CHAPTER TWO
Three years ago...
NAPANGIWI SI Pamela nang nawala sa tono ang kumakanta. Kanina niya pa pinapalagpas ang biglaang pag-sharp at pag-flat nito kanina. Ngunit ngayon na tuluyan na itong nawala ay hindi niya na kayang makinig pa.
Tumayo na siya at umalis sa music bar kung saan may nag-refer sa kanya na doon daw siya makakakita ng puwede niyang ipasok sa Fresh Music.
"Oo, maganda ang boses pero lagi namang hindi natatamaan ang nota!" angal niya habang nakakunot ang noo sa kaibigang nag-refer sa kanya. "Kung normal na tainga, hindi talaga mapapansin iyon dahil nadadala ng magandang boses. Eh, paano naman ang tainga ko? Alam mo namang ultimo maling bagsak ng nota, pansin na pansin ko."
Pamela is a music widow. Meaning, may kakaibang talento ang tainga niya na makarinig ng tamang tono sa kahit anong klaseng uri ng musika. Alam niya ang mga susunod na mga tono kahit unang beses niya pa lang marinig ang kanta. Gamit lang ang instinct ay alam niya agad kung paano ang tunog. Alam niya kung natural na talent o pinag-aralan lang ang pagtugtog ng instrumento o kanta.
Ang problema lang, siya yata ang nag-iisang music widow na hindi tumutugtog ng kahit anong instrumento ngunit marunong naman siyang kumanta.
"Ay, ganoon ba?" sabi ng matalik na kaibigan niyang si Denise. "Akala ko pa naman talented 'yun kasi dalang-dala ako sa pagkanta niya, eh. Hindi pala!"
Naikot niya ang mga mata at saka sumakay sa kotse niya. "Nasayang tuloy oras ko. Imbes na sana productive ang gabing 'to bago ako mag-umpisa ng leave ko sa trabaho."
"Sorry na, Pams. Akala ko kasi talaga...oh, well! Gusto lang naman kasi kitang tulungan. Sorry na po."
Natawa siya sa tono ng kaibigan dahil mukhang paiyak na ito. "Hayaan mo na, sige na. Madalas ka ba tumambay rito? Huwag ka na nga nagpupunta rito. Mali-mali naman sa tono ang mga kumakanta. Nadadala lang ng magandang boses," taklesang sabi niya. "Aanhin ang magandang boses kung walang natamaan na nota kahit isa?"
"Baka may sarili lang silang version," natatawang sabi nito.
"Gaga. Kahit taasan o babaan niya pa rin ang key, dapat parehas lang ang tune," pagle-lecture niya rito. "You know that I'm looking for a natural talent, hindi iyong nadadala lang sa aral ang pagkanta at pagtugtog. Although, puwede rin naman. Kaso hindi naman 'inaral' ang kanta, 'ginaya' lang sa kung paano kinanta ng original singer. Nanggaya na nga lang, wala pa sa tono," walang prenong komento niya.
Tawa nang tawa si Denise mula sa kabilang linya. "Ang hard naman."
"Just stating facts. Hindi ako magkukunwaring nagandahan ako sa naririnig ko kanina." She's always true to herself. Hindi nagpapanggap si Pamela sa mga bagay-bagay. Kapag ayaw niya, sasabihin niyang ayaw niya. Kapag gusto niya, sasabihin niyang gusto niya.
Sarili na lang ba, lolokohin pa? Hindi naman niya gusto makasakit pero sasabihin niya kung anong totoo. Madalas hindi niya napipigilan. Madalas masakit ang mga salitang nagagamit. But being tactless, got her where she is now.
Dati isa lang siyang simpleng HR employee sa kompanyang pinagta-trabahuhan, ngunit nang malaman ng mga malalaking boss na may talento siya sa pagsasabi kung sino ang talentado at magaling talaga sa musika, ay binigyan siya ng mas challenging na trabaho.
She gave her a job to work outside. Whole day, every day, kung saan-saan siya nakakarating in search for talented musicians and singers that Fresh Music can get. Sa madaling salita, naging talent scout siya.
But she's not just a simple scout. Dahil bawat tamang tao na nadadala niya at naalok niyang maging artist ng kompanya, ay malaking commission ang nakukuha niya--hindi pa kasama roon ang malaking suweldo niya na sadyang lakas loob niyang d-in-emand sa big bosses.
BINABASA MO ANG
Smart Tactless Fangirl (TOG #5) - Published by PHR
RomanceAng fangirl na si Pamela, paanong makikipag-agawan ng lupa sa car racer idol niyang si River Avilla? Ipaglalaban niya ba ang karapatan ng pamilya nila? O nganga na lang sa kakisigang ibinabalandra ng tahimik na binata? Written ©️2016 (Published 201...