Nagsisimula na ngayong araw ang second semester. Aligaga ako kasi naman busy ang faculty at registrar. Hindi tuloy ako maasikaso! Alam na ngang ngayon lang ako mag eenroll eh. So, ako pa dapat ang mag aadjust ngayon? Nakakainis!
Hahahaha joke lang iyon sempre! Ilang oras na akong nakapila dito sa cashier, dahil tulad ko madami pa palang hindi nakakapag enroll. Dahilan nila? Napasarap sa isa't kalahating linggo ng bakasyon.
"Pormado ha?" Biro ko sa kay Eion.
Ngumiti siya at pinasadahan ang buhok ng kanyang palad. "Sempre. Ngayon ko ulit tatanungin si Klare, I'm sure this time papayag na siya."
Alam kong naglaho ang ngiti sa aking mukha. Halatang kampante siya sa sagot niyang iyon. Kapag naging sila ngayon, kapag naging official na sila ngayon, paano na ako? Patuloy ko nalang bang mamahalin si Eion ng patago? O kung sabihin ko na kaya sakanya ngayon ang tunay kong nararamdaman, mapipigilan ko ba siya sa pagtatapat niya sa kay Klare Montefalco na iyon?
Nabalik ako sa reyalidad ng bigla akong sikuhin ni Eion sa tagiliran. Sinimangutan ko siya sa kanyang ginawa. Usong mangulbit kasi!
"Nililipad na naman ng hangin yang utak mo, Ice! Iwanan na muna kita ha? Kaya muna ba? Mag babayad ka nalang naman, right?" Ngiti niya.
No, Eion. Huwag mo akong iwan. Hindi ko kayang mahiwalay sayo!
Pero bigo kong masabi. Wala akong lakas ng loob kaya ngumiti ako at tumango.
"Oo naman, tingin mo sakin? Six years old kid? Hahaha! Sige na umalis kana! Teka pala, san ka?"
He lip bite. "Kukunin ko yung pina arranged kong bulaklak para kay Klare. Sige, kita tayo mamaya, Ice. Wish me luck!"
Kumaway ako at nag simula na siyang pumihit paalis. I sighed ng mawala na siya sa paningin ko. I shook my head! Kahit ano pang kalabasan ng mangyayari ngayon, kailangan kong tanggapin. Kababata at espesyal para sakin si Eion. Kaya dapat lang na suportahan ko siya sa kung anuman ang gustuhin niya. Kahit na masakit ang kalabasan nito, kailangan kong maging masaya para sa kanilang dalawa. I am not against to that Klare Montefalco!
"Bakit hindi mo aminin kay Sarmiento na meron kang gusto sakanya?"
Napaawang ang bibig ko ng bigla itong sabihin ng isang matangkad at morenong lalaki sakin. Sino ba ito? At anong sinasabi niya?
Tinaasan ko siya ng kilay! "Sino ka ba at anong problema mo?!"
He just smirked. Inaawat siya sa kung anumang sasabihin niya sakin ng isang petite at matangkad din na babae. Kahanay ko sila sa pila dito sa cashier!
"Ay sorry dito sa pinsan ko! Matabil lang talaga ang dila nito." Hinging paumanhin ng petite na babae sakin.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]
Ficción GeneralIcelyn Stewart or also known as Ice, is secretly in love with his childhood friend named Eion. She confessed her feelings towards Eion. But Eion, on the other hand, is deeply in love with another girl. Written by: PinayKimchii xx UNEDITED