CHAPTER THIRTEEN
Present time...
"THANK YOU, Tita Pam!"
"Thank you, Tita!"
"Ang ganda nito! Salamat, Tita!"
"Ingatan niyo 'yan, ah?" Nakangiting sabi ni Pamela sa mga pamangkin niya. Namimigay siya ng mga pasalubong ngayon at nandoon ang mga malalapit niyang kamag-anak sa bahay nila.
"Tita Pam! Pahingi naman po kami ng chocolates!" nakangising wika ng binatilyo niyang pamangkin na katatapos niya lang pag-aralin sa highschool.
"Sige lang. Kunin niyo sa kabilang maleta," sabay turo niya sa may kalakihang maleta na puro pagkain ang laman. Sinadya niyang damihan ang pasalubong para sa mga pamangkin sa pinsan. "Hatian mo mga kapatid mo."
"O, anak. Kumain ka muna." Nilapitan siya ng Mama niya at binigyan ng adobong manok at kanin.
"Na-miss ko 'to! Hindi kami madalas nakakapagluto ng ganito sa Korea dahil iba ang lasa ng mga ingredients nila doon," aniya at saka sinimulang kumain. "O kayo nang bahala diyan sa mga pasalubong ah? Basta 'yung mga damit naman, may pangalan."
Dumulog siya sa hapag kung nasaan nakaupo ang Papa niya at ang mga pinsan niya. Masayang kinamusta siya ng mga ito at nakipagkuwentuhan. Ang tagal niya rin talagang nawala sa Pilipinas at hindi nakita ang mga ito.
"Hindi ka na ba aalis, Pamela?" tanong ng isang pinsan niya.
"Hindi na."
"Sabagay. Mas magandang nandito ka para magkasama na kayo ni Joseph."
"Tama! Nasa tamang edad ka na rin, Pamela. Napagpa-planuhan niyo na bang magpakasal ni Joseph?"
Napahinto si Pamela sa pagsubo dahil sa tanong na 'yon. Indeed, she's twenty-seven now. Usually, it's the perfect age to settle down. "Hindi pa naman napag-uusapan ni Joseph, eh," sabay kibit balikat.
Napasulyap siya sa parents niya na mukhang sabik rin na magka-asawa na siya. Very hopeful ang mga ito. Napailing na lang siya at napangiti. Ayaw niyang ma-pressure.
"Nako, nako. Pero paano kung biglang mag-propose si Joseph, papayag ka ba?"
Isa na namang tanong na nagpa-freeze sandali kay Pamela. Napakurap siya. Why does she hesitates when answering those kind of questions? "S-Siyempre," sagot niya kapagkuwan. "But again, hindi pa namin napag-uusapan. Babalitaan ko na lang kayo.
Hindi nagkokomento ang mga magulang niya ngunit alam niyang kontento ang mga ito sa sagot niya.
Bago gumabi ay nagpaalam na ang mga kamag-anak niya. Pamela felt tired. Isang linggo pa lang siyang nakakauwi ngunit nagsunud-sunod ang handaan.
"Pams!"
Napaangat siya ng tingin at tila nagkaroon ng bagong enerhiya nang makita ang kaibigan. Nagtilian sila at agad na sinugod ng yakap ang kaibigan. "Na-miss kita, bruha ka!"
Natawa ito. "Na-miss din kita, bes! 'Yung pasalubong ko?"
"Ikaw! 'Yung pasalubong ko lang talaga ang inabangan mo, eh!" sabay kurot niya sa tagiliran nito.
Pumiksi ito at ngumiti. Maya-maya ay niyakap na naman siya nito. "Grabe! Na-miss talaga kita. Buti umuwi ka na ngayon, for real! Hindi ko na babantayan si Joseph para walang umaligid doon."
Natawa siya. "Maasahan ka talaga, bes!" Habang nasa Korea siya ay madalas ikuwento sa kanya ni Denise at Joseph na naging magkaibigan na rin ang dalawa dahil madalas magkita sa church. Parehas pala nang pinagsisimbahan ang dalawa. Madalas niyang biruin si Denise na bantayan si Joseph habang nasa ibang bansa siya. "Pero bakit ngayon mo lang ako dinalaw? Isang linggo na 'ko dito, ah!" kunwaring tampo niya.

BINABASA MO ANG
Smart Tactless Fangirl (TOG #5) - Published by PHR
RomanceAng fangirl na si Pamela, paanong makikipag-agawan ng lupa sa car racer idol niyang si River Avilla? Ipaglalaban niya ba ang karapatan ng pamilya nila? O nganga na lang sa kakisigang ibinabalandra ng tahimik na binata? Written ©️2016 (Published 201...