Chapter Eight

145K 3.7K 495
                                    

CHAPTER EIGHT

ANONG tawag kapag sinabi sa'yo isang araw ng iniidolo mo na may gusto ito sa'yo?

Ilusyon.

Iyon 'yun, eh! Iyon ang eksaktong tingin ni Pamela sa mga nangyayari. Ilusyon. Nag-iilusyon ba siya?

"... I like you. So damn much. That I could kill for you."

Napapikit si Pamela at tinabunan ng unan ang mukha. Nagpagulong-gulong siya sa higaan niya. Hindi na siya maka-move on sa mga sinabi ni River.

Ngunit sino nga bang hindi magugulantang kapag isang Richard Vernon Avilla ang magtatapat nang ganoon? It's freaking hot and gorgeous River Avilla, for pete's sake!

Tapos siya? Sino ba siya? Goddamnit, she's just a regular fan. Well, they have met in a different circumstance that made her be angry at him but later on, she had learn to get a way with him.

At heto, dalawang linggo pa lang ngunit dinedeklara na ng binata na gustung-gusto siya nito! Damn shit!

Impit na napatili si Pamela at saka mas sinubsob ang mukha sa unan. How can this be all possible? How can an illusion just materialized like that?

Anong nagustuhan sa kanya ni River? Bakit siya gusto? Totoo ba 'yon? O yung gustong panandalian lang?

"Ugh!" Bumangon siya at inayos ang sarili. Tinignan niya ang sarili sa salamin. Medyo malapad ang noo niya. But Pamela has those doe-like eyes that gets chinky when she smiles widely. Her eyebrows has its own natural perfect shape. Manipis nga lang masyado but there's always the eyebrow pencil to lean on. Her nose is kind of small—mataas ang nosebridge ngunit pabilog sa dulo. Anyhow it complimented her pinkish full lips.

Malayong malayo ang mukha niya sa pagiging maamo. She has that resting bitch face. Kaya hindi siya nagtataka kapag medyo ilag ang tao sa kanya kapag hindi siya ngumingiti.

She touched both her cheeks. Marahan niyang tinapik-tapik iyon para mamula ng kaunti. Her skin isn't fair and white at all. Brown-skinned she is.

Well, she can't say she's that beautiful but hell, no one would ever call her ugly. Ang ganda niya, hindi classic. Hindi mapapansin agad. Hindi yung karaniwang ganda na dapat ay napapansin ng isang River Avilla.

So, anong nagustuhan sa kanya nito?

Napailing na lang siya nang mapagod sa pagtingin sa salamin. Naligo na si Pamela at pagkatapos mag-ayos ay lumabas na ng kuwarto. Una siyang pumunta sa kusina upang maghanap ng makakain. Pasado alas-diyes na. Kaya magba-brunch na lang siya.

Luminga-linga siya at lumabas ng kusina saglit. Tinignan niya ang sala, ang harap ng bahay at pati sa garahe. Wala si River. Tulog pa kaya?

Bakit excited siyang makita ito? Bakit nangingiti siya habang iniisip ito ngayon?

Kasi gusto rin niya talaga ito. Gusto niyang may gusto sa kanya ito. At na-e-excite siya kung ano pang kayang gawin ni River sa pagkakagusto sa kanya. Kahit marami siyang tanong at pagtataka, hindi niya maitatangging nakakakiliti sa pakiramdam na may gusto sa'yo ang taong dati ay sa T.V., billboards, at magazine mo lang nakikita.

She's frying some cold rice when River entered the kitchen. Awtomatikong napahinto si Pamela sa ginagawa nang maramdaman ang presensiya nito.

"Morning..." he greeted with his bedroom voice.

Dahan-dahan siyang napalingon rito at nakitang dumiretso ito sa harap ng ref. "Good morning..." mahinang bati niya pabalik. "Nagluluto ako ng pang-brunch. G-Gusto mo rin?"

Smart Tactless Fangirl (TOG #5) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon