"Ha ? Ah siya yung kasama ko sa 5th floor kami pa lang pala naka check in sa Floor na yun" Paliwanag ko."Ah okay .."
"Anong Floor ka ba ?"
"6th Floor"
"Isang agwat lang pala eh. Haha"
"Hehe Oo nga San pala Punta mo ?" Tanong niya
"Bibili lang. Bakit ?"
"Ah wala naman. Hilig mo pala sa Minions ?"
"Obvious ba ?"
"Hindi naman"
"Hahahaha Sige una na ko bye"
"Bye"
Bigla akong tumalikod at nagsimula ng maglakad. Bakit ganun ? Ang awkward kanina.
"Tsss.. "
Sumakay na ko sa Tricycle.
"Kuya yung pinakamalapit na Puregold lang" Sabi ko sa Driver.
"Okay mam"
Nang makarating agad na kong kumuha ng Cart at nagsimula ng hanapin tong mga nakalista.
"Ang hirap pala bitbitin nito." Agad akong pumara ng Tricycle tinulungan naman ako ni Manong Ipasok sa loob ang pinamili ko.
"Ito po bayad Salamat"
Inumpisahan ko ng buhatin. Pinoproblema ko is yung Mineral water.
"Paano na this ?"
"Tulungan na kita.."
Agad niyang binuhat ang Mineral water at naglakad.
"Te..teka! " hinabol ko siya.
"Hmm.. Bat andito ka pa pala ?"
"Hindi naman ako umalis. Nagpahangin lang "
"Ah Akala ko.."
"Bakit ? Akala mo bibili ako ng Condom ?"
"Hoy.. Manahimik ka naman Baka may makarinig"
"Hahaha Bakit ?"
"Eh Kase naman ganitong oras ka bumibili sa Pharmacy diba ? Kaya Akala ko lang"
"Haha kabisado mo ko ah"
"Eh syempre araw arawin mo ba naman ?"
Pumasok na Kami sa Elevator.
"Siguro iniisip mo na Pervert ako no?"
Bigla ako Nagulat sa Tanong niya. Kahit naman Sino makucurios eh. Kaso..
"Hindi ah. Bakit naman ? Normal lang yan sa inyong mga lalaki."
"Hahaha Adik ka. Hindi naman para sakin Yun"
"Hah ??"
"Sabi na nga ba iniisip mo Siguro na ako gumagamit nun no? "
"Ahh. Ehh.."
"Grabe naman ako nun kung araw araw"
"Hahaha nevermind na Lang."
Nasa harapan na Kami ng pinto ko.
"Sige Salamat ah"
"No problem"
Umalis na siya. Papunta siya sa Hagdan nag hagdan na lang siya dahil isang Floor lang naman Kaya siguro umakyat na lang siya. Pumasok na ko sa loob..
*cringgggg... Cringgggg
Biglang tumunog ang CP ko. Tumatawag si Baks. Sinagot ko ang Video Call. Binigay lang to sakin ni Izon ang CP dahil nung bumili siya ng Bago binigay niya na Lang sakin yung Luma niya Tutal Mukhang Bago pa kaya tinanggap ko na Lang. CP ko kase dati Keypad lang ngayon Touch screen na.. Umaasenso Hahahaha.
*answer video call
"Baks ! Ano na ?"
"Grabe ka naman napatawag ka agad samantalang ilang oras ka pa lang Wala Dito hahaha"
"Syempre no! Ano may kakilala ka na ba ?"
"Ah oo dalawa lang pala Kami dito sa 5th floor .. Lalaki pa ang kaFloor ko Tristan ang name"
Inilapag ko ang CP sa may Table para habang kausap siya inaayos ko na ang mga pinamili ko.
"Pogi ba friend ?"
"Hmmm. Sakto Lang"
"Ayy taray .. May Sakto pala Ngayon ?"
"Hahahaha baliw ! Oo Pogi . "
"Crush mo?"
"Baliw ! Hindi!"
"Ano nagkita ba kayo ulit ni Mr. Condom ?"
"Ano ba.. May name nga siya!"
"Ah ano nga ulit ?"
"Geof po.."
"Ah Hahahah Geof pala so nagkita kayo ?"
"Yes. Actually tinulungan nga niya ko bitbitin tong mga pinamili ko."
"Taray.. Haba ng hair!"
"Ewan ko sayo.."
"Susss.. Kunwari ka pa.. Tingnan mo oh ! Namumula ka! Nag blush on ka teh? Hahahah"
"Baliw ka talaga ! Sige na! Madami pa ko aayusin!"
"Ayaw mo lang pagusapan eh.."
"Haha Hindi nga .. Madami nga kong gagawin."
"Okay. Babye muah!"
"Bye muah !"
*end call
"Hayyy Naku.. Kalokohan talaga."
Pinagpatuloy ko na lang ang pag aayos ng mga Grocery.

BINABASA MO ANG
CondoMinions
RomanceWhat if Mr. Condom meets Ms. Minions? Genre: Romance, Comedy *RATED SPG (SuPerGanda) ©2016