Chapter Twelve

126K 4K 698
                                    

CHAPTER TWELVE

SIGURO kapag may mahal ka talaga, kahit mukha ka ng tanga at gaga, pipiliin mong intindihin at magpatuloy pa.

Puwede naman umalis na lang si Pamela kung saan siya bastang iniwanan ni River. Pero anong ginawa niya? She held back the tears in her eyes. Kahit humahapdi na ang puso ay nanatili siya doon. Kumuha ng pagkain na parang walang nangyari. Naghanap ng puwesto at tahimik na hinintay kung babalik pa ba si River o hindi na.

Gaga ka, Pamela. Hindi ka pinalaki ng mga magulang mo para maging ganyan. Hindi niya magawang malunok ng maayos ang kinakain. The food should be tasty but there was no appeal to her. Nayuko niya na lang ang ulo nang mangilid ang luha sa mga mata. Tinigil niya na ang pagkain. Tinigil niya na ang pagkukunwari na okay lang ang lahat.

"Pamela."

Napalunok siya at lalo lang nanikip ang dibdib nang marinig ang boses nito. Nang maramdaman niya ang paglapait nito ay agad siyang tumayo at naglakad paalis.

"Pamela..." he softly called and chased her hand. "I'm sorry. Let me explain first."

Marahas na binawi niya ang kamay at nilingon ito. Matalim niya itong tinignan ngunit nanatiling tikom ang kanyang bibig.

Napaatras ito nang bahagya. He looked scared, confused, and frustrated. All in one. Ngunit nagawa pa nitong salabungin ang mga tingin niya. "Please, Pamela..."

"Gusto ko nang umuwi," she managed to say while holding back her tears. Ano nang gagawin niya? She doesn't know.

Hindi niya pa gustong matapos 'to.

Ngunit, alam niyang kapag nagpatuloy pa ay hindi na makabubuti sa kanya.

Nauna na siyang lumabas ng hotel-resto at naramdaman niya ang pagsunod ni River sa kanya. He tried to reach for her hand but she shoved him away. Niyakap niya ang sarili at nagmadaling naglakad.

"I'll take you home."

Hindi siya nagsalita. Hinayaan niya lang na ihatid siya nito pauwi. Hindi na alam ni Pamela ang iisipin at gagawin. She was lost. Kahit kailan, hindi siya nawawalan ng iisipin at gagawin. She's a smart person, but what's happening now?

Since River, she'd never been the same again.

Nang huminto sa tapat ng bahay nila ang kotse nito ay agad niyang binuksan ang pintuan at humangos papasok sa kanilang gate. Narinig niya ang pagtawag nito ngunit hindi niya na nilingon.

She locked the gate and got inside the house. Without turning back.

Pagkarating niya sa kuwarto ay doon na bumuhos ang mga luha niya. Napaupo siya sa sahig at niyakap ang mga binti.

She knew she had to let go. Pero hindi niya matanggap na pagkatapos niyang ibigay ang lahat ay ganoon lang ang katapusan niyon. Clearly, kahit walang sabihin si River... it was still Micha. It's just her and nothing else.

Not even Pamela can replace someone in River's heart.

***

NAAWA na si Pamela sa sarili niya dahil sa kaiiyak. It's not her. Absolutely not her. She's tougher and smarter than this.

Pinatay niya na ang phone nang tumunog na naman iyon dahil sa pagtawag ni River. Ayaw niyang kausapin ito. Ayaw niya nang magpadala sa kung anuman ang sasabihin nito.

Itinago niya ang phone sa kasuluk-sulukan ng mga gamit niya. Hindi niya pinansin ang bulong ng puso na pakinggan muna si River bago siya umarte ng ganito. But no. She'd had enough.

Smart Tactless Fangirl (TOG #5) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon