Six

2.5K 35 0
                                    

It's a rainy day here in CDO. I don't even know if there's a storm or not, I just hope that the heavy rain drops will stop now. It's the first day of November and we are here at the cemetery, visiting my Lolo, Lola and Tita Maxine, the mother of Kuya Sky graves.

"Dad, can I go home now? Ang lakas ng ulan!" Sabi ko kay Daddy, at tumingala sa madilim na kalangitan. It's still three in the afternoon yet masyado ng madilim dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Umiling si Daddy at kinuha ang mga white roses na nakababad sa vase. "Nope. Sabay-sabay tayong uuwi, malakas ang ulan at baka kung mapaano ka pa."

I nodded. Napayakap ako sa aking sarili ng biglang umihip ng malakas ang hangin kasabay ng buhos ng ulan. My god! Nakakatakot talaga ang ganitong pag-uulan. Sana naman ay huwag bahain!

"Here."

Napatingin ako kay Eion, na naglalahad ng jacket sakin. Feeling ko kahit na malamig ay nag-iinit ang buong katawan ko lalo na ang pisngi ko. Gosh! Ang lakas talaga ng epekto sakin ni Eion.

Tinanggap ko iyon at sinuot. "Thanks!" I smiled at him.

Amoy na amoy ko ang bango ng jacket niya. Feeling ko tuloy, yakap yakap narin ako ni Eion, kumakapit sa katawan ko ang amoy ng jacket niya.

Umupo siya sa tabi ko at umiling. "Hindi ko kasi malaman sayo, kung bakit ganyang ang isinuot mo, Ice. You're going to the cemetery not in a club!"

I pouted. Is he scolding me?

Napatingin ako sa suot kong high waisted short at crop top. Wala namang mali sa suot kong damit, hindi nga nagalit si Daddy kanina ng makita niya ang damit ko. Tska comfortable ako sa suot ko, hindi ko lang talaga alam na uulan ng ganito kalakas kaya hindi ako nakapag dala ng sarili kong jacket.

"My clothes are perfectly fine, Eion. You are so very conservative, though." Natatawa kong sabi.

I heard him tsk. He took his cellphone at parang meron siyang tinetext. Sino kaya ang tinext niya? Masama kaya kung tanungin ko siya? Well, I think is bad. It his privacy then. So, I will back off.

Well, Eion got stranded here in our families grave. May ibinigay siya kay Daddy, then nag sindi siya ng kandila para sa aming Lola at Lolo at para narin kay Tita Maxine na ninang niya. Nanahimik na lang ako habang siya ay busy sa cellphone niya.

"Ice, you skipped our lunch. Please, kumain kana muna!" Ani Kuya Sky at inabot sakin ang paper bag na mayroong pagkain na pina take out sa isang restaurant.

I pouted. Hindi pa ako nagugutom. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako ginugutom hanggang ngayon, alas tres na ng hapon pero hindi pa ako kumakain ng lunch. Well, heavy meals kasi ang kinain ko ng breakfast kaya siguro ganon.

"No, Kuya! Hindi pa ako ginugutom." Iling ko.

Sumulyap sakin si Eion na nakakunot ang noo.

"What the hell, Ice? Ang huling kain mo ay kanina pang eight in the morning!" Iritang sabi ni Kuya.

Napatingin narin sakin pati si Daddy, pinag taasan na ako ni Eion ng kilay.

Eh sa hindi pa ako ginugutom!

"Hindi ka pa nakain?" Kunot noong tanong ni Eion. Inilingan ko lang siya. I heard him tsk-ed.

"Don't tell me? You're on a diet now?" My kuya said in  a sarcastic tone and arched an eyebrow to me.

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon