8 x

51 3 4
                                    

*Poke poke*

I gently open my eyes kasi naramdaman  kong may nagpopoke sakin. Nakita ko agad si Earl na nasa harapan ko at naka-smile.

Lagi siyang nagssmile, lalo akong naiinlov- no.

"Nasan tayo?" i asked him.

"Baguio. 3 days and 2 nights tayo dito." Magrereact na sana ako kaso inunahan niya ako. "Pinagpaalam na kita kay Ate Amethyst. Pumayag siya. Kaya you don't have to worry." Buti na lang at holiday sa monday. Hindi kami makakapag skip ng class.

"Eh wala akong damit." Totoo naman. Wala akong dalang damit kasi akala ko uuwi din ako mamaya.

"Meron, kinuhaan ka naman ni Ate kanina."

Si Ate talaga. Alam niyang dito ako masaya kaya sinusuportahan ako.

Bumaba na kami sa kotse. At naglakad papasok ng hotel. Grabe, ang lamig. Hindi ko naman kasi alam na dito kami pupunta kaya nag shorts lang ako. Good thing, naka sweat shirt ako.

"What? Magkasama tayo sa isang room!?" He nodded. I can't believe him. "Bakit!?"

"Easy ka lang. 2 naman un bed eh." Natahimik naman ako dun. Buti naman. I don't like sharing bed.

We took the elavator para makapunta sa room namin. 5th floor kasi, pag naghagdan naman hindi ko kakayanin.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa room, humiga agad ako. Parang napagod ako. Nakaupo lang naman ako sa kotse.

Si Earl nga dapat ang pagod kasi siya ang nag drive.

"Nagugutom ka ba?" Tanong niya sakin habang inaayos ung gamit namin. Kaya umupo naman ako.

"Oo. Kain tayo?"

"Sige. San mo gusto?" San ko ba gusto? Kahit saan naman eh. Basta siya ang kasama ko, okay na ako. Was that so cheesy?

"May subway ba dito? I'm craving for their cookies kasi." Syempre, hindi ko sasabihin ung naisip ko kanina. Makahalata pa un. Tsk.

"Wala ata dito eh. Sa iba nalang?" I nodded. Ano ba yan. :(

"Ugh, pwede bang magpa deliver na lang tayo? Napagod kasi ako." Totoo naman. Or natagtag lang ako sa biyahe. Ang layo din naman kasi ng makati sa baguio no. "Jollibee na lang. Chicken Joy. Ha?" Tapos nagpuppy eyes ako.

"How can i resist? Oo na." Then he smiled. Kelan ba siya titigil sa smile na yan? :(

Humiga na ulit ako. I tried to sleep kaso hindi naman ako makatulog. Ang nakakainis pa, pagtapos tumawag ni Earl sa Jollibee. Naligo siya.

Eh nakatagilid ako at nakaharap sa may CR. Paglabas niya, naka towel lang siya, kaya napaikot tuloy ako. I heard him chuckle.

I should've look! Hindi ko tuloy nabilang ung abs niya- Hala ka. Ang manyak mo, Aemma. *Iling Iling*

"Pwede ka ng lumingon. Presentable na ako." Pero hindi pa din ako lumingon. Nakakahiya kasi eh.

Nagtulogtulog-an na lang ako para makalimutan ung nakakahiyang nangyare. Kasi kahit anong pikit ko, nakikita ko pa din si Earl, naka-topless. Hala!

Naramdaman kong namumula ako, kasi uminit ung pisngi ko. Grabe, paano ako nakakapagisip ng ganito? Lord, sorry po. 

Naramdaman kong humiga din si Earl sa tabi ko. Pero hindi ko pinansin, kunwari ngang tulog ako diba?

"Wag ka na ngang magtulogtulog-an." Kaya napadilat ako. Err.

And the next thing I knew. We're cuddling.

Naka back hug siya sakin. Inaamoy niya ung buhok ko tapos ipapatong niya ung ulo niya sa balikat ko. Minsan kinikiss pa niya ung leeg ko.

I can't barely move. Nakatuon lang ung tingin ko sa tv. Amoy na amoy ko siya. Hindi ung amoy panglalaki, amoy baby.

"Ang bango mo/ Bango mo naman." Sabay namin sabi. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Ganito ba talaga ang feeling kapag kasama mo ang taong mahal mo? Sana hindi na matapos to.

He started to kiss my neck again. Kaya nakiliti naman ako.

"Uy, haha. Nakikiliti ako. Haha." Pero parang wala siyang narinig kasi tuloy lang siya sa ginagawa niya.

Kaya humarap ako sa kanya at kiniliti ko siya sa tagiliran niya. Ang cute no? Ka-lalaking tao may kiliti.

"Ok. I give up." Sabi niya habang tumatawa. Ang saya niya tignan. Kaya pati ako sumasaya.

I didn't bother answering him back kasi may kumatok. Siguro yun na ung order namin sa jollibee.

And I was right. Binayaran na ni Earl ung order namin then we started eating.

Buong 30 mins. na kumakain kami, nakatingin lang ako sa kanya. (Of course, pati sa chicken joy ko. He he) Ganito ba ung sinasabi niya nung nag mall kami last time? Makita ko lang siyang masaya kumakain, masaya na din ako?

"Why?" I just shrug then look away. There's no way na sasabihin ko sa kanya un. Baka isipin pa niya na easy to get ako.

After we eat, humiga ulit ako. Narinig ko pang nagsasalita so Earl kaso I'm so sleepy na.

"Hay, Hindi pa nadi-digest ung kinain mo matutulog ka na?" Then something soft touches my forehead. "Goodnight, baby. I love you."

Better than Words Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon