Chapter Fourteen

148K 4.2K 1.2K
                                    

CHAPTER FOURTEEN

HINDI na alam ni Pamela ang gagawin. Naging blanko ang isip niya nang makita si Joseph sa hindi kalayuan at ngayon ay nandoon pa rin siya malapit kay River.

"Pamela..." River whispered.

Napasinghap siya at napatingin dito. Sinubukan siya nitong abutin ngunit kusang umatras ang katawan niya. After all the things she heard, her heart exploded a hundred different emotions all together.

And she can't hide it no more. Kahit gaano niya kinasusuklaman si River sa pagwasak nito sa puso niya noon, hindi pa rin siya tapos. Hindi pa rin tapos ang puso niya rito.

"Pamela," Joseph called her. Tatlong malaking hakbang at nasa tabi niya na ito. He gently held her hand and pulled her away from River.

She can hear it She can hear her heart being broken again, broken for Joseph.

Tinignan siya nito at hindi niya magawang masalubong ang tingin nito. Napayuko at nangilid ang luha sa mga mata niya. Pamela, what have you done?

"Naiintindihan kong gusto mong magpaliwanag sa kanya," narinig niyang wika ni Joseph.

Pagkatingala niya ay kinakausap na nito si River na tila pinagbagsakan ng langit ang itsura.

"Naiintindihan kong gusto mong magkaayos lang kayo. Pero sana hanggang doon lang ang nais mo," kalmadong wika ng nobyo. Tinago siya ni Joseph sa likod nito. "Ginagalang ko ang kagustuhan mong mapatawad ka ni Pamela. Ngunit sana, galangin mo rin ang relasyon naming dalawa."

Matapang na sinalubong ni River ang tingin ni Joseph. Umayos ito ng tindig at agad na nakita ang diperensya ng taas ng dalawa. River was taller. Joseph was more fit, though.

"Do you think she loves you?" River asked in a very boring way.

Napasinghap siya. "River!"

Napatingin siya sa nakahawak na kamay ni Joseph sa kanya nang pisilin nito iyon. He kindly smiled at him. "What's love if we always ask for return?"

Nag-igting ang panga ni River. Sumulyap ito sa kanya. But she immediately avoided his gaze.

Hinila na siya ni Joseph paalis at sumunod lang siya. She never heard anything from River anymore. Ngunit ramdam na ramdam niya ang titig nito nang naglalakad na sila palayo ni Joseph.

Hindi sila nag-iimikan ni Joseph hanggang sa makapasok sila sa bahay niya. Wala ang mga magulang niya at sila lang ang tao doon.

He let go of her hand. Tinignan niya na ito.

"I-I'm sorry."

Napakasuyo ng tingin nito na gusto na lang iumpog ni Pamela ang ulo sa pader.

"For what, Pamela?"

Nakagat niya ang ibabang labi. "J-Joseph..." her eyes starting to flood with tears. She was always the tough one ever since River, she can't recognize herself anymore.

Napapikit ito at napabuntong-hininga. He bitterly smiled. "I have to go to UK for a week. Do you want a cool-off, Pamela?"

Hindi niya magalaw ang ulo para man lang umiling.

"Or just tell me to let go..." He looked at her with pain in his eyes. "I'll let you go."

Umurong ang dila ni Pamela at hindi magawang makapagsalita. Magulong-magulo na naman ang utak niya at hindi na tumutugma sa lahat ng gusto niyang sabihin.

No. She doesn't want to hurt Joseph this way. Napakarami na nitong ginawa para sa kanya. All he did was love her... and here she is. Narinig niya lang na minahal nga siyang talaga ni River, bibitawan niya na lang nang ganoon ang si Joseph? He was the only guy who was there when her heart ultimately cried in pain.

Smart Tactless Fangirl (TOG #5) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon