SENA POV:"Oh my gosh bestie !!!!" Sigaw ni Bakla.
"Haysss.. Hindi ko na poproblemahin ang titirhan ko. "
"Kelan ka lilipat ?"
"Bukas na Bukas.."
"Ganern ? Tara ayusin na natin gamit mo. Buti na lang Day Off ko Bukas pwede kita tulungan sa pag ayos mo sa Condo mo!"
"Kaya nga girl excited na talaga ako! Sana Ito na yun .. Ang next goal ko naman magipon para mapuntahan ko ang mga kapatid ko."
Ngumiti siya sakin..
"Bilib talaga ako sayo girl! Hahahaha Tara na ! Ayusin na natin to. At makatulog na .. At .."
GOGORA NA BUKAS !!! Sabay na Sigaw namin. Sobrang bait talaga nitong si Izon ..
"Sige girl good night "
"Good night.."
Sinara ko na ang pinto..
Kinuha ko ang big Minions ko. Actually mahilig ako sa Minions.. Simula ng napanuod ko to.. Natuwa kase ako kaya Karamihan sa gamit ko ay Minions hahaha.. Adik eh xD
"Bukas na Bukas .. New Home.. New Day!"
Humiga na ko sa kama..
*Kinabukasan
"Halika na girl! Bilis excited na ko!!"
"Oo Ito na ! Wait lang .."
Ipinasok na namin sa sasakyan lahat ng gamit ko..
"Ano ready ka ? Ako excited na ko Hahahah"
"Mas excited ka pa sakin ahh??"
"HAHAHAHAH sorry na.. "
"Tara na ! Let's go!!!"
Sumakay na Kami sa Sasakyan ng makarating Kami. Tinulungan agad kami ng Crew ng Condo para buhatin ang mga gamit..
"Salamat.."
"Sige po mam.. Pasok na Lang kayo" Sabi ng Crew.
"Thank you.."
"Girl.. Tingnan natin yung swimming pool Dali!!"
Hinila niya ko Agad .. Hay Naku..
Nang makarating Kami..
"Ang ganda girl.. At ang laki.. Ang ganda ng tanawin.. At ang .. Pogi..."
Nagulat kami ng may umahon..
Parang nag slow motion ang paligid .
Ang gwapo niya..
Ang ganda ng katawan ..
Nakita kong humawi ang mga buhok niya sa Mukha niya.. Ang hot..
"Ang abs.. " Nagising ako bigla ng marinig ko si Izon..
"Girl.. Ang abs.."
"HOY ! Adik to! Halika na !!"
Hinila ko siya Bigla . Pero ang bigat..
"Teka girl.. Si.. Mr. Condom yan diba ?"
Napahinto ako bigla.. Oo nga no ? Nakita ko Kinuha niya yung Towel tapos pinunasan niya ang katawan niya biglang..
Napatingin siya sakin at ngumiti..
Nakita kong palapit siya.
Bigla akong sumenyas na ..
"Wag na.. Una na Kami.."
Bigla kong hinila si Bakla..
"Langya girl.. Ang pogi pala ni Mr. Condom.."
"May pangalan siya .. Geof.."
"Ay Alam mo ? Bakit ?"
"Ah kase .. Basta !"
"Ikaw ha ??"
"Ano ka ba !!"
"HAHAHAHAH Naku girl!"
"Halika na nga!"
Kinuha ko na yung Susi at pumasok sa Elevator.
"Ang gwapo niya. Teka ? Dito din siya ?"
"Ah oo.. Nagkita Kami kahapon.. Kakalipat niya lang din."
"Ah okay.. So.. Madalas pala kayo Magkikita .. Ayieee..."
"Manahimik ka nga Wala akong oras dyan.."
"Hahahaha ito naman. Ang KJ."
Lumabas na Kami at pumunta na sa 511 .. Ang room ko.
"TADA!!!! " Sigaw ni Izon.
"WELCOME SA NEW CONDO !"
"Hahahaha thank you.."
"Tara na !" Pinasok na din ng Crew ang mga gamit.
"Sige po kapag may Kaylangan po kayo. May telephone po dyan para sa emergency."
"Okay Salamat."
Sinara ko na ang pinto.
"Kompleto pala dito no.. Tingnan mo nakasave na Dito Lahat ng number in case.."
"Kaya nga eh. Ang bait siguro ng may ari nito. Dahil mura na .. Maganda pa"
"Kaya nga !"
"So Tara na ? Umpisahan na nating mag ayos !"
"Okay !!"
Nagsimula na nga Kami..
"Teka girl.. Wala ka palang Groceries ? "
"Kaya nga.. Hindi pa ko nakakapamili.. Later mamimili ako."
"Okay.. Pero baka Hindi kita masamahan mamili.."
"Bakit ?"
"You know.. Kapag day off ko lang .. Atsaka Kami nakakapag date ni Jowaers!!"
"Hahahha okay Sige.."
"Thank you "
Inumpisahan na namin..
"Girl San tong Cabinet mo ?"
"Hmmm.. Dito na lang. "
"Okay.." Pag kalagay niya Agad kong kunuha ang maleta. At inayos ko na yung mga damit ko. Habang si Izon busy sa pag ayos ng Kama ko.
Trip talaga ni Bakla ang mag Decorate kaya hinayaan ko na Lang siya dahil Sabi niya siya na daw bahala.. Ayusin ko na Lang yung mga damit ko at ilista ang mga bibilhin kong Grocery.
"Okay.. Last na.. Dito ko Ilalagay yung Orasan mo." Biglang kumuha si Bakla ng chair at pinakuan ang ibabaw ng pinto at nailagay na ang Orasan.
"Okay girl! Done na!"
Tiningnan ko ang Condo ko..
"Wow ! Ang galing mo Baks ! The best ka talaga !!"
"Haahha ako pa ba ? "
" gusto mo kumain ?"
"Naku girl.. Wag na.. Kaylangan ko na din umalis Agad para mag paganda. You know.."
"Hahahaha Ikaw talaga .. Sige ito tubig ."
"Thank you girl.."
"Thank you ah.. Kase andyan ka lagi .. Sa tuwing may problema ako Alam kong Ikaw Agad ang malalapitan ko. Kaya sobrang nagpapasalamat ako sayo " Napaluha ako bigla.
" Ano ka ba ?? Maliit na bagay ! Malaki din naman ang naitulong mo sakin kaya tama na ang Emote ! Enjoy lang ang Life. Lahat ng problema malalagpasan natin.. "
"Tama ka.."
"Osige na! Una na ko! Basta tatawagan mo ko if may problema okay ?"
"Okay.."
"Sige Babye .. Muahh" Sabay beso namin.
"Babye.."
Lumabas na siya at Sinara ko na ang pinto.

BINABASA MO ANG
CondoMinions
RomanceWhat if Mr. Condom meets Ms. Minions? Genre: Romance, Comedy *RATED SPG (SuPerGanda) ©2016