Chapter 10

4.1K 88 7
                                    

Chapter 10 

3 years later. . 

"Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba nagpapakatanga ka sakanya kahit na alam mong niloloko ka lang niya!"

"Kasi mahal ko siya!"

"Pero niloloko ka lang niya! Bakit ba nagbubulag-bulagan ka? Sasaktan ka lang niya."

"Akala ko ba kaibigan kita? Diba dapat sinusupportahan mo ko? Why are you so against her?"

"Kasi mahal kita. Because you don't deserve her. You deserve someone who would love you completely. Yung hindi ka lolokohin, hindi ka sasaktan, yung hindi ka pinapaasa. You deserve someone na totoo ang nararamdaman para sayo. Hindi yung lagi kang nagbabakasakali na magbago isip niya."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Mahal kita. Hindi mo pa rin ba maramdaman yun? Malamang hindi. Kasi all these years, nagbubulag-bulagan ka sakanya. Lahat ng attensyon mo nasakanya kahit na binabalewala ka lang niya. Ako naman yung todo effort para mapansin mo. Pero sumuko na rin ako nung sinagot ka na niya. Para saan pa diba? Wala na akong magagawa kaya kahit sobrang sakit sinupportahan na lang kita, kasi mahal kita eh.." he looked so confused, tears started to fall from my eyes. 

"Pero ngayon na alam kong niloloko ka lang niya, nabuhayan na naman ako ng pag-asa. Pareho lang naman tayong nasasaktan eh.. Ikaw sakanya, ako sayo. Sa pangalawang pagkakataon, pwede bang ako naman? Ako naman ang mahalin mo.."

"CUUUUT! That was a good take, guys! Lunch break muna tayo." sigaw ni Direk. Everyone went back to their tents muna to pack their stuff and got ready for lunch. I wiped my tears habang naglalakad pabalik sa tent ko para kunin yung bag ng may humatak sa kamay ko.

"K, lunch tayo?" it's my co-actor, my leading man, my loveteam and my friend. I smiled and nodded at him at nag-continue na maglakad papunta sa tent ko.

--

"Seryoso ako K! Hindi ako nambobola, alam mo naman I've always been a fan of you. I've admired you from the start. You're a great actress, K. Damang dama mo nga yung eksena natin kanina eh." walang katapusan ang pag compliment sakin ni Christian habang kumakain. Ngumingiti lang ako sakanya.

"Siguro nakakarelate ka sa role mo 'no?" pangaasar niya sakin. 

"Sabihin na lang natin na oo, I can relate to my role kaya damang dama ko yung eksena. Pero matagal na yun." sagot ko.

"Oh.. yun naman pala. Kaya pala napaka-professional. Bakit hindi ko alam 'to? What happened?" 

"Kasi hindi ko naman pinagsabi sa madaming tao, konti lang ang nakakaalam tsaka matagal na nga yun. Ayoko na rin pag-usapan." napansin niya siguro na nag-iba yung mood ko kaya he didn't ask questions na lang about my past and changed the topic na lang.

--

"K?" someone called me from behind. I know that voice. I continued walking lang para makaiwas pero tinawag niya ulit yung pangalan ko kaya napatalikod naman ako. 

"K? Oh my gosh, Karylle! Ikaw nga!" she immediately run to me and hugged me. I hugged her back too.

"Oh my gosh, girl! Long time no see! Kamusta ka na?"

"Okay lang naman. Ikaw? Wala ka pa rin pinagbago, ikaw pa rin ang nag-iisang dyosa ng kagandahan."

"Ay, thank you. You're still the sweetest. And I must say, you look blooming today ah. Tsaka mas sumeksi ka. Nag-iisa ka lang talaga, Binibining Kurba." I smiled fakely. Binibining Kurba. No one has called me that in years.

Kung Ako Na Lang Sana | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon