Chapter 7

5.9K 112 18
                                    

Chapter 7 

"Madlang people, let's welcome back, Vice Ganda!" sigaw ni Billy. Naghiyawan naman lahat ng madlang people. Napatingin naman kaming lahat sa likod, bumukas naman yung LCD, there he is. I missed him so much kahit na 2 days lang siya nag absent. Sino ba naman hindi makakamiss sakanya diba? 

"Make some noise madlang people!" sigaw ni Vice, na-choke siya bigla at napahawak sa lalamunan niya. 

"Wag ka na kasing sumigaw, kagagaling mo lang sa sakit e." it just came out from my mouth. Nagsi-tinginan naman sakin ang mga co-hosts ko. DJ Mod started playing "Buko" again.

"Uyyy si Karylle! Concerned!" pangaasar sakin ni Vhong.

"Oo nga! Namiss mo lang si Vice e!" sabi ni Billy. Tumingin naman sakin si Vice. Oh gosh, Vice, wag mo kong titigan. Ni-ngitian naman niya ako. May narinig naman ako sa audience na sumisigaw ng ViceRylle. Nakakatuwa naman, may mga babies pala na nandito sa studio today.

"Guys, trivia lang. Alam mo ba Vice, ikaw ang laging bukambibig ni Karylle nung absent ka?" nagpalit naman yung kanta to "Magkabilang Mundo". This is so embarrassing. Naghiyawan naman ang mga madlang people. 

"Uy si K namumula oh!" Vhong pointed at me and they all started laughing. 

"Totoo ba yun K?" he grinned. Bago ako nakasagot nagsalita na siya ulit, "Alam ko naman miss na miss mo ko! Namiss din kita Kurba!" inakbayan naman niya ako and kissed me on the forehead. "Thank you for visiting me 2 days ago. Bumisita kaya siya sa bahay." shinare pa talaga niya sa lahat, naku. Aasarin na naman ako nila Vhong nito. 

"Dinalan ko siya ng fruits." I said, smiling. Naka-akbay pa rin siya sakin, I like the feeling pero parang may mali. 

"Korek! Sobrang daming prutas sa bahay! Hindi ko pa nga nauubos eh. Pero thank you talaga K. Thank you for nursing me. Nursing me?" natatawang sabi ni Vice. 

"Ang aga aga kota na naman ang mga babies nyo!" sabi ni Billy. Natawa naman kami pareho ni Vice, he pulled me closer to him. 

"Kaya tutok lang kayo kung gusto niyo pa ng maraming moments, masaya talaga dito, TARA! It's Showtime!"

--

Last commercial gap na bago matapos ang Showtime, bumalik muna silang lahat sa dressing room nila. Ang bilis ng oras, time really flies when you're having fun. Kung ano ano na naman kalokohan naimbento ni Vice. Porkchop Duo with Ketchup daw ang tawag sakanilang tatlo ni Vhong at Billy. Ang kukulit nila.

"Oh, K! Anong ginagawa mo jan sa labas ng dressing room? Bakit mag isa ka lang?" tanong ni Vhong, kasama niya sila Billy at Vice.

"Mag-isa naman talaga ako ngayon, wala si Anne at Coleen." namimilosopo na sagot ko. Absent kasi silang dalawa. Natawa naman si Billy at Vhong. Si Vice naman nagte-text, hindi niya siguro narinig yung sinabi ko. I don't know why pero I always like to impress him with my jokes kahit na sinasabi niya na waley yung mga jokes ko. There was this one time when I called him just to tell him the joke I made, tawang tawa siya sakin. Akala ko sa joke siya natawa, sakin pala. Sabi niya. "Tinawagan mo talaga ako para sa joke mo na yan, K?" Haha, hearing him laugh makes me feel good, lalo na pag ako yung dahilan. Ang sarap sa feeling.

--

Pagkatapos ng Showtime, niyaya ko sila mag merienda, my treat. Wala naman kasi ako gagawin today tsaka gusto ko sila maka-bonding. Kaya lang sila Vhong, Billy at Vice lang pwede, yung iba kasi busy daw. 

"Anong meron today K? Bakit naisipan mo manlibre?" tanong ni Billy habang kumakain.

"May discount card ka 'no? O kaya cash coupon?" pangaasar sakin ni Vice. Lagi kasi niya akong inaasar na kuripot daw ako. Kahit mga friends ko sinasabi na kuripot ako. Haha, totoo yun. Pero not this time, it's really my treat and I'm paying for them. 

Kung Ako Na Lang Sana | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon