[ 24.1 ] Wake Up

88.8K 773 47
                                    

Now a published book under Life Is Beautiful Printing Corp. Tagalog. Now available in all bookstores nationwide! :)

Book 1 is 128 pages. :) P99.75 only!

Book 2 is 256 pages. P129.75 only.

Book 3 is 104 pages. P99.75 only.

Book 4 is 160 pages. P109.75 only.

Book 5 is 160 pages. P109.75 only.

Join the facebook group: http://www.facebook.com/groups/AineTan/

Follow me on twitter and Instagram: @JeraldineTanL

COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp.

----------------------------------------

(Reposted again using the unedited version. Buy a copy of the book to read the edited version. The book version is different from the Wattpad version.)

Chapter 24.1: Wake Up

Jin's POV

Natapos na din kami sa exams. Mahirap pero kinaya naman kahit papano. Alam ko naman na mapapasa ko yun pero hindi ko lang sure kung talagang matataas yung magiging scores ko.

Nandito ako ngayon sa car. Papunta kaming airport ngayon dahil susunduin namin sina Mommy. Nasabi ko na ba na may car na din ako? Yun yung gift sakin nina mommy nung birthday ko pero hindi pa ako marunong magdrive kaya hindi ko din magamit. Pero ngayon, yung car ko yung ginamit at si kuya lang yung nagdadrive. Traffic din ngayon. Wala akong magawa dito. Matawagan nga si Gab.

"Honey!" 

[ oh? ]

"Wala sa mood? Sige babye na nga."

[ Hindi. Asar kasi tong si Steven e ]

"Bakit? Ano meron kay Steven? Ang ingay dyan ah? Asan ka ba?"

[ Bar. Nangchichicks kaxjrslydyclxkdlg ]

"ha?"

Bigla naman naputol yung tawag. Nanchichicks?! Sila?! Grabe talaga yung mga yun. 

*1 new message*

From: fiancee 

Si Steven yung nangchichicks hindi ako. Ikaw lang yung nagiisang chick ko.

KYAAAAAAH! Bakit ako kinikilg? :"> badtrip naman to oh. Naaasar ako kanina tapos bigla akong pinakilig. Mareplyan nga.

To: fiancee 

Talagang may ganun? Haha! Sige po ingat ka ;)

Then send. And at last, after 1,000,000 years, nandito na kami sa airport. Joke lang. 2 hours lang naman. Haha! Hinihintay na lang naming yung arrival ng plane naming ngayon. Excited na ako makita sina Mommy and Daddy. Hindi rin naman nagtagal at nakita ko na sila. Tumakbo ako papunta sa kanila and I hugged them.

Game of Love [ PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon