Veronica Zett's POV
Nagising nalang ako sa isang malaking kwarto. Iniisip ko nasa langit na ba ko pero naramdaman kong gumalaw yung hinihigaan ko. So hindi pa.
Iginala ko yung mata ko sa side ko at nakita kong naroon nakatayo si Michael na halatang kakatapos lang maligo kasi basa pa yung buhok na nakatapis yung tuwalya sa ibabang parte, yung right na tuhod niya na nakapatong sa kama ang dahilan sa pag-ugoy niyo.
I swear to my fats na namula ang mukha ko sa position niya, nakatapis lang yung ibaba niya tapos nakapatong pa yung isang tuhod niya sa kama kaya konting galaw pa ay makikita ko na ang junior niya. PackingTape!
Agad akong napaupo, "Huwag kang lalapit! Shit." Napamura pa ko. Patuloy akong umusog patalikod pero naramdaman kong bumagsak yung pwet ko sa sahig. "Shit, ang sakit."
"Hala, ayos ka lang Zett? Bigla-bigla kang nabulagta diyan." Tumakbo siya papunta sakin na nakatapis pa rin.
Dahil sa nakatapis siya, sumisilay yung nagbi-built na abs niya. Wengya naman, Lord. Dapat mas Virgin pa 'tong mata ko kesa sa Virgin Coconut pero bat nasasaksihan ko 'to? Destiny po ba?
Tumango lang ako tapos tumingin sa ibang direksyon. "Aba siya o," bulong ko. "Magsuot ka kaya ng damit. Baka mapulmonya ka."
Tawa lang sagot niya tas may pang-aasar na. "Hay nako. Ang sexy ko talaga. Hahaha." Tas pumasok na siya sa isang walk-in closet.
Ginala ko muli yung mata ko at napanganga sa lawak ng kwarto na 'to. Alam kong kwarto niya 'to kasi naamoy ko yung amoy ng walangya dito at kung bakit naman alam ko ang amoy niya, ay wala na kayo dun.
Ang laki din nitong kama at ang lambot. Andito ba ko sa bahay nila? Ang yaman nga talaga ng Gagu. Kung ganito kagara ang buhay nito ay bakit pa siya nagtitiis sa apartment na ang liit at masikip?
Hindi katagalan ay lumabas na siya. Aba naka bench ang walangya.
"Tulala ka nanaman. Ang gwapo ko talaga. Hahaha." Binato ko lang ng unan yung katarantaduahan niya sabay irap.
"Teka, bakit nga pala ako nandito? Akala ko mamamatay na ko." Tapos naaalala kong pinapaligpit lahat ng babaeng lumalapit sakaniya. "Hutaena, uuwi na ko. Di ako pwedeng mamatay dahil lang lumapit ako sayo. I love my life." Aakma na kong tumayo pero seryoso siyang nagsalita.
"If you want to live then don't open that door without me or else you're dead."
Nanigas yung katawan ko, pinagpapawisan ako kahit airconditioned na ang kwarto. Mamamatay daw ako pag aalis ako dito ng mag-isa. E pano ako aalis!
"Yung mga Men na nakasuot ng suit kanina, andiyan lang sila, and I swear you, you were their next target." Naglakad siya sa may maliit na lamesa, may dinampot pa siya at masaya niya itong pinakita.
Nanlaki agad mata ko sa nakita ko, "Thanks to this nabawi kita sakanila kundi, you were dead at this hour." Seryoso niya tugon. "Well I'm going to be the next Mafia Leader in order to maintain our relationship with the other Companies." Tapos nilaro-laro niya sa kamay niya yung baril. "And ofcourse I need this to keep myself alive." Napangisi pa siya habang titig na titig sa baril. Parang hindi si Michael itong kasama ko. Kakambal niya kaya?
"Oi, oi! Ilayo mo yan. Wag mo ngang laru-laruin baka pumutok yan."
"Hahaha. Zett relax. I know how to handle a gun. Tinuruan na akong gumamit nito since I was 8."
Nawindang muli ako sa sinabi niya. Wow, next Mafia Boss? No words wanted to escape from me, they were kept inside. So, sa loob ng kwartong 'to kasama ko ang next head ng Mafia Boss.

BINABASA MO ANG
Ang Matabang Rebound
RomanceDahil mahal ko na siya kahit na mahal din siya ng Bestfriend ko na mahal niya din at iniwan siya... A deal has been set... Ang Rebound na MATABA... Bow