CHAPTER FIFTEEN
PAGKARATING nina Pamela sa Sagada ay minabuti na lang niyang manahimik at huwag nang mag-react pa ng kung anu-ano. Siya lang naman ang magmumukhang tanga at mukhang bitter. Mas mabuting dumistansya na lang siya kay River. Ano mang advances na gagawin nito, gagawin niyang shield si Denise.
"Ang ganda-ganda naman dito! Sobrang tahimik pa!" masayang sabi ng kaibigan niya pagkapasok nila sa transcient house na tutuluyan.
Inobserbahan niya ang buong kuwarto na westernized ang disenyo. Carved log wood ang disenyo ng maliit na bahay. Ang lahat ng gamit sa loob ay halatang gawa sa mamahaling kahoy. Stylish ang night lamps na nakakabit sa dingding ng bawat sides ng kama. There's a round white fur carpet on the floor, a table for two for dining, and a little kitchen. Wala mang aircon o electric fan ay sapat na ang lamig ng simoy ng hangin ng Sagada na pumapasok sa mga nakabukas na bintana.
Hinila ni Pamela ang maleta at nagsimula nang kumuha ng damit. Magpapahinga lang siya saglit at pagkatapos ay maliligo at mag-aayos na para magampanan niya na ang trabaho.
"Bes, si River pala saan tutuloy?"
Nagkibit-balikat lang siya at napahikab. Hindi niya naman kasi talaga alam. Basta kanina, pagkahintong-pagkahinto nila sa tapat ng transcient house, sinalubong sila ng may-ari at nagpahatid na siya agad sa kuwarto.
It's only seven in the morning. Ten AM pa ang simula ng trabaho niya na malapit lang. Humiga siya at ipinikit ang mga mata. Nagising lang siya ng makaamoy ng masarap na aroma ng kape.
Dumilat siya at nakitang nagtitimpla pala si Denise ng kape sa tatlong mug. Bumangon siya na nakaagaw ng atensyon ng kaibigan niya.
"Uy, Pam! Sakto nagtitimpla ako ng kape. Kape ng Sagada! Sobrang tapang daw nito, bes. Kayang-kaya kang ipaglaban!"
Kahit bad mood mula pa kaninang madaling araw ay natawa si Pamela. "Baliw." Tumayo siya at nilapitan ito.
"Mag-stay ka ba rito o sasama ka sa trabaho ko?" tanong niya rito.
"Dito muna ako. Sosolohin ko ang kuwarto!" Kinuha nito ang isang mug ng kape na umuusok pa sa init. "Saan mo dadalhin iyan?"
"Kay River. Baka hindi pa nagbe-breakfast, eh."
"Wow. Caring," sarkastikong sabi niya at saka humigop ng kape.
Tumawa lang ito at saka lumabas. Pagbalik nito ay may dala na itong isang basket ng tinapay. Mukhang mainit pa dahil humalimuyak ang masarap na amoy.
"Saan mo naman nakuha iyan?" Agad siyang kumuha ng isa at kinagatan. Napakainit at lambot! Ang sarap!
"Bigay ni River. Binili niya daw para sa'tin."
Muntik niya nang maluwa ang kinakain at ibato ang tinapay. Pero hindi naman siya ganoon ka-immature para sa ganoong kilos. Tumaas lang ang kilay niya at hindi na nagkomento pa.
Inubos niya lang ang kinagatan at hindi na kumuha pa ulit. Diretso niyang inubos ang kape. Matapang nga. Tila kumalat na sa sistema niya ang enerhiya para sa araw na iyon.
"Maglalakad na lang ako tutal malapit lang naman 'yung pupuntahan ko," sabi niya kay Denise pagkatapos niyang makaligo at makapag-ayos.
Simpleng skinny jeans, long sleeved-blouse, at sneakers ang suot niya. Itinaas niya ang mahabang buhok at itinali. Sinuot niya ang body bag. She's ready to work.
"Pam, balik ka agad, ah? Para naman maakapasyal tayo kahit mga bandang hapon na."
"Titignan ko." Hindi madali ang trabaho niya dahil nasa observation pa lang ang gagawin niya. Nasa kanya na ang profile ng talent na oobserbahan niya. Kapag satisfied siya, itatawag niya pa sa opisina. At kapag nakatanggap ng go signal, at saka lang niya lalapitan ang talent at bibigyan ng offer.
![](https://img.wattpad.com/cover/58292986-288-k21336.jpg)
BINABASA MO ANG
Smart Tactless Fangirl (TOG #5) - Published by PHR
RomanceAng fangirl na si Pamela, paanong makikipag-agawan ng lupa sa car racer idol niyang si River Avilla? Ipaglalaban niya ba ang karapatan ng pamilya nila? O nganga na lang sa kakisigang ibinabalandra ng tahimik na binata? Written ©️2016 (Published 201...