CHAPTER SIX
"MAY SALTIK yata iyan, Pams. Alis ka na diyan!" natatawang sabi ni Denise habang kausap niya sa telepono.
Nakarating na sa malayong parte ng lupa si Pamela para lang makasagap ng signal. "I know, right?" aniya at saka naikot ang mga mata. "Mas lalo ko siyang hindi naintindihan. Buwiset iyon."
"So, ano nang gagawin mo?"
Napabuntong-hininga siya nang maalala ang emosyon sa mga mata ni River kanina. Nang sinabi nitong... "No one wants to be with him daw. Maniniwala ba 'ko doon?" May awa talagang lumukob sa dibdib niya nang marinig iyon. River said it in a hidden sadness and bitterness in his tone.
"Sino namang ayaw makasama si River Avilla? Akala ko ba sikat iyan? Eh di ang daming fangirls na nag-aagawan diyan? Kasama ka na doon, di'ba?"
"Dati iyon," mariing sabi niya. "At iyon nga rin ang iniisip ko. Paanong walang gusto siyang makasama, eh, halos maghurementado na mga fans niyon, makatabi lang siya. At saka wala ba siyang pamilya? Last time I checked, buong-buo ang pamilya niya."
"So, ano na ngang gagawin mo? Baka kapag umalis ka diyan, mas ma-feel niyang alone siya." Suminghap ito. "Hala, Pams! Baka depressed iyang si River. Hala. Malaki ang possibility na mag-suicide iyan!"
Nanlaki ang mga mata niya. "Denise!" saway niya sa kaibigan. "Magtigil ka! At saka hindi naman mukhang depressed. At lalong parang wala naman sa karakter niya ang suicidal. Hello? Mukhang ang tagal niya na dito. Kung suicidal siya, matagal ko na siyang naabutan na bangkay rito."
"Malay mo. Ang mga pinakamalungkot na tao pa ang pinakamagaling magtago ng totoong nararamdaman."
Lumingon si Pamela sa nag-iisang bahay sa lupaing iyon. Napalabi siya. May punto ang sinabi ng kaibigan niya. What if River is really suffering from depression? Pero ano namang dahilan niyon kung sakali?
"Pam, mag-stay ka na lang siguro. Maraming babae ang gustong malagay sa posisyon mo ngayon. Ikaw ang bruhang pinagpala sa lahat!" sabay tawa nito.
"Baliw 'to." Pero natawa na rin siya. Nanliit ang mga mata niya nang makita si River na lumabas mula sa bahay. "Ah, bes? I need to go. Tawagan na lang ulit kita kapag nakasagap akong signal rito."
"Ha? O sige, bes. So, mag-stay ka lang diyan?"
"Titignan ko pa," she safely answered. Kahit siya ay naguguluhan pa.
Pagkatapos ng tawag ay lakad-takbo siyang bumalik sa bahay. Naka-squat na si River sa damuhan nang nakalapit na siya. Naka-cotton gloves ito at nagbubunot ng patay na damo.
"Hobby mo iyan?" tanong niya rito.
Hindi siya nito tiningala. "Yes..." mahinang sagot nito habang patuloy sa ginagawa.
Nag-squat rin siya katulad nito. "May itatanong ako."
Hindi ito umimik at pinagpatuloy lang ang pagbubunot ng damo. Na-distract siya sandali sa nagpe-flex nitong muscles sa braso. He's wearing a black sando and ripped maong pants, as usual.
Mabilis niyang tinutok na lang ang mga mata sa mga damo. "Ano...gaano ka na ba katagal rito?"
"Two months."
"Bakit ka nandito?"
Hindi ito sumagot.
"May pinatataguan ka ba? O nagbabakasyon ka lang ba talaga? O may tinatakasan ka?" nanghuhuling tanong niya at saka sinilip ang mukha nito.
He was extremely focused on what he was doing. But he managed to shrug his shoulders.
"Ang sarap mo ring kausap, eh, no?" sarkastikong sabi niya. "Tapos magda-drama ka na walang gusto kang makasama? Paano kasi hindi ka naman nagsasalita. Sinong gustong sumama sa taong hindi namamansin o hindi nakikipag-usap ng matino?"
![](https://img.wattpad.com/cover/58292986-288-k21336.jpg)
BINABASA MO ANG
Smart Tactless Fangirl (TOG #5) - Published by PHR
RomanceAng fangirl na si Pamela, paanong makikipag-agawan ng lupa sa car racer idol niyang si River Avilla? Ipaglalaban niya ba ang karapatan ng pamilya nila? O nganga na lang sa kakisigang ibinabalandra ng tahimik na binata? Written ©️2016 (Published 201...