig ko ng nagbusina si Bestie kaya sinimulan ko ng ibaba ng isa isa ang gamit ko. Buti na lang malaki yung sasakyan nila Bun.
Nang matapos na ..
"Oh girl dun ka muna samin pinaayos na ni mama yung Guest Room."
"Naku.. Nakakahiya naman Baks"
"Ngayon ka pa ba mahihiya ? Ano ka ba ! Parang anak ka na din nila mama."
"Pero Baks 1 week Lang ako ah. Maghahanap ako ng malilipatan."
"Okay Sige.."
Nakarating na Kami sa bahay nila.
"Nga pala sila mama wala dito dahil umuwi ng Batangas may inasikaso."
"Ah okay.."
Hinatid niya muna ako sa Guest Room tapos sinimulan ko ng ayusin. Hindi ko na nilabas yung mga damit ko kase 1 week Lang naman. Humingi ako ng Favor sa kanya na samahan ako sa Trabaho namin.
"Mam okay Lang po ba makahingi ng 1 week Day off ? Hahanap Lang po ako ng malilipatan.."
"Ganun ba ? Okay Sige Sena "
"Salamat po .. Salamat po talaga.."
"Teka may pang Down ka ba kung sakaling nakahanap ka ?"
Chineck ko ang Wallet ko kinuha ko na lahat ng ipon ko. 7,500 lang ang laman.
"Ah mam okay naman po"
"Hindi Sige bigay ko sayo kalahati ng sahod mo muna"
Napaluha ako sa sobrang bait niya. Alam Kase niya lahat ng tungkol sa buhay ko. Lahat sila dito parang Pamilya ko na.
"Oh Ito.. 5,000 yan."
Hinawakan ko yung kamay niya.
"Salamat talaga Mam.. Maraming maraming Salamat "
"Oh Sige na magumpisa ka ng maghanap"
"Sige po. Baks una na ko."
"Oh Sige girl. Text mo ko okay ?"
"Oo Sige Bye."
Lumabas na ko sa Pharmacy.
"Saan naman Kaya ako magsisimula."
Sumakay ako ng Tricycle. Buti na lang tinabi ko yung mga ginamit ko dati para makahanap ng malilipatan. Tiningnan ko ang pinipili ko lang is yung malapit Lang sa Trabaho ko para hindi Hassle.
Nang makarating ako sa isang Street.. Lahat Wala ng Available.
Ang mga nakikita ko puro Studio Type.
Nag balak ako pumunta sa SM kase may mga namimigay ng Brochures dun kahit maliit na Condominium lang.
Sabi kase sakin ni Bakla mas okay daw kung Condo ako titira kesa daw makiki room.
Ng nakarating na ko...
Kinuha ko lahat ng Brochure na inaabot nila basta Condo.
Naisipan ko na muna umuwi para Doon ko na Lang pag isipan tapos bukas magsisimula na ko pumunta sa mga to.
"Haysss. Kaya mo yan Sena!"

BINABASA MO ANG
CondoMinions
RomanceWhat if Mr. Condom meets Ms. Minions? Genre: Romance, Comedy *RATED SPG (SuPerGanda) ©2016