Chapter Ten

135K 3.6K 520
                                    

CHAPTER TEN

PAMELA knew she would regret her decisions later. But for now, she'll risk it. Maybe, it will be worth it. Hindi niya alam. Sino ba ang nakakaalam? Hindi naman siya ang kauna-unahang babaeng ginawang panakip-butas.

She cringed on that thought. Kapag nagmahal pala, kahit Magna Cum Laude ka pa ay matatanga ka na lang. Why did she stay? She should be smarter than this.

Marahan niyang idinilat ang mga mata at ang unang sumalubong sa kanyang paningin ay ang nahihimbing sa pagkakatulog na si River. His face was not that peaceful even in sleep. Maangas at malayo sa maamong mukha. His handsome and tough features just blended perfectly together.

She lightly touched the shape of his thick eyebrows and contour of his aristocratic nose. Bahagyang gumalaw ito kaya mabilis niyang ibinaba ang kamay at pinikit ulit ang mga mata. Nagkunwari siyang nagtulug-tulugan nang marinig niya ang paghikab nito at maramdaman ang paggalaw ng kama.

Halos hindi na humihinga si Pamela nang mas maramdaman ang paglapit nito sa kanya at paghapit ng kanyang baywang.

"I'm glad you stayed..." he whispered.

Hindi umimik si Pamela. Is he talking to her? Does he know she's awake already?

She felt his nose brushed hers, gently. Then he kissed her forehead.

Hindi kumilos si Pamela at pinanindigan ang pagtulug-tulugan. River hugged her tighter.

"I'll love you. I'll be a good boy, I promise..." bulong ulit nito na tila kinakausap ang sarili ngunit sa kanya patungkol.

Nagbara ang lalamunan ni Pamela sa pagpipigil ng luha. Hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang dapat niyang maramdaman sa tuwing ganito ito. Everything he says and does are so achingly sweet. Pinipiga ang puso niya. Bakit ganito ang isang River Avilla?

Dinilat niya ang mga mata at tiningala ito. Sinalubong nito ang mga mata niya at umangat ang gilid ng mga labi nito. "Good morning. Did I wake you up?"

Umiling siya at marahang lumayo rito para makabangon. Wala namang nangyari sa kanila kagabi. Madalas lang sila magtabi na sa pagtulog.

"Magluluto ako ng agahan." Tumayo siya at nagsuot ng tsinelas. "Anong gusto mo?"

Bumangon na rin ito at kinusot ang mga mata. "Can I just have you?" seryosong-seryosong turan nito.

Pinigilan ni Pamela ang mapangiti. Tumalikod na siya at saka lang pinakawalan ang ngiti. Pagkababa niya ay agad na siyang nakapagluto. Mabilis na nakasunod si River.

Tahimik na tumabi ito sa kanya habang nagluluto siya. Nasanay na siya na ganoon kaya hindi niya na pinansin.

"May gusto ka bang gawin ngayong araw?" marahang tanong nito.

Mabilis siyang nag-isip at tumango. "Gusto ko pa sanang mamasyal sa mga probinsya. Makapunta pa sa ibang mga beach. Susulitin ko na since next week ay kailangan ko nang umuwi ng Manila." She has nine days to be exact.

Parang nanigas ito sa kinatatayuan. "U-Uuwi ka na?"

She looked at him. "River, may trabaho ako. Naka-leave lang ako ng isang buwan at malapit nang matapos iyon." Hinarap niya ulit ang niluluto. "Hindi naman hihinto ang pang-araw-araw kong buhay kahit nandyan ka na."

Hindi ito umimik.

Pinatay niya na ang kalan at hinangos ang nilutong cheese omelette.

"How about us?" he asked silently while they were eating already.

Are they even official? She does not know. Hindi pa nila napag-usapan. Pero baka sila na nga. "Umuwi ka rin ng Manila. Ano? Ako pa mag-a-adjust sa'yo?" matapang niyang sabi. "I stayed because I still can. Now, if you want us to work out, umuwi ka rin ng Manila pagkauwi ko."

Smart Tactless Fangirl (TOG #5) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon