20. Samaniego, Icelyn Stewart D. (87.34% -2.00)
Damn! Is this really happening to me? Pumikit ako ng hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Naramdaman ko nalang ang kamay ni Rain saking balikat.
"Ice...." The sympathetic tone of her voice is killing me.
Inalis ko ang kamay niya sa aking balikat at tumakbo paalis. I heard that she's calling me pero hindi ko na iyon pinansin pa. Ang mahalaga ay makaalis ako sa lugar na iyon. Hindi ko matanggap na lumagapak ako sa pinaka-baba. Dahil sa kawalan ko ng focus. Nawala ako sa pagiging top natcher. Damn! Paano ko ipapaliwanag ito kala Daddy? Umasa akong kahit hanggang top five ay mapapasama ako pero hindi. Wala ako! Nasa top twenty ang pangalan ko. Nasa pinaka dulo. Hindi ko matanggap! Noong unang pasok ko naman dito sa XAVIER ay naka-abot ako ng top eleven, hindi 'yon masama lalo na't late enrollees ako noon. But now? I'm in the top twenty. The running for the Magna Cumlaude is top twenty? Nagpapatawa ba kayo?! This can't be.
I dialled Eion's number.
Siya ang mas nakakakilala sa akin. Siya ang mas kailangan ko ngayon. Pero bigo akong matawagan siya. Hindi ko siya macontact. Nasaan kana ba kasi, Eion?! Parang ulan ang mga luha ko. Ayaw nitong tumigil sa pag-agos. Batid ko ang tingin at bulungan ng mg kapwa ko estudyante pero wala akong pakialam sakanila. All I need is Eion. Siya lang ang makakaintindi sa kalagayan ko ngayon. Lumabas ako ng school at pumara ng taxi. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang ay makalayo sa school. I'm sure madidisspoint ko sina Mommy, si Daddy at si Kuya Sky kapag nalaman nila ang naging resulta ng Dean Lister.
"Miss, saan ho tayo?" Tanong ng driver.
"Just drive." Walang gana kong sagot.
Ilang oras ang naging biyahe ng bumaba ako ng taxi. Iyak lang ako ng iyak. Dinala nalang ako ng paa ko sa burol. Kung saan kami nagpupunta ni Eion sa t'wing gusto naming kumain, sa t'wing gusto naming tumambay at magpahangin. Walang katao-tao sa lugar na ito. Tanging mga puno at ibon lamang ang narito. Umupo ako sa madalas naming upuan ni Eion. Umupo ako doon at umiyak ng umiyak. Wala akong magawa kung hindi ay ang umiyak lamang.
Hindi ko alam na sobrang masasaktan ako sa resulta ng DL. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. At ang tanging lalaki pa na inaasahang tutulong at dadamay sakin ay hindi ko mahagilap. I smiled bitterly! Tangina. Bakit ko pa ba aasahan si Eion? E isang buwan na nga siyang walang paramdam sakin.
Inaamin ko naman na nawala ako sa focus, lalo na't pagdating sa pag-aaral ko. Pero hindi ko naman inaasahan na ganito kababa ang magiging resulta ng grades ko. Masyado ba akong naging abala sa pag-iisip kay Eion? Masyado ba akong nagpabaya na pati pag-aaral ko ay naaapektuhan na? Shit. Hindi ko matanggap.
Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa aking mukha at nagpatuloy sa pag-iyak. Sana pagkatapos kong iiyak lahat, makabawi ako sa mababang grades na nakuha ko at mapilit ang sarili ko na huwag munang isipin si Eion.
"Ice."
Nag-angat ako ng tingin. Mas lalo akong naiyak ng makita ko ang lalaking isang buwan kong hindi nakita. Ang lalaking isang buwan kong iniisip. Ang lalaking mahal na mahal ko. Ang lalaking naging laman ng utak at puso ko. Nakatayo sa harapan ko. Maayos at buo. Samatalang ako ay ito, lagpak.
"E-ion..." Mabilis akong tumayo at niyakap ng mahigpit ang lalaking matagal kong hindi nakita.
He is my weakness. At the same time, my strength.
Ramdam ko ang pag-yakap niya sakin pabalik. Sobra kong namiss ang taong ito na halos makalimutan ko na ang lahat. Marami akong gusto na itanong sakanya. Pero nanatili akong nakayakap sakanya. Mas isiniksik ko pa ang aking mukha sakanyang matipunong dibdib. Ayoko ng umalis mula sa pagkakayakap ko sakanya. Sa tingin ko, kapag kumalas ako ay may tyansa na naman siyang umalis ng hindi ko nalalaman.
"Hush now, baby. Tell me, why are you crying?" That voice. That husky voice. The way he call me baby. I miss them alot!
"I missed you so much. Saan ka nag punta?" Binalewala ko ang tanong niya. Gusto kong malaman kung saan at ano ang ginawa niya sa isang buwan na nawala siya.
He sigh at kumalas sa yakap. Hinawakan niya ang aking dalawang balikat at tinitigan akong mabuti.
"Sorry, I left you without a word.... I went to the place that I can think, t-that I can think.... what is right." Seryoso niyang sabi habang nakatitig sakin.
Biglang kumaba ang puso ko sa sinabi niya.
"Ice. I-I think, we need to stop this."
*
Short update.
Please, bear with the typos and grammar.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]
Ficção GeralIcelyn Stewart or also known as Ice, is secretly in love with his childhood friend named Eion. She confessed her feelings towards Eion. But Eion, on the other hand, is deeply in love with another girl. Written by: PinayKimchii xx UNEDITED