Chapter Eleven

129K 3.8K 510
                                    

CHAPTER ELEVEN

"MAY NOBYO ka na ba?"

Natigilan si Pamela sa tanong ng Papa niya pero hindi naman siya nagpahalata. "Wala po," tanggi niya. "Pero may nanliligaw. Getting to know pa lang po." Iyon ang tingin niya sa ginagawa nila ni River. Hindi niya alam. Ayaw niyang tanungin kung ano talaga sila.

Tumangu-tango ito. "Iyon ba ang naghahatid sa'yo palagi? Aba't tatlong buwan na 'yon. Wala ka bang balak ipakilala sa'min?"

Na-pressure si Pamela nang makitang lumingon na rin sa kanila ang Mama niya na may inaayos sa lamesa. "Sa susunod na lang, Papa. Basta matino naman siya. Huwag kayong mag-alala."

Tumango lang ang Papa niya at kinumusta na lang ang trabaho niya.

Hindi naman masyado nagingialam sa love life niya ang mga magulang. Naghihintay lang ang mga ito ng kung anong sabihin niya dahil mula pa pagkabata, tiwala naman ang mga ito sa mga desisyon niya sa buhay.

Siya mismo ang ayaw ipakilala si River sa mga magulang niya. Hindi niya alam. Parang ayaw niyang paasahin ang mga magulang. Parang ang laging nasa isip ni Pamela ay baka hindi naman sila magtagal ni River. Baka magsawa rin ito. Baka hindi siya matutunang mahalin.

Huminga siya nang malalim at naging manhid na sa tuwing kumikirot ang puso sa mga sariling negative assumptions niya. Kahit pa wala naman silang problema ni River, still, she's just checking the reality every time.

She loves in fear. And she knew it wasn't right. Pero tinuloy-tuloy niya pa rin.

Kasi gusto mo, Pamela. Umaasa ka na. Umaasa kang isa sa mga araw na 'to, maririnig mong magsabi ng "I love you" si River. Because you're done with his hot kisses, and sweet talks and actions. You're waiting for the assurance. You're waiting for his promise. Pero hanggang ngayon, wala pa rin. Binigay mo na lahat-lahat ay wala pa rin. Kahit alam mong mukha ka lang gaga, naghihintay ka pa rin.

Inabala ni Pamela ang sarili sa trabaho niya nang araw na iyon. May dalawang university siyang pinuntahan na may musical recital. She was busy scouting talents the whole day. Nakipag-meet din siya sa tatlong artist para mapaliwanag ang terms ng contract bago niya i-turn over sa official signing na gaganapin sa kompanya.

Pagkarating ng gabi ay hindi pa umuwi kaagad si Pamela. Magkikita sila ni River. Pinuntahan niya ito sa Dusit Hotel sa may Makati. Doon ito nagste-stay bago ito tumulak sa makalawa papuntang Germany. May competition itong sasalihan doon kaya mahigpit ang team nito bago ito umalis ng bansa. Hindi na nakakalabas si River since he started accepting car racing offers again.

Pagkapasok niya sa suite nito ay may kausap itong mga lalaki. Must be part of his team. Nang makita siya ng mga iyon ay agad na naglabasan ang mga ito at naiwan sila ni River doon.

Umangat ang gilid ng labi nito at hinila siya paupo sa hita nito. "Are you sure you're not going with me?"

"Marami akong trabaho. Hindi talaga puwede."

Hinalikan siya nito sa balikat at nilaro-laro ang dulo ng mahaba niyang buhok. "I'm gonna miss you," he whispered in her ear.

"Isang buwan lang naman." Pero kahit siya ay nag-aalala. Paano kung makakakita ito sa Germany ng ibang babae mas magandang ipalit kay Micha? Nagbara ang lalamunan niya at nanikip ang dibdib. It's a possibility, right? Malay niya ba sa mangyayari rito sa loob ng isang buwan doon?

Isang buwan din siya sa Cebu at pagkatapos ay ganito. If he could just say he loves her, then she'll never doubt like this.

He stared at her. "Do we have a problem?"

Smart Tactless Fangirl (TOG #5) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon