"My gosh! Natapos din !"Napahiga ako sa kama.
"Nakakapagod ng palipat lipat. Mahirap ang walang permanent house. Wala eh ganun talaga isa siguro to sa mga pagsubok sakin ni God. "
Napaisip ako inisa isa ko ang mga problema ko. Una, yung umalis ako sa Condo pero ngayon okay na. So Wala na to sa List ko.
Bigla akong napaupo at kinausap ang favorite kong Toy si Minion.
"Sana nagsasalita ka na lang kahit Kamustahin mo lang ako. Tanungin mo ko kung okay lang ako. Kung masaya na ko ? "
Para akong temang mamaya magsalita to..
"Ganyan ka na nga lang baka tumalon ako pababa kapag kinausap mo ko.. Teka nga Lang? Baliw na ba ko? ..."
Baliw na nga ko.
"Kamusta na kaya mga kapatid ko ? Si Yanna okay lang kaya siya Doon kila Tita ? Si Ate .. Si Ate Lovely Kamusta na din kaya siya ? Natakasan kaya niya si Papa ? Nakulong na kaya yung demonyong yun ? Si mama ? Inaalala niya pa kaya Kami ? Iniisip niya pa ba kami? Bakit niya Kami iniwan sa demonyo naming tatay? Bakit ganun Si papa ? Bakit ganito yung mundo sakin ? Bakit ?"
Hindi ko napigilang umiyak sobrang dami kong iniisip kahit almost 4 years na ang nakalipas hindi ko sila Pwede kalimutan at Mahirap kalimutan ang nakaraan. Mahirap kalimutan yung Ginawa ng Walang hiya kong tatay kay Ate Lovely.. Binaboy niya.. Baboy siya..
Niyakap ko si Minions ko. Kulang na Lang yakapin niya na rin ako. Madalas naman to sakin ang magemote..
Hirap mag isa..
Hirap mag isip ...
*Brrrr... Brrrr.
"AYYYYYY TIPAKLONG!!!" Naihagis ko si Minions..
"My gosh! Haysss.."
Bigla kong Kinuha ang phone ko. Wrong timing ka naman oh!
Pag check ko unknown number. Sino ba to ..
*Answer call
"Hello ?"
...
"Hi?"
....
"Sino to ?"
....
"Hello ? Bat ayaw mo magsalita ? Sino ka ba ? Kanino mo nakuha tong num----"
*tooottt.. Tooootttt..
Bigla niyang pinatay ang Call.
"Sino kaya Yun ? "
Habang napaisip ako Nakita ko si Minions ko sa sahig.
"My gosh! Sorry !"
Pinulot ko.
"Ayan nakasimangot ka na.. Wag ka na malungkot sorry na.. Nagulat Kase ako Akala ko umutot ka.. Nakakaloka manika ? Uutot ? Siraulo na ata ako."
Nilagay ko na muna sa Bed si Minion. Nagulat talaga ako Akala ko gumalaw siya CP ko pala yun.
Buti na lang mabilis ako nakahanap ng malilipatan kaya Pwede na siguro ako Pumasok sa Trabaho bukas sayang din yun. Hinanap ko na yung Uniform ko para labhan.
"Teka ? Wala pala akong nabiling.. Sabon panlaba ? Hayyy.. Naku Sena ! FOODS PA MORE!"
Kinuha ko ang Wallet ko at kaylangan bumili ng Sabon. Paglabas ko.
Nakita ko si Tristan nakasilip sa Glass window.. Gusto ko sana siyang lapitan kaso baka masyado naman akong FC niyan.
Sinara ko na lang yung pinto ko.
Napalakas ata kaya napaharap si Tristan sakin.
"Ahh.. Ayyy.. So..sorry.. "
"It's okay.." tumingin ulit siya sa Window kaya Hindi na ko nagdalawang Isip na lapitan siya.
"Hi. May problema ka ba ?"
"Obvious ba ?"
"Hindi naman masyado. "
"Joke Lang. May iniisip lang ako."
"Ah wag mo isipin yun. Mahal ka nun."
Napatingin siya sakin.
"Ahhhh... I mean ano... Ahmmm.. Ano Dapat nilalabas yan baka kase mabaliw ka. Kung Sino Sino lang makausap mo.. Baka Mamaya Magulat ako kausap mo na tong Window"
Baliw ka na Sena. Ano ba yang pinagsasabi mo..
"Your so funny"
"Funny ? Hehe Buti naman Funny Hindi Baliw."
"Hahaha by the way Saan Punta mo ?"
"Ahhh bibili Kase ako ng Sabon panlaba nakalimutan ko kanina eh Puro Foods Kase nabili ko hahaha"
"Ganun ba. Gusto mo samahan na kita ? Medyo madilim na din . Wala naman akong gagawin eh"
Napatulala ako sa sinabi niya.
"Ahhh. Wag na.. Kaya ko naman.. "
"Sige na.. "
Bigla niya kong hinila na ikinagulat ko lalo. Pinindot niya Agad ang Grand floor at pagbukas pumasok agad kami sa Elevator.
Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko.
Bigla niyang napansin..
"Ayyy.. Sorry.. Sorry"
"Okay lang excited ka ata haha"
Dinaan ko na Lang sa biro baka parehas kaming ma-Awkward.

BINABASA MO ANG
CondoMinions
RomantizmWhat if Mr. Condom meets Ms. Minions? Genre: Romance, Comedy *RATED SPG (SuPerGanda) ©2016