Twenty Nine

3.4K 39 1
                                    

"Anak, ito na 'yong ticket mo pabalik ng Cagayan." Inabot sakin ni Mommy ang ticket na pinadala ni Daddy para sakin.

I smiled to her. "You take care, Mom." Sabi ko.

Tumango siya at di maaalis ang nag-aalala niyang mukha sakin. "Are you sure, you want to go back there? Pwede mo namang sawayin ang Daddy mo. Akong bahala sa psychotic na 'yon. You look stressed! Isang linggo kanang mukhang stressed. Hindi mo man lang sinasabi sakin ang dahilan, maski kay Wade.. nag-aalala din ang isang 'yon." Litanya ni Mom.

Umiling ako sa sinabi niya. Alam ko at halatang nag-aalala sakin si Mommy. Pero siguro mas okay na muna sa ngayon ito, ang umalis ako ng Maynila habang nandito si Eion kasama ang mag-anak niya. Masyadong maliit para samin ang lugar kung saan parehas kami ng tinatapakan. Kailangan ko munang lumayo sakanila. Sa sakit na nararamdaman ko. Yes! Until now, I still loved him. Hindi naman ako makakaramdam ng sakit kung hindi ko pa mahal diba? Pero ngayon, I'm matured enough. Alam ko na ang tama at mali. Tama ang gagawin kong pag-alis at pagbalik sa Cagayan, habang nandito sila. At mali na ipilit ko ang sarili ko sa taong may iba ng pamilya. Kailangan itatak ko sa isip at puso ko na hindi kailanman magiging akin ang taong mahal na mahal ko.

Isang linggo ko ng pilit inaalis sa isipan ko ang mga nakita ko. Isang linggo narin akong stressed at hindi nakakapag isip masyado. May writer's block na naman ako! At alam kong hindi ito maganda. Nag-uumpisa na ang career ko sa kompanya ni Wade at masasabi kong maganda ang progress ng kwento ko sakanila. Pero alam kong naglilihim na naman ako sa kaibigan ko. Hindi ko sinasabi sakanya ang tungkol kay Eion. Wala akong sinasabihan. Dahilan, ay dahil seven years ago, siya ang dahilan kung bakit ako bagsak at hirap maka-ahon. Tapos ngayon, after seven years. Siya parin ang dahilan ko. Nakaka-gago, hindi ba? Masyado akong apektado dahil mahal ko pa!

Hindi ako mahalaga kay Eion. Siguro kaya gusto niya akong maka-usap noong unang kita namin sa Empire ay gusto niyang ipaalam sakin na asawa niya na ang kaibigan ko. Para ano pa? Para masaktan ako? Sa mismong harap na naman niya? Hindi pa ba sapat na iniwanan niya na ako noon mag-isa at wala man lang paalam? Noong nagkita nga kami sa Empire ni hindi niya na ako hinabol pa. Ni hindi niya na ako tangkain na hanapin pa. Tsss.

"Understanding po si Wade, tiyak maiintindihan niya ako. Tutal ay dalawang linggo po ang hiningi ko sakanya para makapag-unwind ako. After po nito, babalik ako sa company niya at tutuparin ko ang pangarap ko at obligasyon ko." Sabi ko.

Tumango siya at hinaplos ang aking pisngi. "Hindi ka man nagku-kwento pero naiintindihan kita. Sana pagka-uwi mo galing Cagayan, ay bumalik kana sa dati. Hanapin mo ang sarili mo doon tutal naman ay ang lugar na iyon ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan. I'm always here for you anak."

Hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha sa sinabi ni Mommy. "Salamat, 'my." At niyakap ko siya.

"You need a closure, Ice. Kapag nakuha mo iyon? Bubuti na iyang pakiramdam mo. Basta bumalik ka lang ulit sakin dito." Aniya pa.

Do I need a closure? Kaya ko kaya? Let's see.

Hinatid ako ni Mommy hanggang airport. "Take care of yourself there, Ice. Masyadong workaholic ang tatay mong psychotic at baka mapabayaan ka dun! Don't disturb your Kuya Sky, may sarili na 'yong pamilya. Kung hindi ka maasikaso ng ama mong magaling, go back here! Ayokong napapabayaan ka." Bilin ni Mommy kaya wala akong magawa kung hindi tumango ng tumango.

"I will Mom. Sige na po, aalis na ako. Two weeks lang naman po ako doon. Take care din po, I love you 'my." Niyakap ko siya ulit at hinalikan sa pisngi. She did the same kaya tumuloy na ako sa loob.

Nakakatawang isipin na matapos ang pitong taon ay nagbabalik ako sa lugar kung saan saksi lahat ang hirap na dinanas ko. Kung noon ay excited akong magpunta dito dahil sakanya, ngayon ay hindi na. Natanaw ko sa di kalayuan ang matagal ko ng taong hindi nakikita. Nakasuot ito ng aviators. Damn! I miss this guy.

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon