Harry isn't minding me the whole week. I keep texting and calling him pero walang sagot. Akala ko ba nanjan siya para sakin? Anong nangyare?
After that talk with Earl, I never saw him anymore. Pati si Ysa. MIA the both of them. Pero I think si Ysa nasa rest house nila sa Boracay. Yeah, she's that rich. Enough for her to get all what she wanted. Pero she knows her limits and I love that for her.
The last time harry and I talked eh nung sinabi niyang siya na ang bahala sakin from now on. Pero where is he? Ayun! Hindi ako pinapansin at kinakausap.
Kating kati na nga akong puntahan siya sa tagaytay pero I can't. First, Hindi ko alam kung saan ung bahay niya and Second, May pasok na ako.
"Earl transferred school." Halos mabingi ako sa narinig ko. For real? Bakit kelangan pa niya lumipat ng school? Pwede namang course nalang..
"Oh? Why? And where?" Curious na tanong nung babae. Why is she curious? Don't tell me type niya si Earl?! Oh- Wala na nga pala ako dapat pakielam.
Lumakad nalang ako ulit papunta sa KFC. Maglulunch ako magisa. Okay lang. Sanay na ako. Buong 1 week na akong ganito. May mga classmates nga ako na nagaattemp na sumama sakin pero ayoko. I don't feel like talking to anyone. I'm trying to distance myself as much as possible. Kasi lahat sila pwede akong saktan. And I don't want that to happen.
Papasok pa lang ako sa KFC, nakuha agad ng curly haired guy ung attention ko. Si Harry ba un? Idk if that's Harry. May tattoos kasi ung guy, and never ko pang nakita si Harry na hindi naka sweatshirt.
Pero napagisipisip ko. Nasa tagaytay un. Pano mapupunta sa Taft? Ang layo kaya.
Dumiretso nalang ako sa counter para umorder. Di ko nalang pinansin baka naghahallucinate lang ako. Sobra kasi akong stressed buong week. I need a break. First week pa lang ng klase haggard na agad ako.
After I get my order, naghanap na ako ng upuan nung mapadaan ako sa harap nung curly haired guy--- And I was right, si Harry nga iyon. Paano siya napunta dito?
Nakatingin lang ako sa kanya nung napalingon siya sakin. Gusto ko sana siyang i-approach kaso umirap siya at nagiwas ng tingin.
Okay? Umupo nalang ako dun sa kalapit na table nila. Hindi ko mapigilan malungkot. Akala ko ba siya na ang bahala sakin? Anong nangyare?
Kitang kita ko si Harry sa pwesto ko. Hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa katawan niya. Naka white shirt lang siya at bakat na bakat ung mga tattoo niya.
Bagay na bagay sa kanya ung mga tattoo niya. Ung iba kasi, pag may mga tattoo nagmumukha lang silang adik sa kanto. Pero si Harry? He looks so hot lalo na ung butterfly sa baba ng dibdib niya. He's so charming and all pero hindi ko alam na mas ggwapo pa siya kahit sa simpleng white shirt at black skinny jeans at boots niya.
Napailing nalang ako bigla. Bakit ko ba siya tinitignan? Dapat kumain na ako eh. 1 hour lang ung break ko at mahirap na kung malalate ako sa susunod kong subject lalo na't major pa un.
Tinapos ko na ung pagkain ko. Mahirap na mapagalitan ng prof. Palabas na sana ako ng KFC nung biglang may humawak sa wrist ko.
"Can we talk?" Seryosong sabi niya. Gusto kong tumawa ng sarcastic pero di ko magawa.
"Naguusap na tayo." Angil ko at hinila pabalik ang kamay ko.
"May problema ka ba?" Nagtanong pa talaga siya. Lalo tuloy sumasama ako ung loob ko sa kanya.
"Seriously you're asking me that?" Hindi ko na mapigilang hindi mainis. "Sasabihin mong nandito ka lang para sakin tapos the next day hindi mo ako papansinin."
Hinatak niya ako papunta sa kotse niya at pinaupo sa shotgun seat siya naman sa driver's. "Nanakawan ako ng cellphone." Nanlaki bigla ung mata ko. Nainis ako lalo pero hindi sa kanya kung hindi sa sarili ko. Napaka-childish ko naman pala. "Hindi kita maitext kasi hindi ko naman kabisado number mo. At hindi rin ako mahilig sa social media sites."
He brushed his hair off papunta sa likod. He looks so cute kapag ginagawa niya iyon. Pero sa ekspresyon ng mukha niya para siyang na-ffrustrate at Hindi niya alam ang gagawin.
"Sorry for being childish. Stubborn and such." Sabi ko tapos kinagat ko ung lower lip ko. Di ko nga alam kung bakit ko ginawa yon.
"Okay lang.. It's my fault. Di kita nasabihan." He smiled. Ang warm nung smile niya na parang nakakagaan ng loob.
Napailing na lang ako at sinandal ko ung ulo ko sa bintana ng kotse niya. "Bakit mo ba ako hinila dito?"
He shrugged tapos nag drive. "U-uy. May klase pa ako." Tapos pinalopalo ko pa ung lap niya.
Inirapan lang niya ako. Ugh this guy.
"Saan ba tayo pupunta?" I said habang nakatingin sa labas.
Umirap nanaman siya. Kelan pa siya natutong umirap? "Shut up."
Napa-'oh' nalang ako tapos hindi na ako nagsalita pa ulit. Bakit ba ang sungit niya ngayon? Hindi ko siya maintindihan.
BINABASA MO ANG
Better than Words
Teen Fiction"I've fallen in love. What should I do? It hurts so much but I want to keep on hurting."