Veronica's POVKanina ko pa tinatapon 'tong si Elmo na bigay ng shokoy na 'yon. Dahil nga sa kadahilangang naiinis pa ko sakaniya. Pero sayang ee, minsanan lang makakuha ng ganitong prize pa-choosy pa ba ko.
"Oy, Besh. Nakatanggap ka lang ng effort na bear kinalimutan mo na ko? How sad."
"Isa ka rin ee, leche ka rin. Shut up ka muna. Nag iisip ako." Napanguso nalang siya ng pinkish niyang labi.
"Nag iisip? For what reason? Kung sasagutin mo na si Michael o sasagutin mo ba siya?" Ang sarap niya lang batukan kahit maganda yan. Nakakagigil naman mga tanong neto.
"May iba pa ba akong choice?" asar kong tanong.
"Oo, kung papakasalan mo ba siya?" binatukan ko nga, kanina pa ako nawiwindang sakaniya.
"Hindi shunga, yung kahapon kasi. Ang bigat parin ng dibdib ko sa mga nasabat ko sakaniya kagabi habang wala ka. Teka, san ka nga ba nagpunata nun ha? Kumain ka ba nun, bakit di ka nagtatawag!" sarkastiko kong sagot.
"Hindi Besh, tumae lang ako nun. Kung natatae ka rin nun sana sinabi mo para sabay tayo!"
"Shut up, Siatriz. Baka masapak ko yang maganda mong mukha. Mahihiya nanaman ang palad ko." Tinignan ko siya ng naeewan saka nagseryoso. "Gusto ko ring magsorry kay Michael. Wala naman siyang kasalanan sa totoo lang. Sadyang sumagad lang yung pride ko." Pag-amin ko. Though the truth hurtsss.
Nasa may bench kami malapit sa Gym. Andito parin si Michael sa loob ng School namin. Actually, nararamdaman ko yung awra niya sa likod ng puno na may mga halaman sa likod ng inuupuan namin.
"Michael Andreii, Lumabas ka diyan. Wag mo kong pinagloloko, shokoy ka!" pagpaparinig ko.
Agad namang napatigala sakin ng tingin si Yrish, "Pinag-sasabi mo diyan, Besh? Asan si Michael? Asaan?" palingon-lingon na tugon ni Siatriz.
Agad akong tumayo at tinungo ang kinaroroonan niya. Teka lang, tatanchahin ko lang siya. Nang ma-locate ko na yung target ko, tinamaan ko ng abot ng aking makakaya. Tignan lang natin kung makakapagtago ka pa. Ulul!
"ARAY! Aray kupu! Bakit mo ko binanatan, masakit kaya." Habang hawak-hawak yung pwet niyang nasampolan ko. Natatawa nalang ako sa sarili ko, Aba sapul yun a. Hahaha! "Muntikan na sa ano ko. Pano pag nabaog ako? Edi kawawa ka!" piningot ko nga ang tarantado papunta sa inuupuan namin ni Siatriz. "Aba siya o." pagrereklamo niya.
Reklamo lang siya ng reklamo habang si Siatriz naman ay tumatawa habang pinipigilan ang pag lapirot ko sa tenga ng gagu.
Malakas ang sense ni Siatriz, MINSAN. Kaya naman agad na siyang umalis nang naupo na kaming dalawa ni Michael sa upuan. Nakakashet naman itong mokong na to, nakakapagod maglakad para lang tawagin siya, ilang taba kaya ang nabawas ko dun?
Hindi siya tumitingin sa mukha ko at patuloy na ginagala ang mata.
"Hoy." Pagtawag ko mahina pero itong si mokong parang walang kibo.
"Hoy." Muli kong pagtawag, medyo nilakasan ko na ang boses ko pero wala pa rin. Aba gusto niyang iuntog ko siya sa bilbil ko?
"Hoy!" pagsigaw with matching hambalos ko sa ulo niya. Ano? Wala ka pa rin bang napansin, shokoy ka.
"Aray naman." pagrereklamo niya. Napakahina ng boses niya parang nuno yung kausap ko. "Di mo naman ako kailangan batukan, pano pag nagka-amnesia ako edi iiyak ka pa. Sayang pa naman relasyon natin." Pabebe niyang sinabi sabay pout pa. I-stapler ko yang mukha niya e.
Tinignan ko siya ng may pandidiri. "Walang masasayang dahil una palang wala na tayong relasyon. Gagu." Nag middle finger pa ko sa mukha niya. Para may impact naman. Natawa lang siya sa ginawa ko kaya binaba ko na yung kamay ko, Inirapan ko nalang.

BINABASA MO ANG
Ang Matabang Rebound
RomanceDahil mahal ko na siya kahit na mahal din siya ng Bestfriend ko na mahal niya din at iniwan siya... A deal has been set... Ang Rebound na MATABA... Bow