Chapter 5

5.8K 84 12
                                    

Chapter 5

Sleepless nights. My body clock is pretty screwed lately. Ewan ko ba, I'm always tired naman from work pero pag dating sa gabi, hirap naman ako makatulog. Ang active active ng utak ko. Ang dami dami kong iniisip. I'm excited for Cinderella. Ilang tulog na lang, nakakakaba. Nakakakaba in a good way? I'm gonna start giving out free tickets bukas sa Showtime. Nakakaflatter kasi manonood din yung mga co-hosts ko, sila Vhong, Billy, Kuya Kim, Anne, Ryan at si.. Vice. Haaaay, Vice. 

I've been trying to avoid him lately. I don't know why pero I kinda feel uncomfortable pag kasama ko siya. Don't get me wrong, sobrang saya niya kayang kasama. Pero lately kasi parang may iba. Ewan. Magulo e. Basta medyo naiilang ako. Ang weird nga e. 

*BUZZ!* 

Oh, a text message from Vice. Great. Just great. 

"Kurba, okay ka lang ba? Parang wala ka sa sarili mo lately e. Tsaka parang iniiwasan mo ko? What's wrong? Nag away ba kayo ni Yael? You can tell me anything." 

This is one of the things I love about him. He cares about his friends, as in napakaalaga niya. 

"Ang dami mo naman tanong. Haha, oo I'm fine tsaka walang problema. Okay na okay kami ni Yael. Nothing to worry about :)" 

I know pag sinabi ko na may problema di niya ako tatantanan so I lied na lang. I didn't exactly lie, I mean I don't even know kung ano yung problema e. 

"That's good to hear. :) Bakit gising ka pa? May Showtime pa bukas ah! Hindi ka rin ba makatulog?"

"Hindi e. Sirang sira na nga body clock ko e. Ikaw? Bakit gising ka pa?"

"Kasi hindi pa ako inaantok. Haha. Nanonood kasi ako kasama ng mga beks. Daya nga eh, tinulugan ako ng iba. Kami na lang ni Buern ang gising. Punta ka dito! Chos. Hindi, gabi na. Matulog ka na lang." 

Yan din ang mahirap kay Vice e, palabiro. Hindi ko malaman kung seryoso ba talaga siya kasi lagi siya nagjo-joke.

"Puyatera ka talaga. Kaya hindi nawawala yang pimples mo e. Sleep early Vice. :P" 

"Haha, forever na yan nandyan. Tsaka kahit ganito itsura ko, madami naghahabol na players 'no. Hahaha. Ang ganda ko! Shet."

Tsk tsk, ay nako Vice. 

"Players ba talaga o cheerleaders? Balita ko pinagtitilian ka din ng mga girls sa FEU ah? Team VicePogi pa rin ako! Haha"

"Nakakaloka nga e. Sayang papaganda ko. Badtrip."

"Haha. Tanggapin mo na kasi! Na pogi ka :P"

I love teasing him, lalo na pag usapang pogi siya at habulin ng girls. Diring diri na naman siya for sure.

Kung Ako Na Lang Sana | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon