Veronica's POV
Ayos na lahat, nakapag palit na ako, nakaayos na ako ng sarili ko. Paalis na ako papasok ng eskwelahan namin.
Paglabas ko, sabay din na niluwa siya ng pinto.
"Good Morning!" bati nito, mukhang mas masigla siya ngayon. Mukha atang hindi kinakapitan ng problema ang Gaguuu (•ิ_•ิ)
"Morning." simpleng bati lang. Bangag ako ngayon, bukod sa napuyat ako kakareview ng Geo kagabi dahil may Quiz pa pala kami, ay hindi pa pumapasok sa utak ko ang mga numero at letrang nasa libro ko kakaisip sa ginawa ko sakaniya kahapon. Tapos eto siya ngayon ang kulit-kulit. Layuan mo ko, baka magkasala pa ako kay Lord. (-Φ-)
"Uyyy, bakit parang binagsakan ka ng langit at lupa diyan?"
"Wala kampake." Binagsakan ako ng exam sa Geometry. -_-
"Meron, kaya nga nagtatanong ako di ba? Bastusan?"
Ewan ko sayo.
Pumara na ko ng Tricycle, gaya ng kahapon sumama nanaman siya.
"Hindi ako nakatulog ng maayos tsaka di pa ko gaanong nakareview ng Geometry ngayon. Eksakto may quiz pa." inaantok na talaga ako -_-zzz
"Sus! Geo? May sikreto diyan. Madali lang yan!" pagyayabang neto. Eh kung ipanguya ko kaya sakaniya ang isang napakakapal na libro ng Geo ko. Pinapasakit lang nito ang ulo ko -_-
"Kasing kapal mo yung libro kong Geo. Kalokalike pag pinagtabi yung mukha niyo."
"Hindi aa, mas gwapo ako!" (=゚ω゚)ノ
"Psh. Yung tungkol dun sa Geo, Hindi mo nga kayang ipasa ang scholarship Geo pa kaya." -_-
"Oh bakit ikaw, pinoproblema mo yung Geo. Samantala kinaya mo nga yung Scholarship, Geo pa kaya. Di ba? Kaya yan!" (=^ω^=)
Bakit ba ganito 'tong lalakeng 'to? Minamaliit mo na nga, chini-cheer up ka pa. Naaabnoy na talaga. Siguro kamag-anak niya si Budoy.
Pagkababa ko sa tricycle inalalayan nanaman niya ako. Wala akong ibang naisagot kundi. "Salamat."
"Okay lang yun." He smiled, a smile that can express the real him.
*dug dug dug
Ano ba 'tong nararamdaman ko?
Gutom?
=_____=
*dug dug dug
Bago ko pa marealize ang nararamdaman ko agad nang humarurot ang tricycle paalis.
Yung nararamdaman ko?
Gutom nga, kakamadali kong magbihis nakalimutan ko nang kumain. Oh well, didiretso muna ako ng Canteen. Dun ko makikita ang forever. 👍
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
-Jam (StrawberryJamy) ❤
BINABASA MO ANG
Ang Matabang Rebound
RomanceDahil mahal ko na siya kahit na mahal din siya ng Bestfriend ko na mahal niya din at iniwan siya... A deal has been set... Ang Rebound na MATABA... Bow