2 x

88 5 0
                                    

Naeexcite kong binuksan ung email ko. Chinecheck ko ba kung nag email na sa akin si Ysa.

Napagkasunduan kasi namin na. Lagi kaming mageemail sa isa't isa para laging updated. Sweet diba?

Ung mga iba nga jan. Di lang makapagusap ng ilang bwan nagkalimutan na. Pero kami? Hindi.

Mejo nalungkot ako nung nakita kong wala pang email sakin si Ysa. Kaya ako nalang ang nauna.

Dear Ysa,

Kamusta ka jan? Okay na ba si Tita? Ako okay lang dito. Baka tanungin mo kung okay lang din si Earl? Oo okay lang siya. Kabisado na kita eh. Feeling ko tuloy mas mahal mo na siya kesa sakin! Hehe. Joke. Inaantay sana kita magemail kaso wala pa din. Kaya naisipan ako nalang ang mauna. Reply Asap na mabasa mo to ha? Miss you! Love you! Mwa x

-Aemma♡

Pinatay ko na ung laptop ko at niligpit na sa bag ko.

Kung nagtataka kayo kung bakit Email pa kami nag uusap kahit marami ng messenger na pwedeng gamitin. Masyadong busy si Ysa sa pagaayos ng fashion line nila. Ayoko ng dumagdag oa sa problema nila kaya sabi ko Email nalang. Para kapag free time lang niya matitignan. Hindi pa agaw oras sa kanya. At baka mapabilis pa ung uwi niya. Diba?

Napatayo ako bigla ng may umakbay sakin. "Ay jusko." Sabi ko pa habang hapo hapo ko ung dibdib ko.

"Hahahaha. Grabe naman pala. Magugulatin ka ba talaga?" Tanong niya sakin.

"Halata ba?" Tapos inirapan ko siya. I'm trying my best para magtaray kaso.. "Hehe joke. Oo eh." Hindi ko talaga kaya. Bakit ba ako pinanganak ng mabait?

Nginitian na lang niya ako tapos hinila niya ako palabas ng DLSU.

Ah, DLSU kami nagaaral. I'm taking Bs Psychology. Pati na din si Earl at Ysa. Kaso ngayong 3rd term, wala si Ysa. :(

Pilit kong binabawi ung kamay ko kaso lalaki siya. Malakas. Kaya wala din. Ang daya talaga. Pag ako naging lalaki!

Dahil nga wala na akong magawa, nagpahila na lang din ako.

"Where are we going ba? At ayaw mo akong bitawan?" Tanong ko habang mabilis naglalakad. Malaki kasi siya humakbang eh. Pano malaking tao! Di ba siya naawa sa katulad kong fun-size lang? :(

"Basta." He said. Pero naglalakad pa din siya. "Pagod ka na ba?" Tapos lumingon siya sakin.

Tumango nalang ako. Nagulat na lang ako nung umupo siya sa harapan ko.

"Uy. Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya habang naguguluhan.

"Slow ka ba talaga? O ano?"  Sagot niya ng naiilingiling.

"Huh?"

Hindi niya ako sinagot, instead. Tumayo at humarap sakin at bigla akong binu--

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh-- Earl ibaba mo ako please!" Pagmamakaawa ko sa kanya.

Binuhat niya ako, ung muka ko nasa likod niya. Alam niyo na un.

Kaso, naka skirt ako! Nakakahiya! Naka-shorts naman ako. Kaso boxers! >_<

"Ibaba mo na ako please." Mahinahon kong sabi. Tapos bumulong. "Naka-skirt ako. "

Natigilan siya bigla tapos binaba ako. Buti naman! Mejo marami ng nakatingin samin kasi nga binuhat niya ako ng parang baboy.

Bigla niyang nilagay ung kamay niya sa batok niya tapos yumuko. "S-sorry."

Napansin ko din na namumula siya. Kaya namula din ako. Ang cute niya kasi  talaga pag nagbblush.

What did I just say? Nako hindi to pwede. Boyfriend siya ng bestfriend ko. Hindi pwede.

"Okay lang." Sabi ko. "San ba kasi tayo pupunta?"

"Aayain lang sana kita kumain?" Napatingin ako bigla sa kanya. Si Earl ba to? Dati hindi niya ako kinakausap. Pero simula nung umalis si Ysa, lagi na niya akong kinakausap. Now this?

"S-sure ka ba?"

"Di naman kita dadalhin dito kung hindi ako sure eh." Nandito na kasi kami sa parking. Don't tell me sasakay ulit ako sa kotse niya!?

Hindi na ako nakasagot kasi hinatak na niya ako ulit. Ako naman nagpahatak.

Sumakay na kami sa kotse niya. Nakita ko siyang nag seatbelt pero nakatingin pa din ako sa kanya.

"Ano? Ako pa ulit magsusuot ng seatbelt mo?"

Dali kong sinuot ung seatbelt. Hala di ko na ata kayanin pa kung mangyare ulit ung ginawa niya sakin last time. Baka hindi lang ako manghina. Mangisay na ako. Sa kilig.

Better than Words Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon