Thirteen

2.1K 37 1
                                    

It's my third year now in college. Busy ako sa mga subjects ko dahil puro major na at full loads din. Well, sinadya ko talagang maging busy ako. Iniiwasan ko na kasi ang isipin si Eion and his girl. Okay, I'm trying to moved on here kahit na hindi naman naging kami! Sempre, kahit crush, basta minahal mo lang yan na hindi naging kayo. Uso na ang salitang move on.

"Pakopyang assignment!" Biglang sabi ni Rain at inilapag sa lamesa ang kanyang bag at mga dalang books. Nakasimangot siyang umupo!

Anong problema ng babaitang 'to?

"Problem?" Takang tanong ko.

Mas lalo siyang sumimangot. "Ice! Huhuhuhu! Galit si Storm sakin..." Bigla siyang overacting na umiyak.

Natawa naman ako sa naging reaction niya. "Huh? Bakit naman? Siguro kinain mo na naman ang dapat na lunch niya no?"

She pouted then nodded. Kaya mas lalo akong natawa. Nawala naman ang simangot sa mukha niya at napalitan ng amusement. "You laughed! Oh my god." Nanlaki pa ang mga mata niya.

"Tss. Oa mo!" Umiling ako at itinuon ko ulit ang pansin sa ginagawa kong assignment sa Advertising.

She smiled na parang wala ulit problema. "This past few weeks kasi, bihira lang kitang makita na tumawa o ngumiti. And now? You're back!"

"Ganoon ba 'yon? Parang hindi naman." Natatawa ko paring sabi.

Nagulat ako ng biglang iniligpit ni Rain ang mga gamit ko. "Huy! Anong ginagawa mo? Gumagawa ako ng assignment.."

Umiling siya at tumayo. "Mall tayo! My treat.. bilis!" Tska niya ako hinila palabas ng school.

"Rain, pwede naman tayong mag mall after class! Nagawa pa ako ng assignment dun. May long quiz pa tayo mamaya sa lit." Sabi ko.

Umiling si Rain at ngumisi. "Ito talagang si GC oh. Okay lang yan! Ngayon lang naman, tska consistent top one ka parin naman sa dean lister kaya chill ka lang!" I sigh. Galing talagang b.i nitong si Rain oh.

Pumara siya ng jeep pa Limketkai, tska wala akong nagawa kung hindi sumunod sakanyang sumakay ng jeep. Ng makaupo ako sa jeep, nakita ko pa ang kotse ni Rafael Montefalco na papasok ng school. Sumilip ako sa bintana na sana hindi ko nalang ginawa. Nakababa kasi ang kanyang salamin ng bintana sa tabi niya at kunot noong nakatingin saming dalawa ni Rain.

Tumawa si Rain sa tabi ko. "Lagot! Nakita tayo ni Kuya Raf. Sana lang huwag akong isumbong nito kay Papa at Mama mamaya." Aniya habang nakatanaw sa kotse ni Rafael.

Umiling ako sa kanyang sinabi. Gagawa-gawa siya ng kalokohan. Takot din pala sa parents niya! Kumuha ako ng barya sa coin purse ko at inaabot yun sa katabi kong hindi ko kilala. "Makikiabot po! Dalawa, estudyante. Sa limketkai lang po." Sabi ko.

Humilig sakin si Rain at kinurot ang pisngi ko. "Wow! Nilibre niya akong pamasahe. Don't worry, treat ko na ang foods natin later."

Pabiro akong umirap. "Dapat lang no! Bayaran mo ang araw ko ngayon."

My cellphone vibrated. And I saw one text messages from an unknown number.

Unknown number: Do you skip your class with my cousin? Where are you going?

Kumalabog ang puso ko. Nag type ako ng text message sa unknown number na iyon.

Unknown number: Is that Rafael Montefalco?

Sana naman mali ang hula ko. Kasi kung tama. Siya pala ang matagal ng nagtetext sakin pero hindi ko sine-save ang number niya. Hindi naman kasi nag papakilala! Hindi naman ako manghuhula.

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon