Chapter 11
Saturday
Ang bilis talaga lumipas ng araw. I'm on my way to meet Christian. I invited him to keep me company na rin. I asked Anne kung okay lang and she said ayos lang naman daw. Late na nga ako sa meeting time namin ni Christian dahil halos isang oras ako naghahanap ng masusuot. I ended up wearing a black tube dress. Nag make-up lang ako ng very light and nag red lipstick.
Honestly, kinakabahan ako. How would they react kaya pag nakita nila ako? Sabi ni Anne hindi naman daw sila galit sakin, nagtatampo lang. It's just one night, K. Pagkatapos nun, balik sa dati ulit. I got back to my senses ng may kumatok sa bintana ng kotse ko. I looked at my window and found Christian smiling at me. Halos ilang minutes na pala ako dito, I almost forgot about Christian. Pinagbuksan ko naman siya ng pinto.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah." sabi niya, "Ako naman ang magda-drive." he offered. Tumango na lang ako at bumaba ng kotse para lumipat sa kabilang side.
"Uy, okay ka lang ba? Ang tahimik mo jan." he asked habang nagda-drive.
"Kinakabahan lang kasi ako. Ang tagal ko na rin kasi sila hindi nakakasama eh. Baka maging awkward.."
"Hindi yan. Tsaka nandito naman ako eh, I'll keep you company." he looked at me and gave me a smile.
"Thank you pala at pumayag kang samahan ako tonight."
--
"Anne, we're outside na, papasok na ba kami?"
"Wait for me there. Wag muna kayo papasok. Hindi nila alam na dadating ka."
"Ano? Akala ko ba sinabi mo?"
"Hindi ko na nga sinabi para surprise. O cge na, I'll meet you outside." and she hung up on me.
"Is everything okay?" tanong ni Christian.
"Si Anne kasi, hindi pala niya sinabi kela direk na pupunta ako ngayon."
"Oh, what's wrong with that? Ayaw mo nun? Surprise!"
After a few minutes dumating na din si Anne, she greeted us both at nagbeso samin pareho bago niya kami dinala sa loob ng karaoke bar. Habang papalapit na kami sa VIP room, lalo akong kinakabahan. Nang makarating kami sa labas ng VIP room, she asked us to stay outside muna at magtago sa side. So, we did. Binuksan naman niya ang pinto and I heard loud music, people laughing and talking. Si Jugs yung kumakanta. Napatigil naman sila ng biglang magsalita si Anne, nasa may gilid pa rin kami, waiting for Anne's signal.
"Guys, happy 8th anniversary!" she greeted everyone in the room. "I have a surprise for you guys!" she said excitedly.
"Ay! Nag order ka ba ng mga boylets ngangabu?" my heart started to beat fast when I heard that familiar voice. Napalunok ako at lalo akong kinabahan. Lalagnatin ata ako. Can I just leave? I don't think I'm ready yet.
"Baliw, surprise for everyone. Hindi ko sinabi para sayo lang." sagot naman ni Anne. I heard them laugh. Anne looked at my direction and grinned, that was the sign.
"Guys, let's welcome back, our sister, Karylle!" she extended her arm at hinawakan ko naman yung kamay niya, I slowly walked in the room and found all their eyes on me. I looked at everyone and tried to smile kahit na nanlalamig na yung kamay ko at nanginginig yung labi ko sa kaba. Lahat sila iba't iba ang reakyson nung nakita nila ako, may mga nakangiti, nanlaki ang mga mata at may mga napanganga.
I moved my eyes from right to left para tignan silang lahat at napatigil ako ng mahuli ko mga mata ni Vice na nakatingin sakin. Out of everyone else, siya lang yung walang expression sa mukha ng makita ako. Hindi ko na rin mabasa yung mata niya tulad ng dati or baka medyo malayo lang ako. There was a short pause, inaabsorb pa yata nila ang mga nangyayari hanggang sa may nagsalita na.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Na Lang Sana | ViceRylle
Fiksi PenggemarAnother ViceRylle story written by yours truly. :) Paalala lang po eto ay kathang-isip lamang. Pure fan fiction. Pero may mga lines po dito na true to life, meaning sinabi ito ng mga characters sa TV. :) Sa istorya po na 'to ay puro POV lang po ni...