"Anong ginagawa natin dito?" I ask Harry. Hindi ako umattend ng Major class ko para lang samahan ko siya?
Hinatak lang niya ako papasok nung restaurant. Nakaka intimidate, kasi lahat ng tao sa loob naka formal na damit. Kami lang ni Harry ang naka casual lang.
Huminto kami sa harap ng isang babae. Mas lalo akong nahiya sa suot ko. Simpleng skater skirt lang naman, crop top at chucks lang ang suot ko. Pero ung babae, isang magandang dress at naka pumps. Ang ganda pa niya at bagay na bagay sa kanya ung make up niya.
Lumingon samin ung babae at biglang ngumiti Kay Harry. Akma siyang makikipag beso pero lumayo bigla si Harry. "Don't touch me." At umirap siya.
"Girlfriend ko." Hinatak niya ako papalapit sa kanya at inakbayan. "Tigilan mo na ako."
Lumabas na kami sa restaurant kaya kinurot ko siya sa tagiliran. "Ikaw, ang bastos mo talaga ano?"
"I don't like her, that's why." Inalis niya na ung pagkakaakbay niya sakin. Saka anong girlfriend? Hindi pa ako ready at wala pa sa bukabolaryo ko un. "Yaan mo, babalik na din naman un sa england, kaya hindi na natin kelangan pang magpanggap."
"Nabasa mo iniisip ko?"
Umiling siya. "Sa ichura mo palang." Ohh.
"Let's watch, tfios?" Nanlaki ng literal ung mata ko.
"Alam mo un?" Amaze na amaze Kong sabi. Nag nod siya. "Nabasa mo na?" Nag nod ulit siya.
Oh my god. For real? Nag babasa ng libro ang katulad niya?
Ginulo niya ung buhok ko, "Napaka transparent mo talaga. Oo nagbabasa ako ng libro. May masama ba run?" Natatawa niyang sabi.
"Wala naman, I find it cute pa nga eh." Pagamin ko. Totoo naman, bihira nalang ang mga lalaki ngayon na nagbabasa ng libro. Kadalasan puro Dota.
Huminto si Harry kaya napahinto din ako.
"What's wrong?" He just shrugged. Kaya napatingin ako sa tinitignan niya.
Halos manlambot ako sa nakita ko.. Buti nalang at nahawakan ako ni Harry. Magkasama pala sila, siguro magkasama din sila sa boracay? "Ayos ka lang?"
Ngumiti ako sa kanya. "Actually, no. I'm tired of putting on a happy face everyday like it's all fine and I can handle all these shits."
Hinila niya ako patalikod kela Earl at Ysa at niyakap ako. Alam ko na. Alam ko na ung susunod na mangyayare. Napangiti nanaman ako ng mapakla. "Bakit kasi siya pa?" Nagsimula ng magluha ung mga mata ko. "It's so fucking hard and it's like no one even knows who I am. Not even my best friend."
"It's not worth it anymore. Tigilan mo na kasi siya." Harry said habang inaalalayan ako papunta sa sasakyan niya.
"Kung ganun sana kadali lahat…" Napaiyak na ako. Lumabas na ung mga luhang pinipigilan ko sa buong linggong ito.
Hinagod hagod lang niya ung likod ko hanggang sa makarating kami sa kotse niya.
Tinabihan niya muna ako sa back seat ng kotse. Pag nalulungkot ako, nagbabago ung mood ni Harry. Parang.. Parang lumalambot siya. Kanina kasi, ang sungit niya. Pero nung nakita namin sila Earl bumait ulit siya sakin. Bipolar, eh?
"It's eating me alive.. So for once, I'd say that I'm not okay.." Niyakap ko na siya. Di ko na napigilan. Yinakap ako pabalik ni Harry na ikinatuwa ko naman. At least, he's always there for me when I down.
He always brings out the worst in me. Ayaw na ayaw kong may nakakakita saking umiiyak pero kay Harry nailalabas ko lahat.
He's always the only exemption.
Kumalas siya sa yakap then gave me a quick kiss on my forehead. "Tama na.. Kalimutan mo na siya.. Nandito naman ako para tulungan ka eh.." Tapos ngumiti siya. Nakakagaan ng loob. May tao pang gustong maging kaibigan ko kahit may mga nagawa akong masama.
"Dito ka nalang sa tabi ko.. Hindi ko na kaya, bibigay na ako kapag wala ka sa tabi ko."
BINABASA MO ANG
Better than Words
Teen Fiction"I've fallen in love. What should I do? It hurts so much but I want to keep on hurting."