Chapter Four

111K 3.4K 333
                                    

CHAPTER FOUR

"HA? ANO? Suko ka na agad, eh, dalawang araw ka pa lang diyan?"

Padabog na inayos ni Pamela ang mga damit niya habang salubong pa rin ang mga kilay at nagtatagis ang mga bagang. Kahit isang araw na ang nakalipas ay tandang-tanda niya pa rin ang pambabastos sa kanya ni River.

"You know that I'm desperate to have the land. But not 'that' desperate, my goodness!"gigil na wika niya habang kausap ang kaibigan mula sa kabilang linya. "Nabastos na 'ko at aasahan mo pa bang babalik ako doon?"

All her life, mostly in school, she was highly respected. No one dared to ridicule or belittle her eventhough she's from a poor family. Paghanga at takot ang laging nararamdaman ng mga kaklase niya mula elementarya, high school, at lalong lalo sa kolehiyo!

She may be poor but she's highly intellectual and full of sense kind of girl. She can intimidate then, at ngayon namang nasa taas na siya, ay mas dumoble pa ang kakayanan niya para doon.

"Lumaki akong nasanay sa mga sutsot ng mga construction worker at cat calling ng kung sino mga siraulo sa kalye namin noon. But that was understandable. They don't know the proper etiquette. But River that came from a wealthy and respected family? Kahit kailan, hindi ako diretsahang binastos at pinagmukhang cheap katulad ng ginawa ng lalaking iyon!" Nabato niya sa pagkaasar ang tinutuping panty. "At kung isa lang ako sa mga tatanga-tangang fangirl diyan na halos sambahin ang mga idol nila, baka kumagat pa 'ko, eh. But no! Gising ako sa katotohanan. Damn that fuckboy!"

"Calm down now, Pams."

"Walang kalma-kalma! Kumukulo ang dugo ko! He's a disappointment! All my life, I have imagined him like this, like that...and for Pete's sake, Denise! Alam mong hindi ako nagkaroon man lang ng isang boyfriend dahil siya ang standard ko! Akala ko pa naman kapag tahimik, malalim mag-isip. Deep kausap. May sense. But based on my two days here in Cebu? Hah! His looks may have surpassed what can be seen on the billboards and TV. But his personality and attitude? Such a crap! Such a waste! Pa-mysterious effect pa ang gago. Pasuplado pa! Kaya tahimik ay dahil walang laman ang kukote! Nilagay ang utak sa bayag! Dios mio!" walang prenong talak niya dala ng pinaghalo-halong inis, galit, at frustration.

Denise laughed so entertainingly. "Eh di hindi mo na idol?"

"Hindi dapat hinahangahan ang mga katulad niyang gago! Tignan mo at kapag nagka-oras ako mag-Facebook, ipo-post ko pa kung gaano kasahol ang ugali niya. Subukan lang ako awayin ng fandom niya at isasampal ko isa-isa sa kanila ang katotohanan!" Nasipa niya ang nang malakas ang maleta na nasa ibabaw ng kama. "Pumunta ka nga sa bahay ko at tanggalin mo lahat ng poster niya sa kuwarto ko!"

Tumawa na naman ito na para bang napaka-entertaining dito ang galit niya. "There, there. You're just mad. Huwag ka gagawa ng desisyon kapag nasa mataas kang emosyon, Pamela. Just...chill you know. Stay there. And maybe, when everything's cool, you can go back and negotiate again with River Avilla."

"Negotiate? Again? No way I'm gonna waste my time with that douchebag."

Pumalatak ito. "Galit ka lang, bes. Nasaan ka ba ngayon? Magpahangin ka sa Senior Citizen's park sa Colon o kaya kahit sa I.T. Park lang sa Lahug. Mag-bar hopping ka sa Mango. Or better yet, visit temples! Punta ka ng Taoist Temple!" natatawang advice pa nito. Kaya alam nito ang mga puwedeng puntahan sa Cebu City dahil dalawang taon din itong nagtrabaho roon. "Kung ayaw mo diyan masyado sa siyudad, Cebu has provinces that have lots to offer. Go to the beach! There's Bantayan, Moalboal, Dalaguete, Oslob, Santander, and more!"

Naikot niya ang mga mata. "Ikaw, sasabunutan na kita! Nabastos na 'ko't lahat kung makapagsalita ka diyan parang kakalma pa talaga ako?"

"I know that you have been offended so bad, Pam. But relax, okay?" mahinahong sabi nito. "Punta kang Monte Amor pala, sobrang layo lang at sobrang liit na probinsiya diyan pero maraming guwapo doon!" na-e-excite na sabi nito.

Smart Tactless Fangirl (TOG #5) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon