NAGISING si Pamela eksaktong huminto ang sasakyan na minamaneho ni Joseph sa tapat ng isang chapel.
Tinakpan niya ng kamay ang bibig nang mapahikab. "Nandito na tayo?"
"Yes, hon. Mauna ka nang bumaba. Maghahanap lang ako ng parking space."
Tumingin siya sa labas ng bintana at nakita na medyo maraming nang tao at mga bata ang nasa loob. Namumukhaan niya ang ilang mga kamag-anak nina Joseph. Pati na rin ang mga Anderson...
Lihim siyang huminga ng malalim. Alam niyang wala si River kaya wala dapat siyang ikangamba. Pilit pumasok sa isip niya ang mga natanggap na rosas mula rito noong nakaraang linggo,
Ipinilig niya ang ulo para alisin agad iyon sa isipan. "Sabay na lang tayo. Nahihiya ako sa mga kamag-anak mo, eh..."
Nakakaintinding ngumiti ito at naghanap na ng parking space. Magkasabay na bumaba sila ng kotse. Hinawakan nito ang kamay niya nang papasok na sila ng chapel.
Saved By Grace – Amora Chapel.
Hinanda na ni Pamela ang kanyang ngiti nang sinalubong sila ng mga kamag-anak nito. Nakipagbeso siya sa dalawang kapatid na babae ni Joseph at sa mga magulang nito. There were aunts and uncles as well. Nahila si Joseph ng mga pinsan nitong lalaki pagkatapos siyang batiin. Naiwan naman siya sa mga babae.
Then, there's Haley carrying a sleeping baby.
"Pamela! I'm glad you can come!" masayang bati agad nito sa kanya.
"Congratulations, ha? Last year, nakuwento mo sa'kin na gustung-gusto mo ng magka-baby. And now..." nakangiting tinuro niya ang natutulog nitong anak.
"Praise God! That's so true. Ang tagal naming nag-pray ng asawa ko for a baby." Tinignan nito ang anak na puno ng pagmamahal sa mga mata. "And finally! God's time is so perfect."
"Wow! Ang ganda-ganda naman niya..." Mahilig si Pamela sa mga baby. Oo, sa mga baby at toddlers lang. Kapag lumalaki na kasi ay masyado nang makulit. She used to do a baby sitting job noong hisghschool at college siya para may extra income. "Anong pangalan niya?"
"Kelly Alejandra."
"A pair of a modern and ancient name," aniya at saka mahinang kinurot ang pisngi ng baby.
Humagikgik si Haley. "Well, modern ako, ancient si Gideon."
Natawa rin siya. "Hindi naman ganoon katanda ang asawa mo. Grabe ka sa kanya. Well, sobrang tanda lang niya lang talaga sa'yo."
"Kaya nga ancient siya sa'kin."
"Tita Haley! Tita!"
May tatlong batang lalaki ang nagtakbuhan palapit kay Haley. Pinakamalaki ang isa habang ang dalawang natira ay mukhang mas maliit pa base sa height.
Yumuko si Haley. "Yes? What do you want, boys?"
"Chocolate!" sabay-sabay na sabi ng tatlo.
"Later, ha?" malambing nitong sabi. "Pagkatapos binyagan ni baby Kelly, okay? May chocolate fountain sa mansion..."
"Mga pamangkin mo?" Niyuko ang tatlo at nginitian niya.
"Yes. Remember Lavender? 'Yung pinsan kong pinuntahan natin ang last fashion show a year ago?"
Napakurap siya. "Y-yes. Yung surprise wedding pala ng boyfriend niya?"
"Yeah. Ito ang anak nila, si Miggy." Turo nito sa mas mataas na batang lalaki. A very innocent expressive eyes just stared at her.
"Oh. Siya yung baby dati?"
Tumango si Haley. "Ngayon, big boy na! He's turning three na. Then, here's Aki. Pamangkin ng asawa ko sa pinsan niya. Heto naman, anak ng pinsan kong si Reeve, si Rainiel." Turo pa nito sa dalawang mas bata. "Turning two naman sila this year. Pero ang bibilis na tumakbo!"
BINABASA MO ANG
Smart Tactless Fangirl (TOG #5) - Published by PHR
RomanceAng fangirl na si Pamela, paanong makikipag-agawan ng lupa sa car racer idol niyang si River Avilla? Ipaglalaban niya ba ang karapatan ng pamilya nila? O nganga na lang sa kakisigang ibinabalandra ng tahimik na binata? Written ©️2016 (Published 201...