Chapter 16

31 5 0
                                    


SENA POV:

"Girl ingat ka ah! " Sigaw ni Izon. Uwian na namin..

Kumaway na lang ako sa kanya at Sumakay na ko ng Jeep. NagJeep na lang ako para mas tipid mahal kase kapag nagTricycle ako.

"Bayad po!"

Sigaw ko agad naman inabot ng ibang pasahero.

Napahinto yung jeep Bigla at may sumakay na pasahero.. Pagtingala niya..

"Geof ?"

"Oh Sena ??"

Umurong yung ibang pasahero sa tabi ko. Umurong din ako dahilan para magkatabi kami.

"Pauwi ka na ?"

"Ah oo."

"Nagbayad ka na ba ?"

"Oo kanina lang .."

"Okay.."

Nagbayad na siya at bigla tumahimik.. Bakit ganun kapag katabi ko siya Ewan ko eh.. Parang kinakabahan ako..

"Sena.."

"Ha ?"

"Ahmm.. Gusto ko lang magapologize doon sa ginawa ko kanina "

"Ah doon ba ? Okay lang yun kahit medyo nagtaka ako sayo"

"Eh kase yung .. Naririnig mong Ungol is sa Room ko"

"WHHAAAAATTTTT?""

Bigla napalakas ang pagsigaw ko.. Napatingin sakin lahat ng pasahero.

"Ah.. Pasensya na po. "

"Pero mali ka ng iniisip.." Singit ni Geof.

"Naku.. Okay lang yun.. No need to explain.. Haha"

"Hindi kase hindi yun tulad ng iniisip mo. Kase ayoko lang naman na kung ano ang maisip mo.."

"Hahaha wala na yun sakin ano ka ba!"

"Hindi kami nag ano.. Ano yun kase natipalok siya tapos ginamot ko lang yung paa niya. Kaya ganun.."

"Ahhh Kaya pala may narinig akong Ouch at word na wag malikot "

"Oo ayun yun.."

"Haha ano ka ba. Okay lang hindi mo naman ako GF para mag explain ka sakin"

"Oo nga.. Oo.. Pero kase parang ang Pangit nun kakakilala pa lang natin parang bad shoot na agad yung sa image ko sayo."

"Ewan ko sayo Geof. Haha"

"Ang weird ba ? Pero totoo yun."

Bigla akong napatitig sa mga mata niya. Ramdam ko din na nakatingin siya sakin .. Parang nangongoryente yung buong katawan ko ? Teka..

"Ahmm.. Ano.. Ahhh.." panira ko sa moment namin.

"So..sorry.. "

"Ayan ka na naman.. Haha"

"OPPPPSSSS!!"

Sigawan ng lahat .. Bigla atang napalakas ni Manong Driver yung pagPreno..

Nasa dulo pa naman ako kaya napa out balance ako sa pwesto ni Geof.

Yakap niya ba ko?

Nakayakap siya sakin ?

Teka...

Hindi ako makagalaw..

Ang init ng katawan niya..

Nararamdaman ko ang tibok ng puso niya..

Teka..

*dugdug.. dugdug..

"Okay na ko!" Sabay tulak ko sa kanya..

"Ha ? Okay ka na ? Hindi ka ba nasaktan?"

"Ah.. Hi...Hindi.. Okay lang Salamat.."

Napansin namin na muntik na kaming lumampas Kaya Sabay kaming pumara..

Pag kababa ko binilisan ko ang lakad ko.

"Sena wait! Sabay na tayo!"

Napahinto ako.. Humarap ako sa kanya at ngumiti..

"Okay.."

Sabay kaming pumasok sa Elevator. Tahimik na naman. Parehas Kami hindi makakibo..

"Sena.."

"Hmmm?"

"May.."

"Ha ?"

"Ano .. Ahm.."

*Tuggggg..

Biglang huminto yung elevator.

"Teka ? Ano.. Anong nangyayari ??"

"Nasira ata yung Elevator.."

"ANO!!!??? AYOKO PANG MAMATAY GEOF!!"

"Relax! Teka.."

"Anong gagawin natin!!!"

Agad na pinindot ni Geof ang Emergency. Bigla siyang nagsalita..

"Hello! May nakakarinig ba ?? Naistock kami dito sa Elevator #2 !!! "

Sabi niya..

*Crackkkk..

"MY GOSH!!" Bigla akong napayakap kay Geof.

"Okay lang yan.. Sena relax.."

Niyakap ko siya ng mahigpit..

"Babagsak ba tayo ? Jusko.."

"Hindi yan.."

Biglang namatay yung ilaw..

"GEOF!!"

"Sena.. Andito ako.."

Lalo akong yumakap sa kanya ng mahigpit naramdaman ko na niyakap niya Din ako.

"Relax lang parating na din yan .."

Hindi ako makahinga..

Napahawak ako sa damit ni Geof.

"Sena ? Okay ka lang ? Sena.."

Inalog alog niya ko..

"Hi..hindi ako .. Maka..hinga"

"Ano ? Wait.. Wait lang.. Malapit na!"

Naramdaman namin na may bumubukas na ng pinto.

"Sena.. Malapit na.."

Ng makita ko na yung konting liwanag. Bigla na lang akong nanghina.

CondoMinionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon