Chapter 3
"K.. Ang sakit sakit na.." he buried his face on his blanket. After I read his texts kanina nagmadali na ako para puntahan siya dito sa condo niya. Sinabi ko na din kay Yael at naintindihan naman niya na kelangan ako ni Vice ngayon kaya hinatid na niya ako papunta dito.
"Bakit kasi tinext mo pa? Sabi ko naman sayo tigilan mo na siya eh.. Masasaktan ka lang.." sabi ko. Sumandal naman siya sa headboard ng kama niya at tuloy tuloy pa rin ang pag patak ng luha niya.
"Monthsary na namin bukas.. Nagbabakasakali kasi ako na baka.."
"Na baka ano Vice? Na babalikan ka niya?" hindi ko napansin na tumataas na pala boses ko. Natahimik lang siya.
"Vice." hinawakan ko balikat niya at hinarap ko siya sakin. He's in pain, I know. Pero ayoko paulit ulit na lang siya iiyak dahil sa walang kwentang na lalake na yan.
"Hindi. na. siya. babalik. sayo." dahan dahan kong sinabi sakanya. Yumuko lang siya at tuloy pa rin ang pag iyak niya. Niyakap ko naman siya ng mahigpit.
"Karylle.." he sobbed. Naluluha na rin ako. Nahihirapan din ako para sakanya. Para siyang bata ngawa ng ngawa dahil iniwan siya ng nanay niya. Gusto ko sugurin ex niya for doing this to him. Gusto ko siyang sapakin, bugbugin. Gusto ko siyang saktan. Gago siya.
"He was my everything.. He still is. Ang hirap hirap na.. Ang sakit sakit K.."
I didn't let go of him. Nakayakap pa rin ako sakanya. Di ko na marinig ang pag iyak niya. I could hear him sniffing. Dahan dahan ako kumalas sa pagkakayakap ko sakanya para tignan siya. He fell asleep on my chest na pala. Patuloy pa rin ang pagsinghot niya. Pinunasan ko naman ang luha niya. Dahan dahan ko siya pinahiga sa kama at kinumutan.
Here I am again. Sitting next to him, watching him sleep. "Everything will be alright, Vice. Promise ko sayo yan." I leaned down to kiss him on the forehead. Naramdaman ko siya gumalaw kaya agad ako bumalik sa position ko. He turned to his right side which is on my side.
After a while, dahan dahan ako bumaba ng kama niya. Pagkatayo ko biglang may humawak sa kamay ko.
"Aalis ka na?" he asked. His eyes were puffy from crying. I nodded.
"Wag ka na umalis.. dito ka na lang.." still holding may hand.
"Pero Vice.. may ASAP pa ko bukas.. I need to go home. It's late na oh." he held my hand tighter.
"Please stay.." naluluhang sabi niya. Vice naman eh.. makakatanggi ba ko? Bumalik ako sa kama. Nakaupo ako habang siya naman nakahiga.
"Bakit nakaupo ka lang dyan?" sabi niya habang nakatingala sakin.
"Hihintayin kita makatulog para makauwi na ko." sabi ko.
"Lie down.." sabi niya.
"Huh?"
"Higa ka muna.. I know pagod ka na rin. Kahit 30 minutes lang Kurba.. pagkatapos nun you can leave na.."
So, I lay down next to him. Yumakap naman siya sakin habang yung mukha niya nasa leeg ko. Naramdaman ko naman ang paghinga niya. I felt my heart beat fast. Pumikit na lang ako to take a thirty minute nap. Hanggang sa umaga na ako nagising.
Pagkagsing ko, tumingin ako sa left side ko. Tulog pa rin si Vice. I checked the time. 9 o'clock na pala. Naisip ko na lang wag pumunta ng ASAP today kaya tinext ko na si Direk and told him na sa next Sunday na lang ako papasok. Pagkatapos ko siya i-text I went to the toilet muna to wash my face. I used his mouth wash na rin.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Na Lang Sana | ViceRylle
FanficAnother ViceRylle story written by yours truly. :) Paalala lang po eto ay kathang-isip lamang. Pure fan fiction. Pero may mga lines po dito na true to life, meaning sinabi ito ng mga characters sa TV. :) Sa istorya po na 'to ay puro POV lang po ni...