Twenty Two

2.1K 27 0
                                    

"Finally, konting kembot nalang. Ga-graduate na tayo!" Ani Storm sabay akbay kay Rain.

Ngumisi at tumango ako sakanyang sinabi. Tama siya at malapit na kaming grumaduate! Konting paghihirap nalang at sasabak na kami sa totoong mundo.

Pabiro naman akong siniko ni Rain at may nakakalokong ngiti. "And you're the Magna Cumlaude! The best talaga, mayroon tayong kaibigan na magiging Magna Cumlaude."

Umiling ako at tinawanan siya. She's right! Dahil kanina ay pinatawag ako ng Dean at kahit na kakaumpisa pa lang ng klase noong lunes, sinabihan niya na ako ang running for the Magna Cumlaude sa Course ko. And I'm proud of myself! Pangarap ko iyon noon pa. Kaya ako naghihirap mag-aral para sa titulong iyon. Well, elementary at highschool palang naman ay lagi na akong Valedictorian. Sana ay ako ang maging Magna Cumlaude sa darating na Graduation. I'm sure, Mommy and Daddy even Kuya Sky, and Eion will so proud of me. Kahit na party girl ako sa Manila, total achiever naman ako. Kahit na I'm fond of Eion and sometimes I went to differents bar here in Cagayan, alam ko sa sarili ko na hindi ako nagpapabaya saking pag-aaral. I treasure my study. For my parents, for Eion and for my future.

"Sinabi mo pa! Consistent ang pagiging top mo sa dean lister, Ice." Sabi pa ni Storm.

Tumawa ako. "Sempre naman no! Kailangan eh."

"Dahil diyan, sagot mo ang lunch naming tatlo ha?" Nakangising sambit ni Thunder habang naka-akbay kay Sarah, yung bago niyang girlfriend.

"Kuripot mo, Thunder volts! Ikaw manlibre diyan, mag pasikat ka naman sa girlfriend mo." Pang-uuyam ko.

He glared at me but I stock my tongue to him. But he smiled again. "Tss! Lakas mo talaga sakin, oo na!" Sabi niya sa naiinis pero may bahid ng ngiti na sabi niya.

"Yes!" Natatawa kong sabi with matching hand gestures pa.

It's friday today, nakakatuwa at sobrang plain at saya lang naming apat na magkakaibigan. Hindi pa naman regular ang klase dahil kakaumpisa pa lang ng first semester at marami pa ang nag-eenroll. Nakakatuwa din at parang wala silang problema na pinapasan, well bakit pa nga sila mamomroblema? Mukha namang masaya si Thunder sa bago niyang girlfriend, sweet and okay as always naman si Storm at Rain kahit na walang level ang relasyon nila. Ako nga lang itong walang boyfriend na kasama, grumaduate na kasi si Eion last year at kahit naman nandito iyon, hindi naman siya sasama samin o kahit sakin dito sa loob ng school.

"Where's Eion?" Tanong ni Rain habang kumakain kami sa canteen.

It's lunch break at tulad ng sinabi ko kanina ay si Thunder ang nanlibre saming apat. Bigtime!

"Nasakanila, malamang." Sagot ko habang kumakain ng beef caldereta. Sarap talaga!

"Hay! Ang pilosopo niya po nu?" She sarcastically said.

I laugh. "Joke! I don't know, busy siya sa pagte-train ng bagong player I guess." Then I shrug my shoulder.

Tumango-tango naman siya na parang alam niya ang sinasabi ko. Tahimik lang si Storm, Thunder at Sarah habang kumakain. Kami lang ni Rain ang nag-uusap! Madalas naman kaming ganito ni Rain kapag nasa hapag at kumakain, may kasamang kwentuhan.

"Hindi ko na siya nakikita dito sa school eh." Aniya ng nagpakunot ng noo ko.

"What do you mean?" Tumigil ako sa pagsubo.

Bahagya pa siyang nagulat sa tanong ko pero nakabawi din. Batid ko na ang atensyon ng dalawa kong lalaking kaibigan ang atensyon saming dalawa ni Rain.

"Uh, lagi ko kasi siyang nakikita dito sa loob ng school. Actually, akala ko ikaw ang pinupuntahan niya. Hindi mo ba alam?" Alinlangan niyang sabi.

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon