"WAAAAAAAAGGGGGGG!!!"Bigla akong napatayo. Tiningnan ko yung buong paligid ko Bigla akong napapikit at hinawakan ang dibdib ko.
"Shiitttt! Panaginip lang.."
Tiningnan ko ang Alarm clock ko napaaga ata yung gising ko. 6:35am pa lang kaya inOff ko na lang.
Agad na kong bumangon at magtimpla ng kape. Naisipan kong itext si Izon para sabihin na papasok ako.
"Wala pala akong mainit na tubig."
Nag init muna ako .. Tiningnan ko yung Ref.
"Wala pala akong tinapay, Ano ba yan ang dami kong nakalimutan. " Agad akong nag Jacket at kinuha yung Wallet ko Nakita ko naman sa baba may Bakery kaya Hindi na lalayo.
Konti lang naman ininit ko at inilagay ko na agad sa Termos.
Lumabas na ko. Pinindot ko na yung Elevator.
Pag bukas sumalubong agad sakin ang mukha ni Geof ..
"Ahhh.." Nakita kong nabigla siya at tinulak yung babae sa tabi niya.
Pumasok na ko.
"Good morning sa inyo " bati ko .
"Go..Good . Morning. Morning " Ano bang nangyayari sa kanya ? Nangangatog. Nilalamig siguro.
Nanakit yung batok ko kaya hinawakan ko.
"Sena okay ka lang ?" Tanong ni Geof.
"Ahh Oo okay lang ako. "
Bumukas na yung elevator kaya Nauna na ko. Pumunta Agad ako sa Bakery at bumili.
Pag tapos ko kumain nagbihis na ko para pumasok alam na ni Izon na papasok na ko ngayon.
*
"Good morning Baks!"
"Bakit naisipan mo agad Pumasok ?"
"Eh ayoko naman tumambay eh atsaka sayang yung araw."
"Sabagay.. Kamusta naman ang unang gabi mo dun?"
"Ayun .. Binangungot ata ako Baks"
"WHATTTT??"
"Napaniginipan ko si Ate at si.. Papa"
"Naku girl! Sinabi ko na sayo na magdasal ka diba ?"
"Oo na.. "
Narinig na namin na bumukas yung pinto.
"Pabili nga.."
"Okay."
Bumibili na naman si Geof ng Condom.
"Oh ito"
"Salamat."
Bumalik ulit Kami sa usapan ni Izon.
"Baks alam mo ba habang naglalaba ako kagabi. May naririnig akong weird "
"Like what ?"
"Parang Ungol ng baba----"
Biglang naputol yung sasabihin ko ng bigla namin narinig yung bagsak ng kamay ni Geof.
"Hoy! Anong Ginawa mo!"
"Mali ka ng pagkakarinig! Mali yang iniisip mo!" Sabay na Paliwanag niya. Nagkatinginan kami ni Izon at nagugulat ako sa mga pinagsasabi niya.
"Teka.. Ano bang sinasa----"
"Sena makinig ka sakin! Mali ka ng dinig kagabe! Hindi yun Ungol ! Umaaray siya kase ano!"
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo dyan ?"
"Natipalok Kase siya! Tapos ayun! Ginamot ko! Eh Kaya ganun yung Ungol niya ! Pero Wala talaga ! Wala talagang nangyari samin!"
"Ang weird mo? Ano ba yang sinasabi mo?"
"Ha ?"
Natulala lang kami sa kanya ni Izon.
"Oo nga ano yang sinasabi mo ?" Takang tanong ni Izon sa kanya.
Napanganga siya bigla..
"Ahhh... Wa..wala! Practice lang pa..para Mamaya! Kase.. Ano.. Ano ba..basta!! Sige una na ko!"
Sabay walk out niya.
"Ano bang nangyari doon ?" Tanong ni Izon sakin.
" ABA ! Ewan ko.."
BINABASA MO ANG
CondoMinions
RomanceWhat if Mr. Condom meets Ms. Minions? Genre: Romance, Comedy *RATED SPG (SuPerGanda) ©2016