Chapter Three

119K 3.5K 437
                                    

CHAPTER THREE

"SINABI ko naman sa'yo, anak, di'ba? Na tumawag ka muna sa mga kamag-anak natin," ani ng Mama niya habang kausap niya ito sa cellphone. "O, ayan. Anong napala mo? Imbes na sila ang masorpresa, ikaw ang nasorpresa na wala na pala sila diyan."

Naiinis na binagsak ni Pamela ang sarili sa kama. She just checked-in in Radisson Blu hotel in Cebu City. Pagkatapos siyang pagsarhan ni River ng pinto ay sigurado siyang hindi na nito ulit iyon bubuksan.

Wala rin siyang nahanap na impormasyon sa Lapu-Lapu City kung saan na nakatira ang mga ganid niyang kamag-anak.

"Ano nang gagawin ko ngayon, Ma? Hindi puwede 'yung ginawa nila, hindi ba? Binenta nila ang lupa mo! Hindi naman sa kanila ang lupa na iyon, in the first place. Sa'yo pinamana iyon, Ma."

"Ano pa bang magagawa natin? Sabi ko naman sa'yo, hayaan mo na. At mula pagkabata mo naman ay alam mong wala na tayong pag-asa diyan sa lupa," mahinahong sabi ng Mama niya ngunit maririnig rin ang bahid ng panghihinayang sa boses nito.

Nagtagis ang bagang ni Pamela. "I promised to give you back what's rightfully yours, Ma. Alam mong isa sa mga motivation ko para umunlad tayo ay ang mabawi ang lupa mo. At ngayong kayang-kaya na natin bawiin, saka ko na lang hahayaan? No, Mama. Iyo 'yun." Nagkuyom ang kamay niya. "Iyon na nga lang ang naiwan sa'yo ng mga magulang mo, mawawala pa ba?"

Napabuntong ito mula sa kabilang linya. "Ang sabi mo ay settled na roon ang bagong may-ari ng lupa. Nakakahiya namang paalisin siya roon, hindi ba?"

"Malaki ang lupa, Mama. Hindi ko naman siya papaalisin." Napapikit siya at agad na lumitaw sa balintataw niya ang imahe ni River.

His serious I-don't-care-with-the-world expression and attitude makes her cringe. But when she'll settle on his demigod-like face and body, tumatayo ang balahibo niya sa batok. May kung anong kiliti siyang nararamdaman. At sa paraang nang pagtitig nito—iyong tila walang pakialam at blanko ay may ginigising na kung ano sa kalooban niya.

Damn. Is this the feeling of seeing your idol in flesh? God, she idolized that hot guy for years! She was fantasizing different moments when she would finally meet him personally.

At sa unang engkuwentro nila ng isang River Avilla, it's never ideal! Nakakagigil! Parang bumaba ang respeto at paghanga niya sa lalaki. He's just so...rude! Shutting off a girl like that?

"Pamela, anak? Nandiyan ka pa ba?"

Napadilat siya at saka bumangon sa kama. "Magpapahinga muna ako, Mama. Babalitaan ko muna ulit kayo."

Kailangan niya nang mag-isip nang plano upang makausap nang maayos ang lalaki. Hinding hindi siya uuwi sa Maynila na bigo sa pagbawi ng lupa.

"O siya sige. Mag-iingat ka. Basta tandaan mo, kung wala ka naman nang magagawa para mabawi ang lupa ay hayaan mo na lang," bilin pa ng Mama niya.

No, Mama. I will get your inherited land back. By hook or by crook.

"Maglibot-libot ka na lang diyan tutal ay napakaganda naman ng Cebu."

"Yes, Ma. Pakihalik na lang ako kay Papa." The call ended and Pamela hastily thinks of her plans.

Pamela's smart. Alam niyang makakakita siya nang paraan para mabawi ang lupa. Kahit pa kailangan niyang kaharapin araw-araw ang suplado at walang pakialam sa mundo na si River.

Magkalimutan na ng idol-idol na iyan! She'll be a professional here.

She just spent the whole afternoon in her room. By night, pumunta na lang siya ng SM City Cebu para kumain. Katabi lang iyon mismo ng hotel kaya walking distance lang.

Smart Tactless Fangirl (TOG #5) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon