1 x

152 6 0
                                    

"Aemma naman. Wag ka na umiyak oh?" Sabi sakin ni Ysa. Ang bestfriend kong….. aalis.  :(

"Wag ka ng umalis. Please?"

Nandito kami sa Airport, kasama ng boyfriend niya. Pupunta si Ysa sa Ireland. May sakit kasi si Tita, kaya hindi niya maasikaso ung fashion line nila dun. Kaya kailangan niyang pumunta dun.

"5 months lang ako mawawala. O.A mo."  Saad niya habang natatawatawa "Babalik naman ako eh. Imposibleng hindi. Kaya wag ka na malungkot!"  Tapos kinurot ung pisngi ko.

5 months? Nila-lang niya lang un!? Maraming pwedeng mangyare sa 5 months! Paano pag nakalimutan na niyang may bestfriend pa siyang babalikan dito? At tuluyang dun na tumira?

Si Ysa lang kasi sa family niya ang nandito sa Pilipinas. Nasa Ireland na lahat sila nag migrate.

"Promise?" Uutal kong sabi. Umiiyak kasi ako.

"Promise. Di ba, Babe?" Sabay tingin niya sa Boyfriend niyang si Earl.

Tumango na lang ito sa kanya at niyakap siya mahigpit. Mejo lumayo muna ako sa kanila kasi napansin kong maguusap sila.

Kahit labag man sa loob ko, pumunta na ako sa kotse. Dito ko nalang hihitayin si Earl. Hindi naman kasi ako marunong mag drive ng kotse. Kaya kelangan ko pa siyang hintayin.

Narinig kong umalis na ung jet nila Ysa. Oo Jet nila. Private itong airport na ito. Para lang sa kanila. Mayaman kasi sila.

Binuksan na ni Earl ung driver's seat.

"Bakit jan ka nakaupo?" Naiiling niyang tanong sakin.

Naguluhan naman ako kaya tinanong ko siya. "Bakit?" 

"Dito ka na sa harap umupo."  Lalo naman ako naguluhan. Never pa kasi akong umupo dun. Kasi tuwing umaalis kami sa likod ako.

"Bakit?" Tanong ko ulit.

"Malamang! Nag mukha naman akong driver mo kung jan ka nakaupo." Hindi ko pa din siya naintindihan pero sumunod na ako sa kanya.

Hindi ko na siya kinausap pagkatapos nun. Nalulungkot pa din kasi ako, sa pagalis ni Ysa. Pano na un? Edi wala na akong kasama?

Hindi pa din kami umaalis. Si Earl kasi may kausap pa sa labas. Siguro ung mga guard nila Ysa.

Binuksan ko ung bintana pero maliit lang. Para marinig ko ung pinaguusapan nila.

"Bantayan niyo ung bahay, ha? Hindi porket wala ung amo niyo, hindi niyo na gagawin ung mga trabaho niyo." Sabi ni Earl.

"Opo, Sir."

"Mabuti na at nagkakaintindihan tayo."

Nakita kong papunta na si Earl sa sasakyan. Kaya madali kong sinara ung bintana. Makita pa niya akong nageeaves drop sa kanila.

Sumakay na siya sa driver's seat at naglagay ng seat belt ng makita kong nakatingin pala siya sakin.

Ung mga tingin niya, parang may sinasabi. Hindi ko maintindihan. Ano ba gusto niyang iparating?

Unti unting lumalapit sakin si Earl.

"A-anong gagawin mo?" Utal kong tanong. Dahil sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Ilang inch nalang yung layo namin sa isa't isa kaya napapikit na ako.

*click*

Napadilat ako sa tunog. Nakita kong lumalayo na sakin si Earl. At umayos na ng upo para mag drive.

"Hindi ka pa kasi naka-seat belt. Safety first. Baka patayin ako ng girlfriend ko paguwi nun pag nakitang may sugat ka." Nakangisi niyang sabi habang pinapaandar ung kotse.

Hindi ko alam kung panong yuko ung gagawin ko para maitago ung namumula kong mukha. Namumula ako hindi dahil kinikilig ako. Pero namumula ako dahil sa kahihiyan.

Hindi ko naman kasi inaasahan na lalapit siya ng ganon sakin. Dati kasi, mailap siya sakin. Ni-hindi nga niya ako kinakausap nuon.

Ayoko na. Wala na bang may mas ibibilis pa sa biyahe na to? Pagkakaalam ko malapit lang bahay namin dito eh!

I glanced at my watch.

5:36 pm

Ano? 6 mins palang ung nakalipas pero parang ang isang oras na ah! Bakit ang bagal ng oras? Kulang nalang lumubog na ako sa ilalim ng lupa sa sobrang kahihiyan.

Narinig kong natawa siya. "Wag ka ng mahiya. Cute ka naman eh."

Hindi ko alam pero mas lalo akong namula sa sinabi niya.

Ikaw kaya, bigyan ng compliment ng taong mahal mo? Nakakapanghina. Oh god.

Better than Words Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon