Chapter 8

4.7K 105 8
                                    

Chapter 8

It's Monday again. Ang bilis ng araw. Ang bilis ng mga pangyayari. Ayoko pang pumasok sa Showtime pero nandito na ako sa dressing room. I haven't talked to Vice since nung hinatid niya ako. I've been texting and calling him pero hindi naman siya nagrereply tsaka hindi niya sinasagot mga tawag ko. "Ano ba 'tong gulo na pinasok mo Karylle." I rubbed my face sa sobrang inis habang nakatingin sa salamin ng vanity table.

Galit ba siya sakin kaya hindi niya sinasagot mga tawag ko? Baka naman busy lang siya. Tuwing naalala ko yung nangyari, hindi ko mapigilan mapangiti pero at the same time nagugulohan ako. It's wrong to think about him. It's wrong to think about what happened. Hindi pwede. Mali yun Karylle. Mali. He kissed me first. Ibig sabihin ba nun.. No, don't assume Karylle.

"Karylle, bakit nandyan ka pa? Magsstart na tayo!" nagulat naman ako kay Anne na bigla na lang binuksan ang pinto.

"Ah.. Cge, papunta na ko. Si Vice ba nandyan na?"

"Oo, kasama nila Billy at Vhong." oh shoot. Nandito siya. Paano ba 'to? Just act normal Karylle. You can talk to him after the show. Apologize for what happened maybe?

"Huyyy Girl!" natauhan naman ako bigla ng bigla akong tawagin ni Anne na nakasilip pa rin pala sa pinto ko.

"Tara na!" sabi niya sakin. Tumayo naman ako at naglakad na palabas ng dressing room.

"Nandito na pala kayo, kumpleto na tayo! Tara!" sabi ni Billy at pumunta na kami sa backstage. Nasaan si Vice? I thought he was with them.

"Billy, si Vice?" tanong ko habang hinihintay na namin tawagin kami ni Eruption.

"Nag cr lang yun." sagot niya.

"Aaaaanne Curtis!"

"Billyyyyy Crawford!"

"Kaaaaaarylle!"

"Vhonggg Navarro!"

"Kim Atienza!"

"Jugs & Teddy!"

"Ryan Bang & Coleen Garcia!"

"Aaaaand the Unkabogable... VICEEEE GANDAAAAA!"

Napalingon naman ako kung nasaan si Vice at nagulat. He looks so different today. Sobrang kapal ng make-up niya at talong talo pa si Anne dahil sa red lipstick niya. Nakasuot din siya ng white cropped shirt na Hello Kitty na may black na tank top sa loob and very short black shorts and high heels. And his hairstyle.. pinakulot ang bangs. Walang bahid na kalalakihan at all. Vice Ganda siya today. Girl na girl. Baklang bakla.

After ng opening pumunta na kaming lahat sa stage at nag beso beso ang mga co-hosts. Nag beso ako kay Kuya Kim at Ryan. Lalapitan ko na sana si Vice kaso bigla siyang inakbayan ni Anne. I just stood next to him.

"Magandang tanghali sainyo madlang people!" naghiyawan naman ang mga audience sa studio. Nasa right side lang ako ni Vice pero hindi niya pa ako pinapansin. Hindi naman siya ganito dati eh. Usually kinakausap niya ko habang hindi niya pa turn para basahin yung spiels niya. He would grab my waist and pull me closer to him and he would whisper stuff in my ear. Pero hindi na ganun ngayon. Si Anne ang mas kinakausap niya at nakahawak siya sa bewang nito. That should be me.

"Happy Monday sainyong lahat! Monday na Monday at ang lakas ng energy ng ating madlang people 'no Kuys?" sabi ni Billy.

"Oo nga eh, lakas ng energy. Si Jhong mukhang pagod pa sa party eh!" tumingin naman kaming lahat kay Jhong at natawa naman siya.

Kung Ako Na Lang Sana | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon